Chapter 4 - face to face

588 35 5
                                    


Na sa bahay kami ngayong lahat. Si lola at lolo kasama si tita Areena ay na sa sofa. Ako naman at si Maxeen ay nasa gilid nila, habang si Clair naman ay tulala parin na naka upo malapit sa dining table.

Ang tahimik ng buong bahay, walang may nag sasalita ni isa sa amin tungkol sa nangyare. Hindi ko mapigilang hindi sumulyap kay Clair. Gusto ko siyang puntahan pero hindi ko naman alam kung anong aking sasabihin. Hanggang sa...

"What now?" biglang saad ni lolo.

Agad kaming nag tinginan ni Maxeen. Ngayon, alam kong maging maayos na ang lahat, natalo namin ang taong papatay sa kaniya so ibig sabihin, mananatili kung ano ang nasa future. Pero may isa pa, limang taon mula ngayon ay makakawala ang isa sa mga 7 deadly sins.

"Kailangan na namin bumalik!" biglang singit naman ni Maxeen na agad kong ikinagulat.

"What?! Babalik na kayo?" tanong naman ni lola sa kaniya.

"Yes Ma'lady. Tapos na ang aming mission. Babalik nalang kami pagkatapos ng—"

"Teka, teka!  Sino ka nga ulit?!" biglang singit naman ng lolo kaya hindi natapos ni Max ang kaniyang sinasabi.

"I'm the last descendant of Gabriel, from the Clan of Seekers, Lord Arren. I'm the only daughter of Gabe,  son of Gabriel and—" (Maxeen)

"Epepep! Yes, tama na..na kwento na sa akin ni Arwen yan." (Arren)

"Your're the one that they called a legend, The General of God's Army. The only Hybrid that ever walk in this earth and became mortal. The story about the Great battle in mt. Zion, the Blood moon, The Great war! Iniidolo po kayo ng marami. Isa po itong karangalan na maka harap kayo." saad ni Max sabay luhod sa harap ni lolo.

Totoo naman ang lahat ng sinabi niya. Isang alamat si lolo sa aming panahon. Lahat nang kwento tungkol sa kaniya at sa kanila. Kung paano nila niligtas ang mundo. Lahat yan ay ikinwento ng mga Clan Elders noong nabubuhay pa sila.

"Psh.. Talaga? Hehe.. Ang bait nitong batang ito haha! Hon, narinig mo ang—" (Arren)

"ANONG GENERAL?! ANONG GREAT WAR?? ANONG PINAGSASABE MO HA? JUSKO, PLEASE NAMAN MAG EXPLAIN KA—" (Clair)

"Sleep...." (Max)

Sa isang iglap, bigla nalang natumba si Clair sa kaniyang kinatatayu-an at agad naka tulog sa sahig. Seeker si Maxeen kaya may kakayahan siyang mag manipulate ng utak nang tao. Mabilis ko namang pinuntahan si Clair para siya ay buhatin.

"Max! Ano ba?! Hindi moman lang hinintay na maka upo siya. Mamaya baka mapano pa si Clair!" galit kong sambit sa kaniya.

"Wow! Na alala ko tuloy si Gabriel, haha!" (Bea)

"Kaya nga!" (Arren)

"Should i erase her memory?" biglang tanong ni Maxeen sakin habang nilalahad niya na ang kaniyang kamay na naka tutok kay Clair.

"Max, wait!!" pigil ko naman sa kaniya.

"Yes?" (Maxeen)

"Just wait!!"

"Arwen, kailangan niyang makalimutan ang lahat, alam mo yan." Paliwanag naman ni Maxeen. 

Oo alam kong kailangan niyang makalimutan ang lahat. Hindi niya dapat makita ang kaniyang nakita at hindi niya dapat malaman ang tungkol sa amin at sa aming pamilya.

Pero baket hindi ito ang inuutos ng puso ko? Baket parang gusto ko na malaman niya? Hindi ko alam! Nagugulohan na ako!

"Uhm.. Pwede mo bang burahin yung kanina lang? Hindi yung lahat?" tanong ko naman sa kaniya.

The Hybrid vol. II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon