Chapter 24 - The Fatal five

337 29 46
                                    

*Flashback*

                     Arwen's POV

I was on my everyday routine that day..

Wala munang ensayo kila Areena dahil gusto kong magpa lipas ng oras sa lugar kung saan nakakapag isip ako ng maayos.

Kagaya ng araw-araw kong ginagawa, pumipitas ako ng rosas at nilalapag ito sa harap ng puntod ni Hera bago siya batiin. "Hi,  Hera... Nandito nanamam ako." saad ko.

Umupo ako at sumandal sa kahoy na nasa gilid ng puntod niya. Pinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim. Ang sarap sa pakiramdam kapag nandito ako. Na kakapag-isip ako ng maayos at na kakarelax.

Lalo na ngayon na ang dami kong iniisip. What's next? What will happen to us? Lalo na nanandito sila Maxeen. Ano na ang susunod kong gagawin? Ang daming mga katanungan sa isipan ko na hindi ko kayang sagutin ng isa-isa.

Bigla akong na pa tingin sa puntod ni Hera. "Kung ikaw ang sa kalagayan ko ngayon, anong gagawin mo, Hera?" naka ngiti kong tanong sa kaniya.

Kahit alam kong hindi na siya makakasagot, alam ko naman na naririnig niya ako kahit paano. I guess so. Hindi ko naman alam kung anong mangyayare sa anghel kapag nawala na ito.

But...

On the back of my mind, there's something telling me that i need to pray. Na pa ngiti ako ng bahagya. Pray? What will happen if i pray? Masasagot ba niya lahat ng panalangin ko? Ma wawala ba niya lahat ng sakit at hirap na nararamdaman ko ngayon? Ma babalik niya ba si Hera? I don't think so...

Na pa iwas ako ng tingin sa puntod ni Hera at muling pinikit ang mga mata ko.

"Why have you forsaken me?"

Hindi ko alam pero bigla ko nalang binigkas ang mga katagang iyan. Pero totoo naman eh, kung may totoong diyos nga naman...bakit niya ako pinabayaan? Bakit niya ako pinapahirapan? Ano ba ang matinding kasalanan ko bakit niya ako ginaganito?

Wala pang ilang segundo pagkatapos kong ma tanong ang lahat ng iyon sa isip ko ay may bigla akong narinig na kakaiba. Parang may ma ingat na naglalakad dahil sa tunog na pagkabali ng sanga na naapakan niya.

Hindi na ako na iisa dito....

Agad akong na pa upo ng tuwid at na alarma. Inikot ko ang aking paningin sa paligid upang mag masid. Hanggang sa may nakita akong parang anino na dahan-dahan nag lalakad sa harap ko. Hindi ko siya masiyadong mamumukhaan dahil sa gitna siya ng kagubatan. Dahil d'on ay agad akong na pa tayo.

"Sino yan?! Mag pakita ka!" sigaw ko.

Hindi ito sumagot at agad naman siyang na pa hinto. Biglang umiba ang dereksyon niya at ngayo'y papunta na ito kung saan ako. Hindi naman pwedeng mga kalaban ito dahil umaga ngayon. Walang lumalabas na kalaban kapag umaga. At lalo na maliwanag dito, kaya alam kong tao siya.

Habang papalapit siya ng papalapit ay ganon naman ang pag bilis ng kabog ng dibdib ko. At ilang sandali pa ay bigla nalang siyang lumabas sa mga nag tataasang sanga ng halaman.

Isang matandang lalake....

Doon na ako naka hinga ng maluwag noong makita siya. Naninilaw na sa dumi ang puti niyang damit. Parang naka pajama rin siyang puti pero nangingitim na ito sa putik na nanuyo. May tungkod siyang hawak na abot sa ulo niya at halata kong naka paa lang siya dahil kitang-kita ang mga sugat niya. Agad korin na pansin ang kalat-kalat niyang buhok at sobrang pawis na pawis na siya. May maliit siyang bag na hawak at may suot na banig na sumbrero. Dahil d'on ay hindi ko na iwasang lapitan siya.

"Tay! saan po kayo galing??" saad ko sabay lapit sa kaniya at inalalayan siyang maka tayo ng tuwid.

"Pasensiya kana hijo, na pa daan lang ako." sabi niya sa akin.

The Hybrid vol. II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon