Chapter 17 - Flowers

363 26 38
                                    


                      Arwen's POV

A bilis nang panahon....

Parang kailan lang kami pumunta nang Jerusalem at ngayon patapos na ang Enero. Huling dalawang araw nalang nang Enero pero wala parin pinag bago.

Sa araw-araw kong pag punta sa bahay ni Memphis para mag ensayo, hindi pwedeng wala rin si Abe doon dahil araw-araw niya rin pinupuntahan si Maxeen.

Kung gugustohin kolang ay sa ibang lugar nalang sana ako mag eensayo pero ang sabi ni lolo ay malawak at makaka concentrate daw ako doon, like duh?! Concentrate??!!

Hindi sa ayaw ko, pero ang makita silang dalawa, yun ang ayaw ko. Bitter na kung bitter at mas pa-it pa sa amapalaya pero hindi talaga ako maka concentrate doon.

And speaking of Abe, araw-araw niya akong sinusundo dito sa bahay bago pumunta kila Memphis. Sabay na daw kami nang loko! Isipin niyo yan?! SABAY DAW KAMI!!

Pero kahit ganun, wala akong problema kay Abe. Ang sinasabi niya lang sa'kin na nangako daw siya nang katapatan niya kaya tinutupad niya lang yun sa pamamagitan nang pag sundo. Ginawa pa akong chix!

Masayang kasama si Abe, puro ka kwelyahan at kalokohan ang palagi niyang ginagawa. Yung tipong kahit manok hahabulin niya para hindi lang maging boring ang araw niyo.

Kaya minsan na papaisip ako, na baka siguro nagugustohan siya ni Maxeen dahil hindi siya boring. Teka..meaning kung ganun boring AKO???!!

Hindi ako boring!! Serious lang ako minsan pero hindi ako boring!! Pag may marinig lang talaga ako na sabihan akong boring, nako! E ngungudngod ko talaga siya sa—"

"Alpha!! Ang boring mo naman!" biglang singit ni Abe habang naka upo kami dito sa taas nang bubong ni Memphis. "Na tutulala kana naman, problema mo?" dagdag pa niya tsaka siya tumayo at nag pa lakad-lakad sa kanto nang bubong.

"Ano ba't—bumaba ka nga diyan!" sigaw ko sa kaniya. Sarap itulak si gago.

"Whoaw.. Easy!" sagot niya naman na naka taas kamay. "May problema ka ba?" tanong niya ulit sa'kin.

"Tsk, wala..ang—ang dami kolang iniisip ngayon." sagot ko naman sa kaniya.

"Hey." biglang tawag niya kaya na pa tingin ako. "alam mo bro, na iintindihan kita. Lalo na ngayon na pasan muna ang responsibilidad, alam kong mahirap 'yan." seryosong saad niya sa'kin.

"Hindi ko alam Abe, hindi ko alam kung kaya ko'to. Parang may mali eh." sagot ko naman.

"Huh?  Anong may mali? Sandali, huwag mong sabihin na hindi ka pa handa??" (Abe)

"Hindi sa ganun, alam kong handa ako at kakayanin ko'to pero, parang sabay-sabay kasi." sagot ko naman.

"Brad one step at a time. Hindi naman 'yan biglaan. Ako nga hindi ko naman binibigla o pinipilit agad na makipag close diyan sa mga anghel pero wala akong magawa dahil kailangan kitang samahan." paliwanag niya sa'kin.

Tama nga naman si Abe. Simula nung sumama siya sa amin, kahit palagi na kaming magkasama, ilang parin siya sa mga anghel, Lalo na sa lolo ko. Pero hindi lang pinapansin ni Abe yun dahil kami naman palagi ang magkasama..at si Maxeen.

"Alam ko naman yan Abe, pero malapit na eh, dalawang buwan nalang. Nagugulohan pa'ko sa bugtong ni Mediva. Paano kung tuloyan na nga masira ang selyo nang kulongan?" tanong ko ulit sa kaniya. Pero pansin kong na pa kunot noo siya.

"Teka, selyo nang kulongan? Alin yung kulongan?" (Abe)

"May selyo ang kulongan nang walang hanggan Abe. Selyo para hindi maka wala ang mga masasamang elemento na matagal nang ikinulong nila lolo dati." paliwanag ko sa kaniya na mas lalo nag pa kunot nang noo niya.

The Hybrid vol. II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon