Chapter 8 - good night

480 27 12
                                    




                    Maxeen's POV

Ramdam na ramdam ko ang pag dapo ng kaniyang bibig sa akin. Damang-dama ko ang init at tamis nang kaniyang mga halik na nag pamanhid nang aking buong katawan.

Dilat na dilat ang aking mga mata dala sa pagkagulat, Habang siya naman ay naka pikit at dinadama ang kaniyang nakaw na halik. Sa bawat haplos nang kaniyang mga palad sa aking pisngi, ay yun naman ang pag bilis nang pag tibok nang aking puso.

Parang madadala na ako sa agos nitong kaniyang halik. Dahan-dahan konang dinadama ang lahat, Konte nalang at malapit nang pipikit ang aking mga mata. Ang mga kamay ko ay unti-unti naring gumagapang sa kaniyang bewang na para siya ay hatakin papalapit sa akin.

Ito na kaya yun? Ito na ba ang hinihintay kong pagkakataon? Ito na ba ang oras namin ni Arwen? Pero baket parang may kulang? Baket parang may mali??!

Biglang may pumasok sa isip ko na hindi ako mapakali. May mga katanungan kung baket naging ganito ang kinalabasan nang aming pag papanggap. Siguradong hindi ito totoo! Siguradong nadala lang siya...

"Mmhp—Arwen Stop!!" biglang putol ko sa lahat na nangyayare samin, sabay tabon nang aking bibig. Agad ko siyang tinulak papalayo na kaniyang ikinagulat.

"W—what happen?! Did i hurt you?!" gulat niyang tanong sa'kin. Akma siyang lalapit muli sa akin pero sumenyas ako na wag niya nang ituloy. "What's wrong Max? May—"

"W—what was that Ar?" pa utal kong tanong sabay tulak ulit sa kaniya.

"I'm—I'm sorry.. (Arwen)

"Jesus Ar! Baket mo ako hinalikan?!"

Hindi siya naka sagot at basta niya nalang akong tinitigan. Titig na parang nag sisisi sa kaniyang ginawa.

"Max, sorry kung nabigla kita, hindi ko si—"

"Sinasadiya? Haha! Hindi mo sinasadiya ganun? So ano yun? Wala lang?!" galit kong singit sa kaniya.

"No!— I mean yes! Max, pasensya kana talaga! Dahil kasi—"

"Dahil nadala ka? Sumabay ka talaga sa agos ano? Pati halik ginawa mong pag papanggap?!!  PINAGLALARU-AN MOLANG BA AKO?!!" ngayon na pa sigaw na talaga ako. Kaninang pakiramdam na parang akala ko totoo na, hindi pala talaga. Isang panaginip lang!

"Hindi sa ganun Max, hindi korin ma intindihan kung anong pumasok sa isip ko pero i felt it! There's something in you na—"

"Anong i felt it?!! SIRAULO KA! Malamang you felt it dahil hinalikan mo'ko, gago!" singit ko nanaman sa kaniya. As in umuusok talaga ako sa galit. Ang pakiramdam na parang pinag lalaru-an kalang?! Kakainis!

"Max, patapusin mo naman ako! Sumisingit ka eh!" saad niya tapos akman siya lalapit pero pinigilan ko siya.

"Huwag mo akong lapitan Ar ha?! Binabalaan kita, diyan kalang tatamaan ka talaga!!" panimula ko at pagkatapos huminga ako nang malalim. Parang hindi kona mapigilan ang sarili ko eh. Babae din ako, hindi ganun katigbay ang aking tapang sa mga ganitong bagay.

"Tama ka nga Ar, hindi nga magandang idea ito. Maling-mali ako! Sana hindi nalang talaga ako nangialam sa'yo. Sana hinayaan nalang talaga kita. Nakakasakit pala ito, Masakit eh! Pero balewala lahat nang mga sinabi ko dahil wala eh, gusto kita."

"W—what?! Anong—"

"Wala!! Mali!! Hindi pala! Hindi pwede!! Sobrang mali!!" singit kona naman at ngayon, tumalikod na ako at umalis sa harap niya.

"Max, ano ba?! Sandali nga lang! Hindi pa nga tayo tapos eh!" pigil niya sa akin habang hinawakan ako sa braso. Pero noong lumingon ako sa kaniya at nakita niya akong lumuluha, bigla siyang napa bitaw sa kaniyang pagkahawak. Agad kong pinunasan ang aking luha dahilan para matanggal ang concealer at lumitaw ang aking peklat.

The Hybrid vol. II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon