Chapter 31 - The one and only

337 34 52
                                    


Author's note: Bantayan po mabuti ang mga POV at baka may malilito nanaman. Salamat. 😁





Maxeen's POV

Next Day...

(Day two)

"Good morning asawa ko!!!"

Bigla akong na pa mulat sa biglang pag sigaw ni Arwen. Pakiramdam ko tuloy na alimpongatan ako nang makita siyang naka tayo sa harap ko habang may hawak-hawak na tray.

"A-Ar?" *yawned* "Ang aga paaaaa." bulaslas ko agad sabay takip ng kumot sa mukha ko.

"Babe, umaga na! Sayang ang araw natin aba!" saad naman ni Arwen kaya agad kong binaba ang kumot sa mukha.

"Bakit? May lakad ka?!" agad kong tanong.

"Huh? Wala! Sayong-sayo ako buong araw!" naka ngiti niyang sagot tapos lumapit na siya sa akin habang dahan-dahang nilalapag ang tray sa harap ko.

"Tadaaaaa!! Breakfast in bed, asawa ko! May tinapay, may kanin, may-teka..may hindi ko alam kung ano 'to hehe.. May orange juice, freshly squeezed pa aba! At syempre.. Hindi mawawala ang ubas, hehe." (Arwen)

Agad akong na pa upo noong marinig na may ubas. Agad akong kumuha at kumain. Ang sweet ni Arwen haaaay. Sana ganito nalang everyday.

"Grabe, wala manlang good morning. Tss. Saklap!" (Arwen)

"Ay! Oh my god! Sorry babe!" Sigaw ko tsaka siya hinalikan. "Morning! And thank you sa breakfast in bed mo, sweet naman ng asawa ko!" Dagdag ko pa tapos muli siyang hinalikan.

Agad gumuhit ang mg ngiti ni Arwen tapos umupo siya sa tabi habang kumukuha rin ng ubas.

"So? Anong gusto mong gawin ngayon? Oh wait! Gusto mong mamasyal? Or.. Or-"

"Hahaha! Sariling tanong sariling sagot?" singit ko naman sa kaniya. Hindi ko ma explain yung mukha niya ngayon dahil parang excited talaga siya sa araw na'to. Hindi ko alam kung bakit.

"Oh bakit? Gusto kolang naman masulit yung araw na'to. Syempre first day natin bilang mag asawa kaya dapat mag celebrate tayo." naka ngiti niyang tugon ulit.

"Awww!! Hali ka nga! Pa amoy muna!" Hinila ko siya tapos muling hinalikan at inamoy ang dibdib niya. Pinag lilihi-an ko yata ang amoy nito eh. Hahaha. "Mmmm! Bango-bango!! Chalap!"

"Haha! Kagabi ka pa ha!" (Arwen)

"Ahaaaaa!!! Alam kona kung anong gagawin natin!" Sigaw ko dahil may na alala akong gusto ko talagang pakialaman eh.

"Shoot! Kahit ano pa 'yan!" (Arwen)

"Talagaaaaaa?" Naka ngisi kong tanong. Hihi.


>>>>>>>>>>>

Moment's later......

"Uh-Babe? Ito ba talaga ang gusto mong gawin ngayon?" naka simangot niyang tanong habang inaayos yung kurtina sa malaking bintana nang aming kwarto.

And speaking of kwarto, dito lang naman kami ngayon natutulog sa kwarto ng dating hari at reyna noon. Inayos daw ito nila Merida as a wedding gift sa amin. Dapat daw may sarili na kaming kwarto kaya napag desisyonan nila na kami na ni Arwen ang gagamit ng kwartong ito. Tinde noh?

Siguro sabihin na natin na ma arte lang talaga ako or baka sa mood swings ko narin dahil gusto kolang talaga ayusin yung kwarto ngayon. Ang ganda at ang laki pati. Feeling ko kasinglaki nang sala namin sa bahay yung kwarto na'to. May sariling fireplace siya sa gilid ng kama habang may malaking balat ng kung anong hayup man ito na naka latag sa sahig. May maliit na lamesa na gawa sa kahoy at tatlong upu-an kaya ang sarap siguro tumambay dito kapag malamig ang gabi.

The Hybrid vol. II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon