Chapter 14 - The other Girl

327 20 14
                                    

                      Maxeen's POV

Kararating lang namin sa bahay ni Memphis.

Na unang pumasok si Arwen at Michael, habang si Gabriel naman ay kinausap si Abe na hindi muna papasok dahil mag hihingi pa sila nang permiso kay Arren kung pwede siyang sumama. Kaya dahil dun, sinaman ko muna siya sa labas.

Pag pasok na pasok palang nila ay agad sinumbong ni Gabriel si Arwen sa kaniyang lolo. Pinagalitan niya nanaman ito sa harap nilang lahat. Naka yuko lang siya at hindi umiimik. Walang emosyon akong nakikita mula sa kaniya na para bang hinhayaan niya nalang na pagalitan siya.

Si Arren naman ay pa tang-tango lang kay Gabriel. Ang bigat parin nang dinaramdam ko ngayon. Hindi ma alis sa isip ko ang sinabi niya kanina.

"Alam kong sinaktan kita, pero mas masakit 'tong piliin mong paniwalaan siya kaysa sakin."

Ngayon, kapag nakikita ko siyang pinapagalitan sa loob, nasasaktan ako dahil wala siyang kadamay. Wala manlang may nag tatanggol sa kaniya. Kahit na si Arren at Bea hindi naman kumikibo sa kakatalak ni Gabriel sa loob.

Parang pakiramdam ko ngayon hindi na ako ang walang-wala, siya na.  Na aawa na ako sa kaniya dahil..dahil hindi koman lang magawang paniwalaan siya kanina. Para pinahiya ko pa siya talaga.

Pumaning naman ako kung saan si Abe naka tayo, naka sandal lang ito sa haligi nang terrace. Kung titingnan ko naman kasi siya, hindi naman siya masamang tao. Hindi kolang alam pero kung ako ang tatanungin, normal naman siya at parang hindi ko talaga ma isip na may balak itong masama, na evil daw siya sabi ni Arwen kanina.

"You like what you see?"

Doon na ako natauhan sa bigla niyang pag salita.

"Huh? May sinasabe ka ba?" gulat kong tanong sa kaniya.

"Pinagmamasdan mo'ko eh." sagot niya naman habang naka tingin sa malayo. Tapos napa ngiti siya nang bahagya. "You can just say so, Lalapit ako diyan para mas makita mo ang mukha ko." dagdag pa nito na may na kakainis na ngisi.

"Sira! Wag kang assuming!" inis kong saad sabay inirapan siya. 

"Wow! Alam mo, bakit ang init nang ulo niyo sakin?" panimula nito tapos napa ngiti nanaman habang umiiling. "Kung kelan gagawa ka na nang maganda, pangit naman ang ibabalik sa'yo." dagdag niya pa, tapos humugot nang buntong hininga.

"Sabihin mo nalang sa kanila na una na'ko. Hindi na kamo nila kailangan mag talo para lang papasukin ako." muli niyang saad tapos tumingin siya sa akin at ngumiti. "Pasensya sa abala." dagdag niya pa at pagkatapos ay dali-dali siyang bumaba nang hagdan.

"Oh saan ka pupunta?" tanong ko naman habang sinundan siya pa baba.

"Ano sa palagay mo? Hindi ba obvious? Uuwi na! Haha!" sagot niya tapos tumawa nang pang asar.

Ibang-iba ang personality ni Abe. I mean, of all that happened kanina, parang wala lang ito sa kaniya. Parang easy go lucky na tao na walang pakialam sa mundo. But to think na siya ay isang Hybrid. Anak nang demonyo at anghel. Pero when you try to look inside of him, there's this thing na kakaiba sa kaniya, Na kanina niya pa tinatago sa'kin.

Pain.....

He's trying to hide it from me. Alam niya siguro na Seeker ako or what pero, alam kong tinatago niya ang nararamdaman niyang sakit sa hindi ko malamang dahilan.

"Uuwi? Saan ka uuwi?! Ano ba?! Sandali kasi!" pasigaw ko sa kaniya habang pilit siyang sinusundan.

Ilang sandali pa ay bigla nalang siyang na pa hinto sa ilalim nang puno. Naka tingin lang siya sa taas na akala mo'y may pinagmamasdan. Dahan-dahan naman akong lumapit tapos pumwesto sa likod niya.

The Hybrid vol. II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon