Chapter 10 - Heart Desires

417 25 8
                                    




                    Arwen's POV

Lumipas ang mga araw pero sariwa parin sa aking isipan ang gabing nag ka aminan kami ni Maxeen. Kung paano ko sinabi sa kaniya na mahal kona siya, at kung paano niya naman ako sinagot na matagal niya na palang tinatago ang kaniyang lihim na pag tingin sa akin.

Umuwi kami nang gabing iyon na magkahawak kamay at busog ang aming puso nang pagmamahal. Even though Clair was my first love, Maxeen filled up the gap in my heart that i thought would never beat again.

She opened up my eyes on how our destiny work it's ways. I knew her for so long,  but thinking that she was just a girl from another clan, a comrade, and a friend. Clearly, i didn't dig deeper in my heart that one day, she will be the one.

The one and only reason why i have to wake up each day with a smile on my face. The one and only reason why i need to face every challenge life would throw at me. That's why there will be no past or present time for us. Only moving forward,  because she...is my future.

Sobrang bilis nang panahon, hindi ko malayan na mag papasko na pala sa makawala. December 22 na ngayon, at nandito kami ngayon ni Maxeen sa ospital na pinag tatrabahu-an ni lola. Sinamahan kasi namin si lola para sa monthly check-up niya.

"Kamusta si Baby, Doc Wendy?" tanong naman ni lola sa doctor na tumitingin sa kaniya.

"Mabagsik pa sa kabayo! Haha! Ang likot-likot nitong anak mo Bea." sagot naman nang doctor sa kaniya. Kitang-kita namin kung gaano ka likot ang tatay ko sa tiyan ni lola. Tawa nang tawa naman si Maxeen sa reaksyon nang mukha ko habang tinitingnan ito sa monitor.

"Sinabi mo pa! Hindi nga ako pinapatulog minsan eh!" (Bea)

"Well, normal lang yan, isang palatandaan na malusog siya. Just keep it up, always drink your milk, and huwag kang mag pa stress ha? You still have 3 more months to go, so i need you to be ready." tugon naman sa kaniya nang doctor.

Ilang sandali pa, lumabas muna kami dahil mag bibihis na si lola. Magkahawak kamay lang kami ni Maxeen habang hinihintay siya sa labas. Actually si Maxeen ang mas sweet sa aming dalawa. Basta nag lalakad kami, palagi niyang kinukuha ang kamay ko para kaniyang mahawakan.

Ilang sandali pa, bigla akong na pa akbay sa kaniya. Pero kahit ganun, hindi niya parin tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Alam mo, ang hilig mo talagang umakbay noh?" tanong niya sa'kin. "Mula pa nung una, na nananching kalang yata eh." dagdag niya pa.

"Haha!! Sus! Kinikilig ka naman kapag inaakbayan kita!" pabirong sagot ko naman sa kaniya.

"Ay ang kapal talaga! Haha! Hindi noh! Hindi kolang binibigyan nang meaning! Kapal mo! Haha!" (Maxeen)

Ako naman talaga ang palaging nang aakbay. Mahilig akong umakbay sa kaniya. Mula pa noong una, hindi kolang ito pinapansin dati syempre akala ko walang malisya eh.

"Pero Ar.."Panimula niya kaya agad akong napa tingin sa kaniya. "Sana walang mag babago, sana ganun parin tayo."

"Oo naman! Walang mag babago, promise!" sagot ko naman sa kaniya na naka taas kamay pa.

"Yung kung ano parin tayo dati? mas komportable kasi ako kung ganun lang." (Maxeen)

"Ah ganun ba...." simpleng sagot ko naman sa kaniya. Agad siyang na pa tingin sa akin dahil parang umiba ang mukha. Kaya dahil dun, bigla niyang hinawakan ang mukha ko at inilapit sa kaniya.

"Pero syempre.. Girlfriend mo parin ako, at boyfriend na kita! Kaya kapag nakita kitang tumitingin sa ibang babae diyan, tutusukin koyang mata mo!" naka ngiting tugon nito sabay halik sa pisngi ko.

The Hybrid vol. II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon