Chapter 16 - One last look

334 22 35
                                    

                      Arwen's POV

Hanggang ngayon ay hindi ko ma alis sa aking isipan ang mukha ni Hera noong pawala sila sa kadiliman nang gabi.

Ang mga titig niya na parang sinasabi sa akin na wag siyang alalahanin. Pucha pwede ba 'yon?! At bakit kailangan niya pa kasi e presenta ang sarili niya para sa'kin? Alam kong nangako siya kay lolo pero...pero hindi dapat ganito! Na iinis talaga ako dahil wala nanaman akong nagawa!

Hindi ako ma pakali at hindi ko ma tiis na mag hihintay nalang dito kung anong dapat gawin.

Lagpas na isang oras ngunit wala parin ni isa sa amin ang nangungunang hanapin siya. Nandito parin kami, naka tunga-nga, walang ginagawa at nag hihintay sa wala.

"Ano na?! Wala ba tayong gagawin? Tanong ko kay Michael at Gabriel. "It's been one fucking hour! Hindi ba siya natin susundan?" dagdag ko pang katanungan.

"Kumalma ka nga!" pasigaw naman ni Gabriel. "Hindi pa natin kabisado ang kalaban, kailangan pag planohan natin nang mabuti dahil teretoryo nila ito."

"Tama si Gabriel, Arwen. Hindi dapat tayo mag pa dalos-dalos." pag sang-ayon naman ni Michael.

"Ano?!! E baka nga siguro tinutorture na siya nang mga Zurik na 'yon, Tapos planohin pa?!" muli kong saad tapos lumapit ako sa harap nilang dalawa. "Kapwa niyo siya Anghel! Mas kilala niyo si Hera pero bakit parang wala lang sa inyo na kinuha siya?!" pa sigaw ko parin sa kanila. Hindi kona talaga napipigilan ang galit ko.

Ilang sandali pa ay may naramdaman akong humawak sa aking braso. Pag lingon ko, si Maxeen pala.

"Ar, please calm down." kalmadong pakiusap niya sa'kin kaya na pa hugot ako ng buntong hininga at tsaka na tumalikod.

"Ito ang problema sa'yo Arwen, wala kang disiplina!" bwelta nanaman ni Gabriel. "Kaya ayaw ko sa'yo eh. Hindi ko ba alam kung anong nakita ni Arren sa'yo dahil sobrang layo eh..sobrang layo nang ugali ni Arren sa—"

Hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil bigla ko siyang hinarap at hindi ko namamalayan na umiiba nanaman pala ang mukha ko.

Dahil sa sinabi niya na 'yun, doon na pumutok ang ugat ko sa ulo na pakiramdam ko sasabog na ito sa sobrang galit.

Habang papalapit ako kay Gabriel ay ramdam na ramdam ko ang takot sa kaniya. Lumiliyab nanaman ang mata ko at nag ilawan nanaman ang mga marka ko sa braso.

"Dont you ever compare me to him!!" Galit kong sigaw ko sa kaniya dahilan para hindi siya naka imik. "You don't know what the fuck I've been through just to be here! Sa totoo lang hindi ko trabaho to eh, na sagipin ang mundo?? Trabaho niyo 'to!! Pero ano?! Saan kayo?? WALA!! dahil may mga katarantaduhan din kayong GINAWA!!"

"Careful halfling, baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo ngayon." (Gabriel)

Siguro biglang na pikon si Gabriel kaya na pa tutok siya nang kamay sa akin na para bang susuntokin niya ako. Psh! Please...we've tried that before. Tumilapon nga siya eh!

"Oh ano? Susuntukin mo'ko? Sige pag bibigyan kita! Masasaktan kalang, Sige!" inis ko pa sa kaniya kaya wala siya nagawa kundi hinatawan niya ako nang isang malakas na suntok!

"Gab,  stop!!" sigaw ni Michael sa kaniya.

"Gabriel!!!!"  at kahit si Maxeen ay na pa sigaw na'rin.

Pero.. Alam ko talagang mabibigo lang siya.

Pag tama na pag tama nang kamao niya sa mukha ko ay para lang itong bumanda at para rin siyang sumuntok sa padir. Hindi niya siguro alam o nag tatanga-tangahan lang siya na ilang linggo na kaming nag eensayo ni Michael. Kabisado kona ang kakayahan ni lolo, Hindi man perpekto pero galamay kona.

The Hybrid vol. II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon