Chapter 7 - the kiss

490 32 14
                                    

                (December 15, 2023)

                     Maxeen's POV

Limang araw na ang naka lipas noong dumating kami dito sa taong 2023, at sa mga araw na yan, hindi ko pa nakitang naka ngiti si Arwen. Ang tamlay niya at parang walang gana sa lahat ng bagay.

Palagi siyang huli na kung kumain, hindi na siya nakikilaro kay Areena, hindi narin siya nakikipag kwentohan sa lolo at lola niya. Palagi nalang siyang naka kulong sa kaniyang kwarto.

Ang hirap basahin nang nasa isip niya. Parang sinadiya niyang pigilan ang kaniyang emosyon para hindi ko mabasa at maramdaman. Matalino si Arwen, ayaw niya sigurong pakialaman siya. Kahit si Bea at Arren ay nag aalala na sa kaniya.

Gusto ko siyang kausapin at tanungin kung ano man ang problema niya kaso nahihiya ako. Bala sabihin nun ang pakialamera ko naman masiyado.

6pm na nang gabi at Kakatapos lang ngayon nang misa kaya palabas na kami nang simabahan. Dumaan kami sa plasa sa tapat nito dahil may Christmas carnival doon. Gusto daw kami e pasyal ni Bea dahil baka hindi namin naranasan ang carnival. Tama siya, ito palang ang unang pagkakataon na maka kita ako nang ganito.

May mga palaro na hindi ko alam kung ano yun, mga sakay-sakayang pambata, at mga maliliit na kainan. Mayroon din na nag bebenta nang mga Christmas tree, at jusko! Ang daming santa clause na nag gagala!! Hahaha! Ang saya tingnan! Mabuti nalang at kinumbinsi ako ni Bea na tanggalin ang maskara na naka tabon sa aking mukha.

Tiningnan niya ang peklat ko at may na isip siyang paraan upang matabunan ito. Concealer yata ang tawag niya doon. Ang galing nga dahil hindi napapansin ang peklat ko. Parang ngayon palang ako naka galaw ng maayos sa harap ng ibang tao.

Pinahiram niya rin ako ng puting dress at maliit na sapatos, Doll shoes yata tawag niya. Ayaw ko sanang suotin ang damit dahil hindi ako sanay sa mga ganiyan. Parang ang luwag ng pakiramdam ko, at hindi ako sanay na halos makita ang buo kong katawan.

Nilagyan niya rin nang kaunting blush-on ang aking mga pisngi at kaunting brown naman na lipstick ang aking bibig. Hindi ko tuloy makalimutan ang sinabi niya kanina.

"Yan, eh di nag mukha kanang totoong dalaga!"

Ang saklap! Ang sakit niya naman mag salita. Maayos naman ang mukha ko ah? Hindi lang sila sanay!

Habang si Arwen naman ay naka simpleng suot lang pero may jacket siyang dala dahil mejo malamig ngayong gabi.

Pag dating namin sa entrance nang Carnival, napansin ni Bea na naka tulog na pala si Areena habang karga-karga siya ni Arren.

"Nako tulog na!! Ano ba yan!" (Bea)

"Ok lang hon, kakargahin ko nalang siya." (Arren)

"Tsk! Uwi nalang tayo, para derederecho na ang pahinga nang bata." panimula niya. Agad akong sumimangot dahil hindi yata kami matutuloy.

"Max, Arwen! Kayo nalang ang pumasok." (Bea)

"Po?" (Arwen)
"huh?"

"Pasensya na ha? Ma una nalang kaming uuwi. Just go ahead, e enjoy niyo ang gabing 'to. Sayang naman nandito na kayo eh." paliwanag naman ni Bea.

"W-wag na mamu, uwi nalang tayo. Tinatamad narin kasi ak—"

"Arwen, naman.. Tingnan mo si Maxeen oh! Halatang gusto niya pumasok eh." singit naman ni Bea sa kaniya kaya napa tingin siya sa akin.

Syempre ako naman dipa puppy looks at pa awa epek sa kaniya para pumayag. Kahit para akong tanga ok lang, maka pasok lang sa carnival!

"Uugghh! Fine!" sambit ni Arwen na ikinatuwa ko naman. Parang gusto kong tumili sa tuwa pero pinigilan kolang ito.

The Hybrid vol. II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon