Chapter 25 - Isaac

317 35 27
                                    


                     Maxeen's POV


What the hell is going on?!!!

Anong ginagawa nila Wendel dito? And speaking of Wendel, kasama niya pa si Quin, Tobias, Gabe. Yeah! my Dad, I mean the older one. At may babae silang naka takip ang kalahating mukha na hindi pa nag papakilala.

Katabi ko ngayon si Bea at hindi ma alis ang mga mata sa anak niyang si Wendel. Hindi lang siya, pati narin sina Nika at Clair. Lahat sila ay gulat, namangha, hindi maka paniwala na makita ang mga anak nila na ngayo'y parang kasing tanda lang namin nila Arwen. Hindi korin ma e pinta ang mukha ni Shin na panay ang nakaw ng tingin kay Tobias na ama niya. I mean, oo nakita niya na ito pero syempre yung baby Tobias pa. My god!!

"Why are you guys staring at us like that?" biglang tanong ni Wendel para masira ang katahimikan.

"Why?! Let me tell you why..." singit ko naman. "Bakit kayo nandito? Hindi ito ang panahon niyo! Bakit kasama mo si papa? silang lahat?" sunod sunod kong tanong.

Agad nag tinginan silang lahat na para bang nag sesenyasan kung sino ang mag sasalita.

"Well, thanks to Ate." sagot naman ni Wendel.

"Si Areena.." tulalang saad naman ni Bea.

"Yes, Ma. Si Ate Areena." sagot agad ni Wendel. "Hindi niyo ba na isip na sa lahat sa inyo dito, siya lang ang tanging natira sa panahon namin? I mean she's still alive in our time. And she told us everything that is about to happen in this year." paliwanag naman ni Wendel.

That make sense. That makes so perfect sense! Na alala ko noong napunta kami ni Arwen sa panahong 2051 ay nandoon nga si Areena. At lalo na sa panahong 2100 kung saan 81 yrs old na siya at siya ang tinuguri-ang great elder ng lahat.

"Ang kwento ni Ate, ito daw ang taon na sobrang kailangan ninyo ng tulong. Itong panahon na'to ang pinaka puno't-dulo nang lahat! Kaya pinagdisisyunan naming lima na sasali sa laban." giit pa ni Wendel.

"Wait..sandali! Ito pa isang tanong." singit ko naman ulit. "Paano kayo naka punta sa panahong ito? Hindi pa na imbento ang time watch sa panahon ninyo eh!"

"That's what you think." singit naman ni Quin kaya Agad nalipat sa kaniya ang lahat ng atensyon. "Na alala niyo ba noong na punta kayo ni Arwen sa panahon namin? Sa akin pinaayos ni Areena ang Relo mo. That's the time na kinopya ko ang lahat ng data tungkol sa time watch niyo. And i made it perfectly! Well, not that perfect. Kind of a prototype, A copy for short."

Grabe, Ang talino niya talaga! Well, no doubt dahil sa kaniya nakuha ni Madox a pagiging tech guy sa grupo.

"Pa! Ang digmaan?!" biglang tanong ko naman kay Gabe dahil oo nga pala, noong umalis kami doon ay nakikipag digmaan sila.

Muli silang nag tinginan lahat. Tumango si Wendel kay papa kaya agad niya akong hinarap.

"Anak, wala nang digmaan." (Gabe)

Halos ma laglag ang panga naming tatlo nila Jinx noong marinig ang sinabi ni Gabe. What?!! Wala na? Anong wala na? Pumaling ako kay Arwen pero seryoso lang itong naka titig sa kanila at hindi ito umiimik mula kanina.

"W—wala na? Pero diba noong umalis kami ay—"

"Nanalo kami sa mga oras na iyon, Anak. Sa tulong ng buong mga kasamahan namin ay natalo namin sila." singit naman ni Gabe sa akin.

Hindi ko alam pero biglang na pa tingin sa akin si Jinx. Ang mukhang hindi kontento sa sagot ng aking Ama. Dahil doon ay bigla kong pinasok ang isipan niya at kinausap siya.

The Hybrid vol. II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon