Chapter 21 - New Breed

362 22 41
                                    

                          
"Gigisingin na ba natin siya?!!"

"No! Hayaan muna natin siyang mag pahinga!"

"Ano kaya sa palagay mo ang nangyare sa kaniya? Malubha siyang nasugatan, at bakit mag isa lang siya?"

"Hindi kita masasagot, Shin. Kahit ako ay marami din sanang gustong itanong pero kapag gumising nalang siya. Masasagot niya rin ang lahat."

"Gaano na nga siya katagal dito?"

"Isang buwan na siya dito sa ospital. Okay na ang mga sugat niya at wala narin ang mga pasa niya pero pinag tataka ko kung bakit hindi pa siya na gigising."

"Baka siguro hindi pa handa ang katawan niya?"

"Siguro nga.. Nga pala Shin, sabihin mo sa kapatid mo na dalhin niya dito ang time watch. Titingnan ko nga kung bakit nasa kaniya ito at wala kay Arwen."

"Sige po..."

All i can hear is voices....

Mga boses na pamilyar sa akin. Gusto kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa. Gusto kong imulat ang aking mga mata pero hindi ko kaya. Hindi ko ma intindihan kung bakit ganito pero pakiramdam ko ayaw na pakinggan nang katawan ko ang inuutos nang utak ko.

>>>>>>>>>>

"Kamusta na siya? May pagbabago ba?"

"Wala parin."

Pilit kong inaalala ang mga nangyare pero bakit kaunti lang ito? Hindi ko alam kung bakit nandito ako sa masarap na higaan ngayon. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito at kung sino ang nag dala sa'kin dito.

>>>>>>>>

"Na ayos niyo ba ang relo niya?"

"Hindi pa..hindi ko mabuksan dahil iba ang password. Hindi naman sa kaniya 'yon, Iba ang may-ari."

"Tsk. Mas lalong tatagal ang pag imbistiga natin kung hindi siya magigising."

Anong relo? Ang imbistiga? Sino ba sila? Anong pinag uusapan nila? Bakit wala akong ma alala? Ang daming mga katanungan sa isip ko na gusto korin itanong sa kung sino man ang boses na nag sasalita. Kailangan konang gumising!!!

>>>>>>>>>>>

"It's been two Months! bakit hindi pa talaga siya nagigising?!"

"Habaan niyo ang pasensya niyo. Hindi rin natin alam kung anong pinag daanan niya. Magigising na 'yan kung handa na siya."

Dalawang buwan?! Dalawang buwan na ako dito?! Gusto kong sumigaw! Gusto konang tumayo!! Gusto konang makasama si....si...hindi ko masabe ang pangalan niya. Bakit hindi ko masabe ang pangalan niya?! May gusto akong makasama pero hindi ko...hindi ko ma alala ang pangalan niya!

>>>>>>>>>>>>

"Shin, salamat sa damit na pinahiram mo sa kaniya."

"Okay lang po. Hindi naman magkalayo ang edad namin kaya kasya naman sa kaniya ang iba kong damit."

Si Shin....i know her! Kilala ko ang babaeng tinatawag niyang Shin. Sa...sa clan siya ng Scorpions! Kapatid...kapatid ni Jinx! Bakit naririnig ko ang boses niya?! Saan ba ako?!!

>>>>>>>>>>

"Saan na pala si Dox? Pinapatawag ko siya pero hanggang ngayon hindi pa napunta dito."

The Hybrid vol. II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon