Chapter 2 - Shadow

648 32 12
                                    

"What?! grandson?! Maliit pa nga ang anak ko my apo na ako?! Hahaha wag ka nga nag biro otoy!"

Pabiro kong saad kay Arwen. Sa totoo lang ang gulo na ng isip ko pero sa kaloob-looban kolang ay natatakot din ako. Natatakot dahil sa kaniyang kwento. Kung totoo nga na galing siya sa future namin at siya nga ay apo ko, may malaking rason kung baket kinailangan niya pang bumalik sa past para hanapin lang ako.

"Hon ano ba..pakinggan mo muna s—"

"Alam kong mahirap paniwalaan ang lahat ng sinabi ko pero hindi pa ba sapat ang mga ipinakita ko sa inyo?" paliwanag naman ni Arwen.

"Sige nga, kung ikaw nalang ang natitirang kadugo ko sa panahon niyo? Ano naman ang nangyare sa akin? Sa amin ni Bea? Imposibleng wala manlang akong ginagwa at imposibleng hahayaan kolang na mangyare yung sinasabi mo!" tanong ko ulit sa kaniya. Humarap siya sa akin at huminga ng malalim.

"Hindi niyo na ma aabutan ang digmaan at ang pag labas ng isa sa mga 7 deadly sins, Dahil may babalik din dito galing sa hinaharap para patayin kayo ni mamu."

Parang huminto yung pag hinga ko noong marinig ang kaniyang sinabi. May papatay sa amin ni Bea?! Agad akong pumaning ng tingin sa aking asawa na umiiyak na.

"A—arren ano nanaman ito?! Huhuhu..." sambit ni Bea na ngayoy walang tigil na sa pag iyak.

"Pag pasensyahan niyo na sana ang aking mga balita, pero baket ko naman ito sasabihin sa inyo kung hindi ito totoo? Baket pa ako mag sasayang ng oras na bumalik dito para lang mag kwento ng kasinungalingan?" paliwanag naman ni Arwen.

Hindi ako nakapag salita. Inakbayan kolang si Bea at nag isip ng ma igi. Kung totoo nga ang sinasabi niya, ma mamatay kami. Paano nalang ang anak namin? Paano nalang si Areena?

"Isang linggo mula ngayon ay may babalik mula sa panahon ko para patayin kayo. Dahil pag wala na kayo, hindi na ma isisilang ang aking Ama. Wala nang mangunguna sa pag aaklas laban sa kanila." muli niyang paliwanag sa amin.

Muli niya rin inilabas ang bulalakaw na kwentas at ipinakita sa amin. "Ito ang mag papatunay na ako'y apo ninyo. Ito ang sagisag ng ating Clan. Galing ito kay tita Areena at ibinigay niya ito ky Ama na siya namang ibinilin ky Ina. Ipapakita ko daw ito sa inyo para kayo ay maniwala. Pero, tatlong araw bago ako bumalik sa panahong ito, binawi-an ng buhay si ina dahil sa mga sugat na natamo niya sa digmaan. " saad niya pa sabay bigay ito kay Bea. Ibig sabihin, wala narin ang kaniyang ina. Wala na talagang natira sa kaniya.

Muling nag ningning ang kwentas noong ito'y kaniyang hinawakan. "Muling mag nining-ning ang kwentas kapag bumalik na ito sa tunay na nagmamay-ari."

Nanlaki ang mga mata ni Bea ng hawakan niya ang kwentas. Mas napaluha pa siya ng makita si Arwen na lumuluhang naka tingin sa kaniya.

"P—pwede ko po ba kayong m—mayakap?" saad sa kaniya ni Arwen. Hindi nag dalawang isip si Bea at agad niya itong niyakap ng mahigpit.

"Kahit hindi kana mag paalam Arwen. Apo kita! Alam kong kadugo kita!!" sambit ni Bea at pagkatapos ay napa tingin siya sa akin. "Arren,  apo natin siya!! Nararamdaman ko, apo natin siya!"

Napa ngiti si Arwen at mas lalong hinigpitan ang pag yakap niya ky Bea. Ilang sandali pa ay hinawakan niya si Arwen sa mukha.

"Patingin nga ako sayo, baket ang payat mo? Ang haba ng buhok mo! Gugupitan natin yan mamaya apo! Doon ka matutulog sa bahay mamaya ok?" saad ni Bea sa kaniya tapos humarap siya sa akin habang hawak hawak ang mukha ni Arwen. "Ihanda mo ang isang kwarto mamaya Hon. Doon matutulog si Arwen!" dagdag pa niya.

The Hybrid vol. II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon