Chapter 34 - No Goodbyes

403 45 48
                                    


FINALE - PART 2

(Year 2100)

Author's note: Read very carefully the whole chapter. Dito ipapaliwanag ang lahat.




Maxeen's POV

Nararamdamn ko ang init sa aking kaliwang pisngi at may naririnig akong mga nasusunog na kahoy.

Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon pero alam kong komportable akong naka higa sa kama. May naririnig din akong mga tonog ng mga kakaibang makina na parang makabagong kagamitan kaya dahil d'on ay agad kong iminulat ang aking mga mata.

"M-Max? Anak?!"

Agad bumungad sa akin si mama! Maputi na ang kaniyang buhok at kulubot na ang kaniyang mga balat. Agad nambilog ang mga mata ko noong dumapo ang kamay niya sa pisngi ko.

"M-Ma? N-nasaan ako?" pa utal kong tanong sa kaniya.

Huli ko na napansin na nasa isang kwarto pala ako at puno ng maka bagong kagamitan. Meron pa akong na pansin....ang malaking Salamin sa harap ng kamang hinihigan ko. Biglang na pa kunot ang aking noo dahil ito ang salamin namin ni Arwen sa palasyo. Agad akong pumaling sa fireplace kaya mas lalong bumilog ang mga mata ko nang mapagtanto na ito nga ang kwarto namin ni Arwen.

"Ma!! Saan ako?!! Anong panahon ito?! Anong nangyayare? Ang baby ko?! Shit!! Si Arwen?! Saan po ang asawa ko?!" natataranta at sunod-sunod kong tanong kay mama kaya pati siya ay na pa atras.

"M-Max? Anong nangyayare sa'yo? Hindi mo ba alam kung nasaan ka? Anong baby?!"

Halos himatayin ako sa mga sagot ni mama! Hindi niya ba alam na buntis ako?! Shit!! Kailangan kong maka usap si Arwen!! Kumaripas akong tumayo pero bigla akong nahilo kaya nag pa ekis-ekis akong na padpad sa may malaking bentana.

"Maxeen!! Ano ka ba?! Ano ba kasi ang nangyayare sa'yo?!" (Maya)

Hindi ko pinansin ang mga tanong ni mama dahil tutok na tutok ako sa aking nasisilayan sa labas ng bintana. Bumalik na nga kami sa hinaharap.

Mga nag tataasang mga buildings at kakaibang mga sasakyan! Ang pinagka iba lang ay may mga kahoy at lawa akong nakikita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mga nag tataasang mga buildings at kakaibang mga sasakyan! Ang pinagka iba lang ay may mga kahoy at lawa akong nakikita. Ang ganda ng paligid at sariwa ang hangin. Ganitong-ganito ang view noon kapag naka tanaw ako dito sa bintana namin noon. Halos makita mo ang lahat.

"Ma, anong taon na ngayon?"

"2100!" (Maya)

"Am i married?"

The Hybrid vol. II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon