Chapter 33 - Long may he Reign

302 32 39
                                    


FINALE - PART 1

*Four days later..... *

(NARRATOR)

Apat na araw ang lumipas nang matapos ang digmaan sa pagitan nila Arwen at ang hukbo ni Cain. Lahat ay nag diwang dahil sa matagumpay na panalo ni Arwen. Everyone calls him the Hero of Argan, some calls him the bringer of peace. But for Arwen, he was just a person who wants to put an end to Cain's wrath and for giving justice for his friends.

Sa apat na araw na lumpas ay dalawang araw natulog si Arwen. Bumawi siya sa pagod na sinapit niya sa madugong labanan. Together with his Wife Maxeen na ngayo'y nag papagaling na rin sa sugat niyang natamo.

And for the past four days, the people of Argan came to a decision that Arwen needs to answer when he wokes up.

>>>>>>>>>

Arwen's POV

Nararamdaman ko ang init ng araw na lumalapat sa balat ko habang ako'y naka dapa ngayon sa kama. Hindi ko alam kung ilang araw na akong natutulog dahil ang huli kong na aala ay gusto kolang talaga mag pahinga.

Hindi nag tagal ay may na amoy akong napakasarap na aroma. Amoy na sadiyang pumipilit sa mga mata ko para ito'y imulat. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at doon ko nakita ang isang tasang gawa sa kahoy na naka patong sa taas ng lamesa sa harap ng fireplace. Umuusok pa ito kaya alam kong kakalapag lang nito dito.

Dahan-dahan akong umupo sa kama at sinandal muna ang likod ko sa flatform ng kama. Tumingin-tingin sa paligid at sinubukan hanapin ang aking asawa ngunit wala siya sa tabi ko.

Bigla akong my naramdaman..

kumukulo ang tiyan ko dahil sa pagkagutom kaya agad akong pumaling sa tasang umuusok. Inabot ko ito at inamoy, ugh! Lugaw! Maryosep! Ang sarap talaga ng amoy!

Pag higup ko palang at nang dumaos-os na ito sa aking lalamunan ay para akong nahimasmasan. Ang sarap sa pakiramdam na ma initan ang aking sikmura. Pero teka... Saan si Maxeen? Diba dapat nag papahinga siya dahil may sugat din siya?

Agad akong na pa tayo habang hawak-hawak pa ang tasa at tsaka lumabas sa kwarto. Habang nag lalakad ako sa pasilyo ay may na rinig akong nag kekwentuhan sa kabilang dulo kung saan ang kwarto nila papa.

Habang papalapit ay ako naririnig kong nag tatawanan sila at masayang nag bibiru-an. Pag tapat ko sa pinto ay agad bumungad sa akin ang aking pamilya.

Si lolo ay naka higa sa kama habang may bindahe ay ang kaniyang ulo at may telang naka sabit sa kaniyang balikat para sa putol niyang braso. Sa tabi niya ay ang dalawa niyang anak na batang Wendel at Areena. Sa kabilang dulo naman ng kama ay si Lola. Si Mama at papa ay magkatabing naka upo sa sofa, habang ang asawa ko naman ay naka tayong tumatawa sa harap nila na may hawak pang tray na may mga pagkain.

"Ehem...." Igham ko habang humuhigop ng lugaw kaya agad silang napa tingin sa may pinto.

"Anak!!" (Dian)

"Uy nandito na siya!" (Wendel)

"Ohmygod! Babe!!! Ay!" Biglang saad naman ni Maxeen at nag madaling lapitan ako habang hawak-hawak pa ang tray.

The Hybrid vol. II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon