Chapter 23 - It's official

340 34 29
                                    

It's been two day's since we got here...

At sa dalawang araw na nandito kami, Hindi madali ang lahat. Maliit lang ang bahay nila kaya nag sisiksikan na kami dito lahat. Sampu na sila bago pa kami dumating, pero ngayon... Labing-apat na kaming lahat. Pakiramdam ko tuloy dumagdag pa kami sa problema nila dito.

Isa lang ang kwarto at nandoon lahat ang mga bata kasama ang mga nanay. Kahit masikip ay nag tatiyaga silang matulog na magkakasama. Kaming anim naman ay dito nalang sa maliit na sala. Nag iisa ang punit-punit na sofa at dahil dalawa lang kaming babae ni shin, dito nila kami pinapatulog. Si Arwen ang nag babantay kapag gabi, hindi siya natutulog at pipikit nalang siya kapag alam niyang ligtas na ang paligid.

Walang palikuran kaya kung gusto mong mag banyo, lalabas ka pa. Malamig dito kapag sumapit ang gabi. Dahil siguro sa panahon ngayon na natatakpan nang makapal na usok ang kalangitan kaya walang araw hanggang pag sapit nang gabi.

Madalas kaming nakakarinig nang kung anong ungol na akala mo mga hayup na nag sisitakbuhan sa labas nang bahay. Boses palang nila ay maninindig na ang mga balahibo mo. Mabuti nalang talaga dahil may harang ang palagid ng bahay kaya hindi nila malalaman na may mga tao dito. Pag gabi lang naman ito, dahil kung umaga hanggang takip silim ay tahimik naman ang lugar.

May mga sarili silang tungkulin sa pang araw-araw nilang buhay dito. Umaga palang ay ineensayo na ni Arwen sina Areena, Gabe, at Quin. Tama nga ang sinabi ni Arwen, hindi halata sa edad nila ang kayang nilang gawin. Mahusay si Arwen mag turo dahil sa trainings na sinapit namin kay Quin sa panahon namin kaya kung anong nalalaman niya ay ganun naman ang tinuturo niya sa kanila. Parang bumaliktad nga lang, ngayon... Si Arwen na ang nag tuturo kay Quin.

Si Abe naman ang nangangaso sa kanila. Aalis siya nang umaga, babalik na siya sa tangahali na may mga dalang kung ano nalang ang pwedeng makain.

Pagkatapos nang tanghali-an ay aalis naman ang tatlo. Si Areena, Gabe at Quin upang mag babakasakali sa bayan upang mag hanap ng kung ano pa ang pwede nilang magamit katulad nalang nang mga gamit pang bata dahil maliit pa ang bunso ni Bea at si Tobias. Kaya pala nakita sila namin doon noong dumating kami dahil nag hahanap pala sila nang madadala pabalik dito.

Habang ang mga babae naman ay na iiwan dito sa bahay. Nag tatanim sila nang kung anong halaman sa likod nang bahay para pang gamot at kung ano pa. Sobrang awang-awa talaga ako sa kalagayan nila ngayon. Hindi ko ma isip na ganito ang kakahantungan nang lahat.

Minsan, na iisip ko na balak ko nalang silang dalhin sa panahon namin para magsimula ulit. Kahit ganun, at least hindi mahirap ang buhay lalo na sa mga bata.

Pero hindi pwede.....

Hindi ko sila pwedeng kunin sa panahon na'to dahil babago ang panahon namin kung mawawala sila. Na kakainis! Ito na yung pakiramdam na wala ka talagang magagawa.

Lalo na ngayon na hindi ako pinapansin ni Arwen, mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko. Yung parang hindi kana accepted sa lugar na'to? Sobrang layo na talaga dati. As in parang pabigat talaga kami dito at parang palamunin nalang. Palagi na siyang seryoso at palagi siyang tahimik. Maririnig mo nalang siyang mag sasalita kapag may iuutos siya sa kanila o may kailangan siyang ipagawa sa kanila. Ganiyan na siya ngayon.

Kahit sila Jinx, Madox at Shin ay na iilang narin dito. Lalo na si Jinx dahil sa sobrang inis niya, gusto niya nalang na bumalik sa panahon namin at iiwan ang problema dito. Ako nalang talaga ang pumipigil sa kanila dahil ang kinakatwiran ko nalang ang lola nilang si Clair at si Tobias. Sabi ko na kung babalik na kami, paano nalang ang future nila kung iiwan nila sila dito lalo na sa sitwasyon nila ngayon.

Palagi ko nalang sinasabi sa kanila na habaan nalang nila ang pasensya nila kay Arwen. Pagkatiwalaan parin siya dahil alam ko talaga, ALAM KO...na may natira pang Arwen na kilala ko sa puso niya. Sobra lang siyang kinain nang sitwasyon nila kaya nawala siya sa tamang landas.

The Hybrid vol. II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon