Chapter 3 - Time Warp

594 31 13
                                    

                         Bea's POV

*Flashback*

"ARAY KOOOO!!!!" biglang sigaw ni Arren habang nasa kusina.

"Hon ano ba yan? Anong nangyare sayo?" tawag ko sa kaniya.

"Minamartilyo ko yung sirang aparador hon! Don't worry.. Ok lang ako hehe.." sagot niya naman na parang nag aalinlangan.

Lumapit ako nang konte at nag tago sa likod ng ref. Nakita kong nilalagyan niya na ng plaster ang kaniyang daliri. Ok lang pala ha?

Hindi ko siya dinistorbo at hinayaan kolang siya. Alam kong hindi madali sa kaniya yung mga gawaing bahay dahil hindi naman siya sanay, pero sinusubukan niya naman ang lahat para hindi siya pabigat.

Hanggang sa na halata kong dumudugo na ang hawakan ng martilyo. Doon na ako lumabas sa likod ng ref at nilapitan siya.

"Hon, akin na yung kamay mo! Gagamutin ko muna." saad ko sa kaniya. Hindi na ako nag tanong kung anong nangyare at basta ko nalang kinuha ang kaniya kamay.

Binasa ko muna ito at tsaka nilagyan ulit ng plaster. Kahit hindi siya umaaray... Halata parin na mahapdi dahil pulang-pula na ang kaniyang mukha hahaha.

"Masakit?" tanong ko sa kaniya.

"Ha!! Hindi ko nga naramdaman eh!" sagot naman nito.

Ang yabang talaga! Mas lalo kong diniinan ang pag hawak ng kaniyang daliri at kitang-kita ko ang pag laki ng kaniyang mga mata.

"Bea masakit na! Hon! Aray!" sigaw nito..ang lakas ng tawa ko sa kaniya.  Yung pa kunwari hindi masakit pero langya parang lalabas na yung sipon niya sa kakapigil hahaha!

"Alam mo hon, hindi kana anghel, tao kana..pwede kanang masugatan at hindi ito katulad dati na kusa itong hihilom. Please mag ingat ka naman, hindi sa lahat ng oras magiging ok kalang." paliwanag ko sa kaniya.

"Kaya nga hon, pasensya na ha? Sinusubukan kolang naman na ayusin to eh." sagot niya naman sa akin.

"Hindi agad-agad matututonan mo'yan hon, it will take time. Easy lang ok?"

"Yes hon, thank you ha? Don't worry next time mag iingat na ako.. I LOVE YOU!"

"I LOVE YOU....."

"I LOVE YOU....."

"I LOVE YOU.... "

"I LOVE YOU.... "

>>>>>>>>>>>>>

"Ate Bea!! Ate?!! Anong gagawin natin?! Ate Bea!" (Clair)

"MOMMY!!! MOMMY!!" (Areena)

Hindi ko ngayon ma ipaliwanag ang aking nararamdaman. Kaliwa't kana akong tumitingin, palipat-lipat sa dalawang katawan na naka higa sa harap ko.

Hindi ako maka galaw, ni hindi ko ma tulongan si Areena na kanina pa umiiyak. Hindi korin napapansin si Clair na hawak-hawak si Arwen. Parang na shock talaga ako na wala na si Arren. Ganun-ganun nalang?!! Sa lahat ng pinagdaanan namin, ganun-ganun nalang siya mawawala?

Hindi pwede!! Hindi ko kaya! Hindi niya pa oras! Alam kong hindi niya pa ito panahon. Pinaglalaru-an nanaman kami, ngayon hindi laro ng tadhana, kundi lari ito ng oras at panahon.

Masyado kaming naging kampante, sinong mag aakalang hindi manlang nagawang lumaban ni Arren? Pero, sa kaloob-looban kolang, nawala sa isip ko na hindi na siya anghel. Isang tao na pala ang asawa ko. Pwedeng-pwede na siyang masaktan, Pwedeng masugatan, pwedeng mamatay.

The Hybrid vol. II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon