Chapter 26 - The lost Princess

425 36 55
                                    


Author's note: Basahin mabuti ang chapter na'to. Mga pangalan at lugar ay tandaan dahil dito mag sisimula ang mga nakakalitong mga pangyayare.








Maxeen's POV

Hindi ko alam kung na saan na kami ngayon. Naka pikit ako habang naluluha dahil preska pa sa isip ko ang nangyare kanina. Si Isaac...

Kung kelan may tumulong na sana sa amin. Kung kelan may nangunguna na sana para sa labang ito, siya pa ang unang na wala. Bakit kahit sa kaunting panahaon na nakilala ko si Isaac ay na sasaktan ako dahil wala na siya? 'o baka masiyado na akong apketado dahil gusto ko na talagang matapos ang digmaang ito?

Huli ko na nalaman na naka hawak na pala ako sa kamay ni Arwen. Wala akong narinig ni isang nag salita. Alam ko na pare-pareho lang kami nang nararamdaman. Naramdaman ko nalang na mediyo na pa higpit ng hawak si Arwen kaya minulat ko ang aking mga mata.

"OPEN NA GATE!!!!" rinig kong may sumigaw kaya na pa tingin ako sa aking harapan.

Bumungad sa amin ang isang malaking gate na gawa sa bakal. Sa sobrang kapal at laki ay kinailangan pang hila-in mula sa loob para mabuksan ito. Habang unti-unting bumubukas ang gate ay mas lalong akong kinakabahan. Sino-sino at ano kaya ang na sa kabilang bahagi ng gate na ito?

Inilibot ko ang aking paningin. Wala akong nakita kundi puro bundok, buhangin, at nag tataasang mga bato sa paligid. Saang lupalop na kaya kami ng mundo naka rating?

Ilang sandali pa, tuloyan nang bumukas ang malaking gate at kasunod n'on ang pag labasan nang mga lalakeng naka damit pang digmaan. May mga mahahaba silang sibat at may espada sa kanilang tagiliran.

Agad silang nag linyahan hanggang sa may na aninag akong isang nilalang na nag lalakad papunta sa amin. Naka damit pang digmaan din siya at nagulat nalang ako nang makitang may pakpak siya sa likod.

Pag tapat niya sa harap namin ni Arwen ay agad niyang hinugot ang kaniyang espada at itinusok ito sa lupa sabay lumuhod.

"We've been waiting for you Ma'Lord

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"We've been waiting for you Ma'Lord." saad nito.

"Hindi mo kailangan gawin 'yan." sabi naman sa kaniya ni Arwen.

Agad tumayo ang anghel at tinanggal ang kaniyang helmet. Tumambad sa amin ang mala anghel na mukha. Mahaba ang buhok, maputi, ma tangos ang ilong, at mapupulang labi.

"My name is Percival. It's an honor to meet you all." sabi nito sa amin habang inikot niya ang tingin sa aming lahat. "Please follow me." dagdag pa niya at agad siyang tumalikod.

Nangunang nag lakad si Arwen habang hawak kamay niya akong kasama. Hindi ko alam pero bakit hindi ko kayang bitawan ang kamay niya. Eto nanaman ako, ayokong isipin yung mga bagay na dapat hindi pwede. Pero sa oras na ito, hinayaan ko nalang na wag pakinggan ang aking isipan.

Noong maka pasok kaming lahat sa gate ay gan'on naman ang pag sira nito. Nanlaki ang mga mata ko sa kung anong nasa kabilang bahagi pala nang gate. Ang lapad ng lugar, may mga bahay sa paligid. At may malaking palasyo na gawa sa bato na makikita mo sa dulo. At hindi lang iyon, dito palang ako naka kita ng napakaraming anghel.

The Hybrid vol. II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon