Sa isang dapit hapon
Hapon ng una nating pagkikita
Pagkikita na simula ng ating pagkakaibigan
Pagkakaibigan na simula ng ating matibay na samahan.
Panahon ay lumipas
Lumipas man ang oras
Pagkakaibigan natin ay hindi magwawakas
Magwawakas man ang lahat.
Araw at gabi tayo'y nagkasama
Nagkasama tayo sa lungkot at saya
Masayang alaala pinagsasaluhan ta
Alaala na itago hanggang sa pagtanda.
Walang araw na di nagkasama
Nagkasama kahit saan pupunta
Pupunta ka man sa ibang planeta
Planeta na puno ng masayang ala ala.
Ngunit isang dapit hapon
Sa dapit hapon din nagwakas ang lahat
Lahat ng ating alaala ay naglaho
Naglaho na parang isang bula.
Di naiwasang ikay ibigin
Inibig kita ng patago
Patagong pagmamahal aking kaibigan
Aking kaibigan ako'y nahulog lamang.
Nagbago na ng tulayan
Tulayan ka ng lumayo
Lumayo ka aking kaibigang sinta
Sinta ko ako'y labis nasasaktan.
Alaala ng ating kahapon aking pinaghahawakan
Pinaghahawakan at pinahahalagahan
Masayang alaala ng kahapon di malilimutan
di malilimutan habang sa pagtanda ko.
Mga alaala sa kahapon aking binalikan
Binalikan ang masaya nating samahan
Samahan na nagwakas
Nagwakas dahil isa sa atin nagmahal.
Alaala ng kahapon
Alaala ng nakaraan
Alaala ng isang dapit hapon
Hanggang alaala na lang ang lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/191581157-288-k138840.jpg)
BINABASA MO ANG
Desire
RandomThis is the compilation of all prose and poetry that I've written. Either written in Filipino or Tagalog language. The content may be about love, heartaches, failures, romance, and disappointments. Read on your own risk.