"Sa kabila ng ngiti sa iyong mga labi , puso mo naman ay puno naman ng pighati. Sa likod ng iyong tawa sa mukha, puso at isipan puno ng kaba."
Isa, dalawa, tatlo. Ipinikit ko ang aking mata habang nagbibilang hanggang sampu. Sampung Segundo bago wakasan ang buhay ng tuloyan. Parang kay tagal ko nang nakahimlay sa kadiliman. Wala akong maaninag. SAMPU... At ako'y biglang natauhan sa kalampag ng pinto sa aking silid. Rinig ko ang tawag ng aking ina.
"Carina... Carina.... Lumabas ka dyan. Ano ba ng ginagawa mo?" Sigaw nya. Tiningnan ko ang kutsilyo na nahulog sa aking paanan. At pinakinggan ang tawag ng aking butihing ina. Wala syang kaalam –alam na ang anak nya gustong magpatiwakal. Minuto ang nakalipas ng mabuksan nya ako na para lang walang nangyari.
"Kanina ka pa dyan. Akala namin ano ng nangyari sayo. Lumabas ka na." iniwan nya ako at kinuha ko ulit ang kutsilyo na pinatid ko kanina lang. Di ko pa ata oras ngayon.
Kumain kami ng tahimik lang. Ni isa walang nagsasalita. Tanging tunog ng kubyertos at tinidor ang iyong maririnig. Alam kong may tension na naman kay mama at papa. Sanay naman ako. Di na bago para sa akin.
Inihatid ako ni mama sa paaralan ng aming sasakyan. Masaya ako dahil makikita ko ang aking mga kaibigan.
"Good morning, kuya Guard." Bati ko sa taga bantay ng aming paaralan. Niyakap ko ang aking mga kaibigan.
"Good morning, sisters." Bati ko sa kanila sa isang masayang mukha. Puno ng tawanan at halakhakan habang kami nagkwentuhan sa silid – aralan. Sa kanila ko naranasan ang saya. Wala silang alam dahil wala akong balak ipaalam.
"Carina, para sayo." Si Zandrian ang schoolmate kong hunk. Nagtilian ang mga kaklase ko dahil sa kilig.
"For what?" I asked ng ibinigay nya ang isang pulang oras at chocolates.
"bawal ba?" tanong nya.
"Hindi but it's unusual naman. Hindi ko birthday at di rin pasko no." sagot ko.
"Gusto lang kita bigyan." Sagot nya at lumabas sa silid aralan. Ang labo naman non. Pero napangiti nya ako.
Dumating si Ms. Enriquez, ang Val.ed teacher naming. Nagsibalikan kami sa kanya – kanyang upuan.
At di ko namalayan nakatulog pala ako at nagising ako sa isang tapik. Wala ng tao. At nakita ko si Ms. Enriquez. Tiningnan nya ako sa mga mata. Di ko maiwasan kabahan. Mabait sya pero nakakatakot pag galit na.
"Ms. Enriquez, I am sorry po. I won't do it again. Just don't tell my parents about this."
"Don't worry. I won't. Fix your things now." tanong nya sa malumanay na boses.
Paulit – ulit na lang ang nangyari sa buhay ko. Nothing so special except that Zandrian is courting me. Sa kanya ko naranasan na pahalagahan. Unti –unti nahuhulog ang loob ko sa kanya and 2 months later sinagot ko sya. Ako na ata ang pinakamasayang babae sa araw na iyon. Di mapawi ang ngiti sa aking mga labi hanggang sap ag –uwi ko.
Kinagabihan....
Dinig ko na naman ang kanilang sigawan. Ang mga tunog ng gamit na sinadyang itapon. Lumabas ako sa silid at nakikinig sa labas ng kanilang silid. Dinig ko ang hikbi ng aking ina. Gusto kong awatin sila pero wala akong magawa. Anak lang ako. Pumasok ulit ako sa kwarto at tinakpan ang aking tainga upang di ko madinig ang sigawan nilang dalawa hanggang sa di ko namalayan nakatulog ako na puno ng luha ang aking mga mata.
"Ma, Pa . Sino po a attend ng meeting po bukas sa school? Kailangan po daw may makapunta." Tanong ko sa kanila habang kumakain. Nagkatinginan silang dalawa.
"Pupunta ako sa construction site. Kailangan ako doon. Mama mo na lang."
"May head meeting din kami sa office this day. I'm sorry sweetie but I can't attend. Tatawagan ko na lang tita mo para sya pumunta . okay?"
Wala akong magawa. Lagi naman silang MIA(missing in action) during this event. I just tried but again I just hurt myself. I am not their priority. Namanhid na ako sa sakit. They provided me everything but not the time that I want.
Ka chat ko si Zandrian. Di ko maiwasang kiligin sa mabulaklak nyang mga salita. He treats me like I am precious gemstone. My parents don't know it. Wala naman sila pake eeeh. Sa tuwing may gig ang kanilang banda sumama ako sa kanya. Minsan gabi na rin kung makauwi but my parents don't even care. Nawala ako sa concentration ng pag – aaral ko. Parang kay Zandrain na lang umiikot ang mundo ko. Yong mga scores ko sa quizzes at exam bumaba na. Di na rin ako masyadong nag participate sa klase.
"Carina, what happened? Tanong ni Ms. Enriquez sa akin. I am quiet bewildered to her question and realization hits me. It's about my performance.
"Nothing po, Ms. Enriquez. Bye po." I said and umalis.
Pagdating ko sa bahay nasa sala sina Mama at Papa. Blanko ang kanilang mukha. Wala akong mabasang emosyon sa kanilang mukha. Dad called me.
"Explain this, Carina." Sabi nya. Ang card ko. Tiningnan ko iyon at ang laki ng ibinaba.
"Who is Zandrian?" Mom asked me. No words came out from my mouth. I am out of words. Natakot ako kay Mama and papa.
"Answer us, Carina Maxenne." Dad shouted at me. Di ko mapigilan ang mapaluha sa takot.
"Dad, Mom, I am sorry po if nawala ako sa focus. I am sorry po for not telling you about Zandrian. I'm just afraid po baka tutulan nyo po ang relationship naming." I said while crying."Break him up or I will disown you." Sabi ni Papa.
"But dad.."
"That is final."
"No, Dad. I won't do it. Never. He is my happiness Dad. Siya lang naman nagbigay sa akin ng halaga na di nyo kayang maibigay ni Mommy dahil puro kayo away at trabaho at away. Wala kayong ibang iniisip kundi sarili nyo. Paano naman ako?" out of my frustration nasagot ko sila at nasampal ako ni Mommy.
"How dare you? We did this for you." Mommy said. Unang pagkakataon na nasampal ako ni Mommy. Ang sakit. Sobrang sakit. Iniwan ko sila at nag mukmok sa kwarto. Doon ko iniyak lahat lahat. Tumawag si Zandrian sa akin.
"Love. They hurt me. Mom slapped me. Gusto nila hiwalayan kita." Sabi ko sa kanya habang umiiyak.
"Pwede ba tayong mag –usap sa personal? Hihintayin kita sa ating tagpuan." Seryoso nyang sabi sa akin. Tiningnan kung nandoon pa sa labas sina Mommy at Daddy. Patay na lahat ng ilaw. Dahan dahan akong lumabas sa bahay ng walang nakakaalam. Pinuntahan ko si Zandrian at doon sya nakaupo sa damuhan sa ilalim ng puno. Wala na masyadong tao. Niyakap ko sya at ganon din sya.
"Di ko alam kung paano to umpisahan but always remember na mahal kita. Mahal na mahal kita."
"What do you mean, love? Please, direct to the point." Taking tanong ko sa kanya.
"Carina, let's end this for your own good. Tama naman ang daddy at mommy mo. We are too young for this. Langit ka, lupa ako. Di tayo bagay sa isa't – isa. May makikita ka pang mas karapat dapat para sayo."
Parang tinusok ng kutsilyo ang puso ko. Hinahati ng pinong – pino. Ang sakit. Sobrang sakit ng naramdaman ko. Di ko Makita ang sarili ko. Tumakbo ako pauwi sa bahay at dali daling pumasok sa silid. Hilam ang mga mata dahil sa luha.
Di nakayanan ang sakit na nadarama. Isa.. dalawa... tatlo. Apat. Lima. Anim . pito. Walo. Siyam. Sampu. Tapos na. Walang kaalam –alam sa nangyari sa kanilang anak hangad lang ay pagmamahal at kalinga mula sa magulang at taong nakapaligid sa kanya.
Walang nag – aakala na kaya nyang gawin para sa sarili nya. Isang aktibo at bibo ang pagkakilala nila sa kanya ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti ay puso puno ng pighati. Wala na si Carina. Wala na sya sapagkat winakasan nya na ang kanyang paghihirap.
Di matigil ang pagtatangis ng mag –asawang Cruz. Puno ng pagsisisi dahil sa ginawang pagkakamali nila sa nag –iisang anak. Natagpuan na lang nila ito ng nakahandusay sa banyo.Puno ng dugo. Walang malay at buhay. Labis ang kanilang pananangis. Ngunit wala na silang magagawa. Ang kanilang mga luha ay di kayang buhayin ang taong patay na. Di na maibabalik ang panahon na sinayang nila para sa kanilang anak.
BINABASA MO ANG
Desire
RastgeleThis is the compilation of all prose and poetry that I've written. Either written in Filipino or Tagalog language. The content may be about love, heartaches, failures, romance, and disappointments. Read on your own risk.