Kaibigan Lamang"
Sa bawat salitang aking binitiwan
ikaw lang ang tanging laman,
Sa bawat tibok ng aking puso
ikaw ang syang sinisigaw.
Sa bawat minuto't oras nakalilipas
ikaw laman nitong aking isip,
Sa bawat araw na nagdaan
ikaw ay di mawawaglit sa puso't isipan.
Sa bawat araw na ikaw'y masilayan
labis na tuwa ang syang naramdaman,
Sa bawat ngiti mo aking nakikita
puso ko'y lulundag sa saya at tuwa.
Sa bawat detalye ng iyong buhay
ito ay aking inalam,
Sa bawat panahon na lumipas
ikaw ay labis ng minahal.
Ngunit pag -ibig na ito'y di mo na dapat malaman
ako ay isang kaibigan lamang,
Batid ko na ikaw ay may minamahal
kaya hangad ko lang ay iyong kasiyahan.
Ang pagmamahal na ito'y wala dapat makaalam
Pag -ibig na syang naramdaman itago lamang,
Pag -ibig na nadama sa isang kaibigan
kailanman man di na matugunan.
Ako ay kaibigan lamang
Kaibigan na nagmamahal sayo ng tuloyan,
Ngunit di hinangad na ako'y ibigin din
Pero hayaan mo ikaw ay aking mahalin.
Lilipas din ang panahon
Ang rosas na ito'y malalagas din,
Pagdating na tamang panahon
Mga dahon nito'y matutuyo rin.
Sa tamang panahon
titigil din ang aking kahibangan,
Pag -ibig sa iyo mawaglit din sa puso't isipan
tanggapin ang katotohanan Ako'y kaibigan lamang.
BINABASA MO ANG
Desire
RandomThis is the compilation of all prose and poetry that I've written. Either written in Filipino or Tagalog language. The content may be about love, heartaches, failures, romance, and disappointments. Read on your own risk.
