Tamang Panahon

4 0 0
                                    

Sa Tamang Panahon

Labis na nasasaktan
Nang ako ay iyong iniwan
Puso ko'y nasusugatan
Nang ako ay iyong sinukuan

Mga ala-alang pilit binalikan
Mga pangako mo tumatak sa isipan
Nasaan na iyon, mahal?
Tuloyan mo na bang wakasan?

Lugmok ang pusong sugatan
Dahil sa pagtatapos ng ating pagmamahalan
Akala ko tayo na magpakailan man
Pero tinapos mo nang tuloyan.

Sobrang sakit ang naramdaman
Sa ginawa mong paglisan
Luha koy di mapipigilan
Dahil alam kong di na kita mahahawakan.

Sa tamang panahon maghilom din pusong sugatan
Sa tamang panahon tuloyan ka din malilimutan
Sa tamang panahon ikaw na lang parte ng nakaraan
Sa tamang panahon mga alaala natin isa na lang kasaysayan

Good night, everyone

DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon