Lanburnum

13 0 0
                                    

Lanburnum”
Napangiti ako ng pagmasdan ko naman ang puno na nasa harapan ka. Masyadong maaliwalas ang kanyang anyo dahil sa namukadkad na bulaklak nito na dilaw. Tumitingkayad ang kanyang ganda. Kailanman hindi ako nagsasawa.
“Oh, ganda ng ngiti ah. In love?” sabi ni Alexa kasamahan ko sa opisina.
“Inlove talaga ako sa kanya.” Tugon ko sabay ngiti at turo sa puno.
“hahahaha.loka. malay mo diyan mo na makikita ang soulmate mo.”
Natawa na lang ak0 sa tinuturan nya.

Tahimik na ang kapaligiran. Ako na lamang ang natatanging tao na naiwan sa opisina.Tinapos ko na lang kasi yong ginawa ko bago umuwi. Sa isang pagkakataon tiningnan ko na naman ang puno. Nagkikislapan ang mga alitaptap di ko mapigilan ang sarili na di ko Lapita     n ito.
“Hi.”
Tiningnan ko lang ang lalaking lumapit sa akin. Ngumiti sya. Tinaasan ko sya ng kilay.
“I’m Dark.” Sabay lahad ng kanyang kamay.
Ang tangkad nya, katamtaman lang ang kulay ng kanyang balat, kay tangos ng kanyang ilong, kay ganda ng kanyang ngiti at kay pupungay ng kanyang mga mata. Kung titingnan mo para kang mahipnotismo.
“ Freesia.” Sagot ko.
“I know.” Ani nya. Nabigla ako. Paano nya nalaman?
“Your name suits you. You are innocent and thoughtful.” Sabi nya. Imbes na matakot ako sa kanya nakaramdam pa ako ng kampante sa piling nya.
“What are you doing here?” tanong sa kanya
“I saw you. I’ve been looking at ou”
“Huh? Ano ibig mong sabihin? Dito ka rin ba nag work?” tanong ko.
“ma’am… ma’am. Gising.” Paggising ng guwardiya sa akin. “Bakit nandito kayo natulog?”
“Pasensya na kuya. Umupo muna talaga ako ditto di ko namalayan natulog na pala ako. Salamat kuya.”
Di ko namalayan na nakatulog pala ako. It’s almost 10 o’clock in the evening na pala. So, panaginip lang pala iyon. Sino sya? Bakit ko sya napanginipan. Pag-uwi ko sa bahay di ako mapakali. Iniisip ko ang nangyari kanina.
“Anak, bakit gising ka pa? maghating gabi na ah. Anong oras ka dumating?” tanong ni mama sa akin.
“Di ako makatulog ma.”
“May problema ba anak?” 
“wala naman Ma. May iniisip lang ako. Pero wala po ito. Matutulog na rin ako mamaya siguro.”
“Sige nak. Matulog ka na.”
Kinuha ko ang gamit sa pagpinta. Iginuhit ko si Dark ang lalaking nasa panaginip ko. Tumahol ang si Susie. Kaya nilabas koi to sa bahay. Sobrang liwanag ng buwan. Nahalina na naman ako ito na pagmasdan.
“Susie, bakit ang ingay mo? Halika ka nga.”
Ipinasok ko na lang sya sa loob ng bahay at dinala sa kwarto ko.

Napangiti na naman ako ng masilayan ko ang puno pagpasok ko sa opisina. Nilapitan ko ito at hinawakan.
“Good morning.” Para na akong timang na kinausap ang puno.
“hoyyy”
“ayy kabayo. Grabe ka. Ginulat mo naman ako besh.” Sabi ko
“Eeh ano gingawa mo doon sa punong kahoy? Para kang timang.”
“Wala. Halika na.”
Araw araw nilalapitan ko ang puno. Kinakausap na parang isang tao. Ewan ko ba. Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Feeling ko kasi may nakikinig sa mga hinaing ko.
“Ewan ko kung anong nasa sayo. Bakit sobrang ganda mo? Bakit nahuhumaling ako sayo?” muni muni ko sa ilalim ng puno. Vacant time ko kasi iyon.

Maliwanag ang buwan. Sobrang liwanag ng kalangitan. Tumahol si Susie. Nakalabas ito sa gate kaya sinundan ito ni Freesia.
“Susie, wait. Saan ka pupunta? Susie.” Sinundan nya ito hanggang sa makarating sila sa lugar na kinahuhumalingan nya. Ang puno.
“Susie, bakit ka napunta ditto? Hingal kong sabi kay Susie. Pinahihirapan mo ako eeeeh. Tumahol na naman sya. Lumingon ako at nakita ko si Dark. Nakangiti sya sa akin.
“Dark?”
“Good evening, Milady”
Nagugulohan ako. Panaginip lang ba ito? Kinurot ko ang sarili ko.
“Ouch.” So totoo sya. Hindi ito biro.
“Okay ka lang ba?”
“oo naman. Akala ko kasi panaginip lang ito. Ningitian nya ako.
“Ano ba ginagawa mo dito?”
“wala. Nakita kasi kita kaya sinundan kita. Malapit lang naman yong bahay ko ditto.” Sagot nya. Umupo kami sa ilalim ng puno.
“Kung ganon. Saan ka banda nakatira? Malapit lang din yong bahay naming dito eeh.” Aniko.
Tinuro nya ang Villa Fuego. Hinawakan nya sa Susie. Namangha ako dahil hindi man lang sya kinagat ng aso ko.
“mahilig ka sa aso? Mabuting napaamo mo sya ano?”
“Oo. Marami akong aso sa amin.”
“Talaga? Nakakatuwa naman. Alam mo bigay pa yan ng lola ko si Susie. Nong 18 years old na ako sabi nya alagaan ko raw si Susie. Ewan ko ba kay Lola. May dumi ba yong mukha ko?”
Tinitigan nya lang kasi ako eeh..
“Wala naman. You are beautiful. You bloom like the flowers in this tree.” Saad nya.
“Bolero.”
“You will find out soon. Balang araw. We will be together.”
“Huh?”
“Nothing.”
Biglang bumuhos ang malakas na ulan.
“Halaka. Mababasa tayo.” Sabi ko. Niyakap nya ako ng sobrang higpit.

DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon