Pinagtagpo lamang

9 0 0
                                        

Sa di inaasahang panahon
Pinagtagpo ng pagkakataon
Di mawari ang nadarama
Nang masilayan ang iyong ganda.

Labis ang tuwa
Sa tuwing kausap ka
Di mawala ang kaba
Pag nagsasalita ka na.

Kay ganda ng iyong mga ngiti
Sa labi ito'y mamumutawi
Di maiwasang mabighani
Sa dalisay ng ngiti.

Bawat segundo, minuto oras ang lumipas
Hiniling na di ito magwakas
Ang pag-uusap natin dalawa
Sana di maglaho na parang bula.

Ikaw si Luna ng aking kalangitan
Kay gabi kay ganda mong pag masdan
Liwanag mo nagbigay tanglaw
Sa buhay ko na mapanglaw.

Ako ay si Sol na magbigay araw
Magbibigay init sayo araw -araw
Mamahalin ka ng walang hanggan
Kahit maraming hadlang.

Ngunit aking naalala
Pinagtagpo lang tayo ni tadhana
Ngunit di tayo para sa isa't- isa
Kahit gustohin man nating dalawa.

Dedicated to Mhe Yhel at Shiey

DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon