Buwan

40 0 0
                                    

Ikaw ang buwan sa kalangitan
Sa malayo ikaw aking pinagmasdan
Ako'y nahuhumaling sa iyong tanglaw
Kaya di mapigilan sa iyo nakatanaw

Ikaw ang buwan na aking tinitingala
Sa malayo ako'y humahanga
Liwanag mo'y tumitingkayad
Puso ko'y gusto kang mayakap

Nais kitang sungkitin
Ngunit napakahirap mong abutin
Nasa langit ka
At lupa ako

Sa langit ikaw'y hiniling
Ngunit Hindi dininig aking dalangin
Pagkat ikaw ay di nakatadhana
Sa isang abang makata.

- Silverau25

DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon