Ang Babae sa Salamin

22 0 0
                                        

Nagising ako sa tahol ng aso. Hating gabi na pala.nakaramdam ako ng init at pagkauhaw kaya bumangon ako para uminom. Napadaan ako sa salamin. May bumulong na lapitan ko ito.
Matangos na ilong, mala rosas na labi, maamong mukha, mala alon na buhok hanggang bewang, mapuputing balat -sya si kiera. Ang babae sa salamin.
"Ikaw na naman. Ano kailangan mo?" tanong ko sa kanya
" wala akong Kailangan.ikaw ang may kailangan. Nakita kitang umiiyak kanina." sagot nya sa malumanay na boses. Di ko maiwasang maiinggit. Sana ako sya.
"Huwag kang mainggit. Ako ay ikaw."
"Paano mo nasabi?
Ngumiti sya sa akin. Ngiting di ko makikita sa mga taong naka paligid sa akin.
" huwag kang umiyak. Maganda ka Ciara. Mas maganda ka kaysa kay Maria." Sabi nya. "Di mo kailangan ikumpara sarili mo.

" Ciara, halika ka nga dito." Utos ni Maria kasama mga kaibigan nya.
"Huwag na huwag kang lalapit kay Drake. Stay away from him. You are just nothing but trash. An ugly woman who tried to get the things I want." Sabi ni Maria at tinulak ako ng pagkalakas na dahilan ng pagka upo ko sa sahig.nagtawanan sila sabay alis. Napahiya ako kaya kahit masakit tumakbo ako sa playground. Nag muni muni.

"hey, what are you doing? Why are you alone? " ani Drake at umupo sa tabi ko.
"Wala. Sige Drake. Alis na ako baka mag bell na."
" let's go then."
" ahhh eeh.pupunta pa pala ako sa CR. Mauna kana." Sabi ko sa kanya sabay takbo palayo.

Masyadong maraming nangyari sa araw na iyon. Napapagod ako. Pag -uwi ko. Wala pa si mama at Papa. Nag-iisa lang akong anak kaya wala ako kausap sa bahay. Laging busy sa trabaho si mama at Papa.
Nagbabasa na lang ako ng libro habang hinihintay sila pero wala gabi na wala pa rin. Di ko maiwasan malungkot. Kailan kaya ma kumpleto kami sa hapag kainan? Kailan ko kaya sila makasalo sa pagkain.
"Manang, sabay na lang tayo kakain. "
" huwag ka na malungkot. Yong ginawa nila is para sayo rin yon." Sabi ni manang.

Sabi nila uuwi sila ngayon gabi kaya hinihintay ko sila. Nag paint na lang ako para di ako dalawin ng antok.mag alas onse na ng gabi dumating sila.
Excited ako lumabas sa kwarto para salubongin sila pero parang di nila ako nakita. Dumiretso sila sa kwarto. Nakarinig ako ng ingay mula sa silid nila. Lumapit ako para marinig ang kanilang pinag-uusapan.
Alam kung mali pero di ko maiwasan.parang umiiyak si mama.
" kailan pa? Bakit mo ginawa sa akin to ha? Manloloko ka. Hayop ka." Sigaw ni mama. Alam kong may mali. Bumalik ako sa silid. Tumahol na naman ang Fritzie ang aso namin. Nakita ko na naman si kiera. Malungkot ang kanyang mata.
"Huwag kang umiyak Ciara. Malalampasan mo rin yan. Everything will be fine tomorrow. Paggising mo magkaayos din si papa at mama mo." Sabi nya.
"Bakit ganon Kiera? Gusto ko lang naman masayang pamilya. Kasama ko sila palagi kahit Iang yong buhay eeh." Umiyak na ako sa harap ng salamin. Kay kiera. Nakita ko rin ang kanyang mga luha.Dinadamayan ako sa nararamdaman ko.
"Bakit ka umiiyak? " tanong ko.
"Umiiyak ka eeh." Sagot nya. Pinahid namin dalawa ang mga luha sa aming mata.
Tuwing hating gabi kinausap ko si kiera. Hindi ko na naramdaman na mag -isa lang ako.Dinadamayan niya ako sa tuwing may problema ako. Nandiyan sya every time na na disappoint ako, frustrated,  nakaramdam ng pag-iisa and everything. She is my best friend.

Tulog na ang lahat. Pero heto ako at gising pa rin.
Kausap si kiera.
"Di natanggap yong painting ko sa Art Exhibit. " malungkot kong sabi.
"Ang ganda kaya ng painting mo. Bobo ata sila eeeeh. " parang nagalit sya.
" hayaan mo na.di siguro talaga para sa akin yon. Siguro wala talaga akong talent."
"Don't say that. You are good enough. They just don't know how to appreciate. Smile ka na." Sabi nya. Ngumiti kaming dalawa.
"Gusto mo ipakilala kita kina mama at Papa pag dating nila? " tanong ko sa kanila.
"Sige. Sige." Sagot nya. Hintayin ko na lang muna sila. Wala pa sila eeeeh.

"Ciara, sino kausap mo?" Tanong ni manang.
"Si kiera po." Sagot ko kay manang.
"Kiera? Saan?"
"Yan po sya oh" sandy Turo ko sa salamin pero wala na si kiera.
" luh, saan kaya sya nag punta?"
Nagugulohan si manang.
"Wala naman kiera, hija. Di raw makauwi yong mama at Papa mo ngayon. Huwag mo na sila hintayin. Matulog ka na.
" good night yaya."
"Kiera.nandyan ka lang pala eeh. Bakit di ka nagpakita kay yaya?
Ngumiti lang sya.

Toktoktok
" anak, may kasama ka ba dyan? Sino kausap mo?" Tanong ni mama sa akin. Nasa likod niya naman si papa.
"Si kiera po ma, pa." Sagot ko sa kanila. Nagsalubong ang kanilang kilay.
"Kiera, sila mama at Papa pala." Sabay tingin ko sa salamin.
"Anak, wala namang tao eeh. Okay ka lang ba anak? May lagnat ka ba?"
Hinawakan ni mama ang noo ko.

"Ma, pa. Saan po tayo pupunta? Sino pupuntahan natin?" Tanong ko sa kanila. They are acting so weird. Hindi sila nagsasalita.

Napag desisyunan ng mag-asawa dalhin sa isang psychologist si Ciara. Nababahala sila sa kalagayan nito.
"Good afternoon, Dr. Garcia is waiting for you po. This way." Sabi ng receptionist.
"Ma, why are we here?"
Nakaramdam ng takot at pangamba si, Ciara.
"Ciara, paghihiwalayin tayo nila." Sabi ni Kiera.
"No, kiera. you won't leave me.Promise me. You promise me." Sabi ni Ciara.
Di maiwasan ni Clara mapaiyak sa nasaksihan tagpo ukol sa situation ng anak. Pinakalma sya ni Andrew naman.
"Ma, why are you crying? Ma, don't let them take away Kiera from me."
Umiiyak na ito.
Kiera is Ciara's imaginary friend. Because of loneliness and sadness, she creates Kiera as if it is real.

DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon