Si Ulap at Si Lupa

12 0 0
                                        

Hello, babies. Enjoy and have fun.

Noong unang panahon, sa lugar ng Ermentanya may naninirahan na nagngangalan Ulap at Lupa. Si Ulap ay isang napakagandang dilag. Maraming nahuhumaling sa kanya dahil sa taglay nitong ganda. Asul na mata, maaalon na buhok, kutis porselana at higit sa lahat mabait at mahinhin na dalaga. Nag -iisa rin syang anak ni Reyna Kalawakan. Sa kabilang dako, may isa ding makisig na binata- si Lupa. Taglay nito ang angking kakisigan, matipunong pangangatawan na kinahuhumalingan ng kababaihan sa kanilang bayan. Si Lupa ay isang magiting na mandirigma at tagapagmana din sa kanilang nasasakupan sa bayan ng Kadiwataan.

Isang dapit hapon, nagtagpo ang landas ng dalawang nilalang. Tinitigan ang isat-isa. Nabighani si Lupa sa angking ganda ng dalaga.
"Magandang hapon, Binibini."
"Magandang hapon din, Ginoo." Nagngitian ang dalawa.
"Ano bang maipaglingkod sa isang dilag na kagaya mo? Bakit ka pala napadpad dito? Batid ko Hindi ka taga rito." Ani Lupa.
"Ako'y pumuslit lamang sa aming kaharian. Dinadama ang mga tanawin sa kapaligiran hanggang dito ako ay napadaan." Sagot ng magandang binibini.
"Kung gayon, if iyong marapatin pwede kitang ipasyal. Huwag kang mag-alala ako ay walang masamang balak."
"Batid ko iyan , ginoo na may busilak kang puso."
Nang araw na iyon nagsimula ang magandang samahan ng dalawa. Tuwing pupuslit si Ulap sa kaharian ay pupuntahan nya si Lupa sa kanilang tagpuan. Nakaramdam ng labis na kasiyahan ang dalawang nilalang hanggang unti unting nabuo ang isang pag-ibig.
"Binibining Ulap. May nais sana akong sabihin. Sana pagkatapos nito di pa rin magbago ang iyong pagtingin sa akin." Sabi ni Lupa habang nakaupo sila sa ilalim ng punong Akasya.
" Ano ba iyan, Ginoo?
"Binibini, sa una pa lang ikay nasilayan. Di ko alam ang naramdaman. Parang may paru-parong nagliparan sa Tiyan. May kabayong nagtakbuhan sa puso't isipan. Akoy nabighani sa iyong ganda. Sa panahong ikaw ay kasama. Labis ang tuwang nadarama. Bawat oras na kasama ka gusto ko punoin ng alaala. Binibini, iniibig kita. Hindi ko hiniling na iyong tugonin ngunit kung iyong mararapatin hayaan mong patunayan itong damdamin."buong pusong sabi ni Lupa. Hindi agad nakasagot si Ulap. Tiningnan nya ng husto ang mga mata ng binata na nagsusumamo. Ilang minute din ang katahimikan.
" Ginoo, Hindi ako makapaniwala sa iyang mga itinuran. Ngunit nakikita ka sa iyong mga mata ang angking kabutihan. Wala na akong hihilingin pa.kundi makapiling ka hanggang sa pagtanda. Iniibig din kita, Ginoong Lupa."
Labis na tuwa ang kanilang naramdaman. Sila ay nagyakapan. Iyon na ata ang pinakamasayang araw na kanilang pinagsaluhan.

Gabi ng nakauwi si Ulap sa kaharian. Dahan dahan syang pumasok sa sekretong lagusan ng kaharian. Nagmamadali syang pumasok sa kanyang silid.
"At saan ka galing, Ulap?" Ang nakakilabot na tinig ng kanyang ina - Si Reyna Kalawakan.
"magandang gabi ina. Ako ay nagpahangin lang sa Harden." Nangangamba nyang sagot.
"Harden? O sa labas ng palasyo? Sumagot ka."
"Ina, akoy nagsasabi ng totoo." Natatakot na sambit nya.
"Sinungaling. Huwag ka ng magkaila. May nakakita sayo na mga Dama na lumabas ka ng palasyo. At nakipagkita ka pa sa Prinsipe ng kadiwataan. " galit na sambit nito
"Ina, patawarin nyo po ako sa aking pagkakasala" mangiyak ngiyak nyang paumanhin sa ina.
"Simula ngayon. Bawal ka na lang lumabas sa iyong silid. May mga guwardiya magbabantay sa labas." Galit na sambit ng ina at iniwan ang dalaga. Umiiyak ng sobra si Ulap. Gusto nyang makita ang kanyang katipan.

Naghihintay si Lupa sa kasintahan ngunit Hindi ito dumating. Labis syang nalungkot at nag-alala sa maaring mangyari ng dalaga.
Ilang araw ang lumipas pero di na nagkita ang dalawa ngunit Hindi pa rin nagsasawang hintayin ni Ulap ang katipan. Hanggang sa may lumapit sa kanya.
"Magandang araw, ginoo. Ako ay ang tapat na Dama ni Binibining Ulap. May nais syang ibigay sayo."
"Nasaan ba sya? Bakit di sya dumating?"
"Pag umanhin po ngunit Hindi sya makalabas ng palasyo. Ikinulong sya ng Reyna ng malaman nya ma tumakas at nakipagkita sa iyo na isang diwata. Sige po. Ako ay aalis."
Isang sulat mula sa minamahal.Binasa nya ito.

Mahal kong Ulap,
Alam kung naghihintay ka sa aking pagdating. Ngunit ako ay iyong patawarin. Kinulong ako ni Ina. Hindi ako makalabas. Gustohin ko man makita ka ngunit Hindi maaari. Mag-ingat ka palagi aking mahal. Kahit ano mang mangyayari ikaw pa rin ang laman ng puso't isipan. Hanggang sa muli.
Sobrang nanglumo ang binata. Batid nya na may hahadlang sa kanilang pag-iibigan. Hindi sya pwedeng walang gawin. Kailangan nya makita ang dalaga.

"Dadating ngayon si Reyna Planeta kasama ng kanyang tagapagmana si Orbit. Magbihis ka ng maayos at ito susuotin mo mamayang gabi." Sabi ng ina at lumabas ito agad.
Inaayosan sya ng maigi ng kanyang dama. Tumingkayad ang kanyang angking ganda sa dilaw na kasuotan. Ngunit mababatid ang lungkot sa kanyang mata.
"Huwag ka ng malungkot, binibini. "
"Di ko mapigilan, Dama Lila.Batid ko may di ko nais gawin si Ina."
"Sundin mo na lang ang gusto ng iyong ina sapagkat ito ay nakakabuti sayo."

"Magandang gabi, Binibining Ulap. Ikinagalak kung masilayan ang iyong ganda." Bati sa kanya ni Orbit.
"Magandang gabi, din Ginoo. " matamlay nyang sagot.
"Bueno, nandito na tayo lahat. Gusto ko ibigay alam na pagsapit ng ikalawang linggo ng Enero mag-iisang dibdib na sina Ulap at Orbit."
"Ina. " mahinAng tutol ni Ulap. Ngunit pinanlikahan sya ng mata nito. Di tanggap ni Ulap ang plano ng ina. Ayaw niyang makasal sa taong di nyA mahal. Umiyak na naman sya sa kanyang silid. Kailangan may dapat syang gawin. Ngunit paano? Nakatulog sya sa pag-iisip hanggang sa naalimpungatan sya dahil sa haplos ng kamay sa kanyang ulo.
Napabalikwas sya. laking gulat nya ng makita si Lupa. Labis ang tuwa ang kanyang nadarama. Niyakap nila ang isat isa.
"Paano ka Nakapasok dito?" Mahina nyang tanong..
"Tinulongan ako ni Lila. Ayaw kong mawala ka sa buhay ko, Ulap."
"Gayon din ako, Lupa. Itakas mo ako. Isama mo ako. Ayaw kong magpakasal sa iba."

Nang gabing iyon. nagtanan ang dalawa.Nagpakalayo.
Galit na galit si Reynang Kalawakan.Pinuntahan nila ang kadiwataan.
"Bakit ka naparito? " tanong ni Reynang Sanlibutan.
"Ilabas mo ang anak mo. Kinuha nya anak ko." Galit na galit na sambit ni Kalawakan
"Wala siya dito. Kahit halughogin mo ang buong lugar." Mahinahon na sabi ni Sanlibutan.
"Saan mo itinago?"
"Di ko itinatago. Makaalis ka na. Diba? Sabi mo ayaw mo umapak dito. Bakit ka nandito? Makakaalis ka na."
Nanggalaiti sa galit ang reyna. Pinagbantaan pa niya si Sanlibutan ngunit nanatiling kalma lang ito.

Napadpad sa lugar karagatan ang dalawa. Namuhay ng matiwasay at puno nang pagmamahalan. Ngunit ang lahat ay may hangganan. Natunton ang kanilang tahanan. IPinaghiwAlay at inilayo ang isat isa. Pilit nilang ipinaglaban ang pag-iibigan ngunit sa huli hindi sila nagkatuloyan. Gumawa ng paraan si kalawakan na di magkalapit ng landas ng dalawa. Ngunit kahit nagkalayo man sa isat Isa ang pag-ibig nila di nagbabago. Patuloy pa rin tinitingala ni Lupa si Ulap. Habang tinatanaw naman ni Ulap si Lupa.

DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon