Gabing kay payapa
Sa langit ako ay nakatingala,
Buwan kay liwanag
Pagkahumalina nito'y di maipaliwanag.
Sa gabing ako'y malungkot
Sa langit ako nakatutok,
Sa panahon ako'y mapanglaw
Buwan ang syang nagbibigay tanglaw.
Sa ilalim ng buwan ako'y nangarap
Nangarap na kasing layo ng ulap,
Liwanag ng buwan nagbigay pag asa
Sa isang tulad kong aba.
Gabi- gabi liwanag ng buwan inaabangan
Tuwing may problema ito'y aking kailangan,
Liwanang nagbibigay saya
Sa tulad kong dilag na puno ng lungkot.
Isang gabi nakatingala sa langit
Mga ngiti koy pilit
Ang puso koy puno ng hinanakit
Nangyari sa buhay nais kong iwaglit.
Liwanag ng buwan saksi ng mga pasakit
Kasabay ng pagbuhos ng buwan
Mga luhang nag-unahan
Ang buhay ko'y puno ng hinanakit.
Sa ilalim ng buwan nais kong wakasan
Mga paghihirap akong pinagdaraanan
Sa ilalim ng buwan nais kong putolin
Aking buhay puno ng alaalahanin.
Sa ilalim ng buwan ikaw ay dumating
Upang paghihirap na nadarama ako'y iyong sagipin
Sa ilalim ng buwan dininig aking dalangin
Ang dumating ka ito'y aking hiling.
Sa ilalim ng buwan at mga tala
Saksi ang mga ito sa pagmamahalan ta
Ang tanging hiling
Habang buhay ikaw ay makapiling.

BINABASA MO ANG
Desire
AléatoireThis is the compilation of all prose and poetry that I've written. Either written in Filipino or Tagalog language. The content may be about love, heartaches, failures, romance, and disappointments. Read on your own risk.