Gumising sa umaga
Umagang kay saya
Heto na naman makikibaka
Sa paggising na wala ka namang jowa
Oops, umilag baka mataan ka.Lumabas sa iyong tahanan
Paligid mo ay tingnan
Mag jowang naglalampungan
Kala mo wala sa daan
Kaya napa ismid ka na lang.Gabi ikaw ay puyat
Sa Facebook wala ka naman ka chat
Scroll up and down na lang
Tamang hintay baka may mag hi lang
Pero natapos ang gabi puyat lang ang abot.Napatanong sa sarili
Ano ba ang iyong mali
Napaisip bigla
Ano kaya ang wala
Bakit di ka pa nagka jowa?Sa barkadahan ikaw maiwan
Pag jowa na ang topic sa kwentuhan
Sa gilid ikaw na lang makinig
Sa mga halakhak nila at kilig
Di mo kasi naranasan.Kaklase mo unti unti ng kinasal
Ikaw di pa nasagot ang dasal
Pinsan mong kaedaran
May anak ng inaalagaan
Ikaw hanggang ninang/ninong na lang.Mga kamag-anak moy nagtanong
Bakit wala ka pang jowa hanggang ngayon
Sa kanila ikaw na lang ngumiti
Sa mga tanong sa kanilang labi
Kasi di mo sila kaya sagutan.Pero relax ka lang
Tamang hintay lamang
Dadating din ang panahon
Masagot na iyong dasal sa Panginoon
Huwag magmadali.Dedicated sa walang jowa 🤣🤣🤣

BINABASA MO ANG
Desire
De TodoThis is the compilation of all prose and poetry that I've written. Either written in Filipino or Tagalog language. The content may be about love, heartaches, failures, romance, and disappointments. Read on your own risk.