Hindi madali ng pumili lalo na alam mo na walang kasiguraduhan. Alin ba ang mas matimbang ang mahal mo o mahal ka? Kailangan ng masinsinang pag iisip upang sa huli di ka magsisi. Sino ba sa kanila dalawa? Sa taong mahal mo pero di kayang suklian ang iyong nadarama o sa taong mahal ka at kaya kang hintayin hanggang sa dulo basta Piliin mo lang sya. Maging masaya ka kaya kung mamili ka sa kanila? O wala ka na lang piliin sa dalawa?
Maging maligaya ka kaya kung pipiliin mo ang taong mahal mo dahil sa pag - aakalang o sa pag - asang baka matutunan ka rin nyang mahalin. Na baka pagdating ng tamang panahon pareho kayo ng nadarama. Pero hanggang saan ka maghintay? Hanggang kailan ka umasa? Hanggang kailan mo pang hawakan ang baka? O baka tatanda ka na lang pero wala talagang pag - asa.Paano kung si mahal ka ang pipiliin mo? Matutunan mo kaya sya mahalin sa tamang panahon? Liligaya ka nga ba sa piling nya? May masayang wakas kaya kayo dahil sa masugid nyang paghihintay na suklian ang kaniyang nadarama?
Lahat tayo nangangarap na mahalin sa taong mahal natin. Nangangarap na balang araw makasama ang taong mahal natin hanggang sa pag tanda. Pero paano kung di nanaisin ng tadhana at kapalaran? Lalaban ka ba? Hiling natin ang masaya kasama ang taong mahal natin pero sana dapat kailangan isaalang alang muna ang desisyon natin bago ito bigkasin.
Sa oras na mag bitaw ka na ng salita hindi mo na dapat bawiin upang wala kang masaktan.
Hindi muna dapat baliin ang mga pangakong binitawan Sapagkat nasambit muna ito.
Alin sa dalawa ang mas matimbang? Sino ang mas lamang? Mahal mo o mahal ka?
![](https://img.wattpad.com/cover/191581157-288-k138840.jpg)
BINABASA MO ANG
Desire
De TodoThis is the compilation of all prose and poetry that I've written. Either written in Filipino or Tagalog language. The content may be about love, heartaches, failures, romance, and disappointments. Read on your own risk.