Ngumingiti ka sa harap ng iba
Tumatawa ka para maipakita na masaya
Ngunit lahat na iyon ay pagkukunwari
sapagkat sa likod ng iyong mga ngiti ay luhang nagkukubli.Ipinakita mo na ayos ka
Humarap ka sa kanila dahil kaya mo pa
kaya mo pang tumayo sa sarili mong paa
Ngunit alam ko. alam kong nahihirapan ka na
pero patuloy ka pa rin kahit alam mong mabubuwal ka na.Pagod ka na. Pagod ka ng magkubli sa tunay na nadarama
takot ka, takot kang kaawaan ng iba
Takot kang umamin na mahina ka
mahina ka at kailangan mo ng tulong mula sa iba.Hanggang kailan tiisin ang paghihirap na dinanas?
Hanggang kailan mo itago sa iba na di mo na kaya?
Hanggang saan mo ikukubli ang sarili?
sumuko ka na. sumuko ka na at humingi ng tulong sa iba.Ngunit matigas ka. kasing tigas ka ng isnag bato na di kayang tibagin ng martilyo.
"kaya ko pa" sambit mo kahit nanghihina ka na.
Tiningnan kita puno ng awa
Ngunit nagalit ka."Huwag mo akong kaawaan
Huwag mong ipamukha mahina ako"
Hinayaan kita. Hinayaan kita na mag -isa
Yong ang nais mo
Pero kaibigan handa akong damayan ka.Alam ko lahat ng paghihirap mo
batid ko lahat ng pasakit mo
Sana mayakap kita
Ngunit alam ko malabo man iyon mangyayari.Sa tuwing papatak ang mga luha
Ninais kong punasan ang iyong mga mata
Sa tuwing nalulungkot ka
Gusto kong mayakap kita
Ngunit wala akong magawa kundi maghintay sayo
na sumulat sa aking blangkong pahina.
BINABASA MO ANG
Desire
RandomThis is the compilation of all prose and poetry that I've written. Either written in Filipino or Tagalog language. The content may be about love, heartaches, failures, romance, and disappointments. Read on your own risk.