Eleksyon

4 0 0
                                    

Kampanya dito
Kampanya doon
Pangako dito
Pangako doon
Ngayon naman ay eleksyon
Atin sanang suportahan ang karapat dapat sa posisyon.

Isyu dito
Isyu doon
Patayan dito
Patayan doon
Ang syang mabalitaan mo sa kanya - kanyang tagapag balita at estasyon.

Hangad lang ng mamamayan
Mabuting mamumuno sa ating bayan
Ngunit iyong nakalimutan
Pinagbili ng salapi ang iyong kapakanan.

Masyado ng malala ang ating lipunan
Puno ng dahas at karahasan
Labis na hinagpis ang naramdaman
Nang pinakakamahal nating inang bayan.

Kailan ka pa gigising sa katotohanan?
Kailan pa matuto sa mga kamalian?
Gising na mga kababayan
Sapagkat unti unti mo ng pinapatay ang inang bayan.

Sa mahabang panahon
Karahasan naranasan sa mga dayuhan
Salamat sa ating mga magigiting na mamamayan
Pinaglaban si inang bayan.

Ngunit ilang dekadang lumipas
Mas higit pa ang kanyang dinanas
Kasakiman ng posisyon ng sariling mga anak
Ang sya naman namang nagpahibik sa inang aba.

Kapwa dugong kayumanggi nagtunggali
Sa inaasam asam na posisyon dapat sila magwagi
Gawin ang lahat kahit tapakan ang karapatan ng lahat
Basta makamtan ang inaasam asam.

Dahas at Karahasan syang makita sa lipunan
Matiwasay na pamumuhay hirap makamtan
Nagkagulo ang isang lalawigan
Nagkawatak watak ang mamamayan.

Di alam sino nag sabi ng tama
Mahirap tukoyin sino may sala
Abang mamamayan ang syang kawawa
Sila'y naiipit sa gulong ginawa.

Gising mga kababayan ko
Piliin ang kandidato nasa wasto
Huwag magpadala sa takot at agam-agam
Huwag magpalinla sa mga pangakong napapako.

DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon