Hindi Pwede

12 0 0
                                    

Sa gilid ako'y nagbabasa
Sa di inaasahang pagkakataon nasilayan ang iyong ganda
Di mapigilan sayo humahanga
Sa nakakaakit mong mata.

Di alam kung tama ba
Ang nararamdaman para sayo sinta
Nais kung masilayan
Ang angkin mong kagandahan.

Mariposang lumilipad sa tiyan
Kabayong sa puso nagtatakbuhan
Di ko mawaglit sa isip
Ikaw ang laman nitong aking panaginip.

Ikaw ang Luna ng aking kalangitan
Sa buhay na puno ng kalungkutan
Ikaw ang ay nagniningning
Na nais kung abutin.

Ikaw si Asteria  nagbigya tanglAw
Sa buhay ko na mapanglaw
Sana dinggin ang hiling
Na ikaw ay makapiling.

Ikaw maging laman ng akda
Sa mga sinulat na katha
Ikaw ang paboritong obra
Sa lahat na pininta.

Hahamakin ang lahat
Ikaw lang ay mayakap
Gagawin ang lahat
Mapasakin ka lang magandang dilag.

Tutol man ang mundo
Pag-ibig ko'y ipaglaban para sayo
Sana masuklian din damdamin
At ako ay iyong iibigin.

DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon