Nagniningning Na Tala

54 0 0
                                        

                             

"Mawawala ka man dito sa mundo, pag –ibig ko sayo'y di magbabago."

Kay payapa ng kalangitan. Kay ganda ng tala sa kalawakan. Kay lamig ng simoy ng hangin. Naka –upo ako ngayon sa teresa habang nakatingala sa makulimlim na kalangitan na tanging sinag ng buwan at tala ang syang tanglaw. Kay ganda ng mga bituin na nagkikislapan. Oh kay liwanag na iyong mabanaag.

Payapa na ang gabi ngunit heto pa rin ako at gising pa ang aking diwa. Di pa kasi ako dinalaw ng antok na palage ko lang naman iniinda. Kailangan ko pa uminom ng gatas or gamut para ako'y mahimbing na matutulog. Tahimik ko rin binabasa ang isang nobela nang isang binibining makata. Nakakaiyak ang kanyang akda. Di ko maiwasan manikip ang dibdib ko. Habol ko ang aking hininga dahil sa sakit na naramdaman ko. Tumongo ako sa kusina upang uminom ng tubig.

"Bakit gising ka pa? Malalim na ang gabi?" tanong ng aking butihing ina.

"Di pa kasi ako inaantok Ma."

"uminom ka ng gamot at gatas para makatulog ka. Sunod –sunod na iyan. Di na maganda iyan.Ipag timpla kita."

Ganyan si mama . masyadong maalaga. Pagkatpos kung inumin ang gatas ay bumalik agad ako sa kwarto. Sinamahan ako ni mama. Sinarado ko muna nag teresa bago humiga. Nong bata pa ako hinihele ako ni mama hanggang makatulog ako. Naramdaman ko na naman ang haplos ng kamay ni ina sa mga buhok ko. Para akong bata na hinile sa duyan hanggang di ko namalayan na nakatulog ako.

"Good morning, Miss Alina." Bati ng batang paslit sa akin ng makapasok na ako sa classroom. Kita ko ang ngiti sa kanilang mga labi. Kay aliwalas ng kanilang mukha. Walang problema na iniinda.

"Good morning, pupils. Let us pray first before we start our class."

Nakatutuwa silang pag masdan. Mahilig ako sa mga bata kaya sa elementarya ko piniling magturo. Nakikita ko sa kanila kung paano determanado silang matuto.

"Miss Ali , can you open this one? I can't open it." Sabi ni Cyrus ng lumapit sya sa akin. Tinuruan ko syang buksan ang pagkain na dala nya para di sya lumaki umasa sa iba. Matapos ng klase niligpit ko na ang mga gamit ko. Sinusundo na rin ng mga magulang nila ang mga bata.

"Caleena, bakit nandito ka pa?"

"I dunno where my Mom is. Maybe she is busy. I don't know who will fetch me here." Sagot ng bata. Tahimik lang lage si Caleena sa klase. Di sya nakipag halubilo sa ibang bata.

"Gusto mo samahan muna kita while waiting your Mom?" tumango lang sya bilang pag sang –ayon.

"Caleena."

Lumingon kami ni Caleena sa pinanggalingan ng boses. Sa likod naming ang isang lalaki nan aka suot pa ng Police uniform. Matangkad ang kanyang tindig. Mga 6 feet ang tangkad nya. Ningitian ko sya.

"Magandang hapon po Sir. Kayo nap o ba mag susundo ni Caleena?"

Lumapit si Caleena sa kanya. Tumango ang lalaki.

"Sinamahan ko po syang mag hintay sa inyo."

"Thank you. Let's go Caleena."

Nahihilo ako kaya napaupo ako sa sala. Nakita pala ako ni mama kaya dali –dali syang lumapit sa akin.

"Alina, anong nangyari sayo?" nag –aalalang tanong nya.

"Nahihilo lang ako Ma. Okay lang poi to." Sagot ko. Ayaw ko ng pag –aalahanin sya.

"sigurado ka ba?"

"yes ma. Sa mata ko lang po siguro ito."

"okay. Magpahinga ka kasi at iwasan mo nga masyado yong nakatutok lage sa mga may radiation." Paalala niya. Pumasok na ako sa kwarto upang magpahinga. Nakulang lang siguro to sa tulog.

DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon