Paalam

5 0 0
                                    

Hindi makapaniwala
Sa narinig na balita
Di lubos maisip ang paglisan
Sa mundong ibabaw aming kaibigan.

Tanda pa ang alaala
Nong una nating pagkikita
Di lubos inaakala
Na ika'y makilala.

Sa iyong paglisan alaala na lang
Masasayang tagpo at kwentuhan
Mga alaalang sa isip di malilimutan
Mga pangaral mo sa buhay aming natutunan.

Di naman alam
Nakakalungkot ang iyong pamamaalam
Masaya ka pa nong araw na nagdaan
Di namin alam lumubha na pala ang iyong karamdaman.

Sa iyong pagkawala lungkot ang naramdaman
Ang mawalan ng isang kaibigan
Kailanman di ka na muling makita
Ang matamis mong ngiti at tawa.

Sa iyong pagkawala
Mananatili ang alaala
Mga alaalang binuo nating magbarkada
Alaalang di na madagdagan pa.

Sa iyong paglisan
Nais lang namin makamtan ang tunay na kapayaan
Wala ng sakit na pahirapan ka
At di ka na magdusa

Paalam aming kaibigan
Masakit man pero tanggapin na lang
Mananatili ka sa aming puso't isipan
Kahit ikaw ay lumisan.

Dedicated to my friend who died last April 12, 2020

DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon