"Falling in love to someone you love is a great emotion that we feel but falling in love in a person who can't love you back makes you weak. "
"Smiles can hide thousands of tears. Laughter can hide millions of sadness."
Kay ganda ng iyong mga ngiti sa iyong mga labi. Kay saya mo habang tinitigan kita sa iyong mapang akit na mata. Kay ganda ng iyong barong na kasuotan na nagpatingkayad sa iyong tindig at pagkakisig. Kita ko ang saya sa iyong mata at mga labi habang naglalakad ako patungo sayo na nakasuot ng puting bestida habang kinakanta ng paborito nating kanta. At unti unti kung naalaala sa panahong una nating pagkikita.
Kay dilim na ng kalangitan habang nag hihintay ng dyip pauwi sa bahay na aking tinutuloyan. Uulan na ata . Di ko naman dala ng aking payong. Bumuhos na ang malakas na ulan. Niyakap ko ang aking sarili dahil sa ginaw at sa di inaasahan kumidlat at kumulog na syang aking kinatatakutan. Di ko mapigilan ang mapaluha at tinawag ang pangalan ng aking kuya. Maya maya may maskuladong braso ang yumakap sa akin para patahanin ako. Wala akong ibang inisip kundi ligtas ako sa piling ng kanyang braso. Ilang oras nakalipas medyo tumila ang ulan. Wala na rin ang kulog saka nya pa ako pinakawalan. Medyo nahiya ako sa ginawa ko at mahinang nagpasalamat sa kanya pero di ko tinitigan ang kanyang mukha. Ng may dumaan na dyip sumakay ako agad ng walang lingon -lingon.
Mula ng araw na iyon di ko na sya nakita. Nasa ilalim ako ng punong accasia habang naghihintay sa susunod kung subject. May dalawang oras pa. Habang naghihintay ginuhit ko ang isang mukha ng taong minsan tinulongan ako.
"Ahem." Tiningnan kung sino at nanlaki ang aking mata dahil sa nakita. Siya .
"Hi."
"H -hello." Para akong nauupos na kandila ng makita ko sya.
"Bakit parang gulat ka?" tanong nya sa baritonong boses.
" Huh? Di kaya." Sagot ko.
"Why are you alone here?"
"I just want to be alone."
" Really? By the way, I am Black Kenny Santos but you can call me Black. and you are?"
Nag -alangan pa ako. "I am Skyline Shine but you can call me Sky."
Simula noon naging magka -ibigan tayo. Sabay tayong kumain at umuwi dahil magkalapit lang pala ang bahay na tinutulayan natin. Sayo ko naranasan ang magkaroon ng isang tunay na kaibigan . Taga pagtanggol ko. Sobrang bait mo sa akin tinuring mo ako parang isang prinsisa. Wala na akong ibang magpasaya sa akin kundi ang makasama ka araw- araw. Kahit busy ka pa binigyan at nilaanan mo pa rin ng oras an gating pagkaka -ibigan. Masyado ng magaan ang aking loob sayo. Nasanay akong kasama ka lage.
Huling taon na natin sa kolehiyo. Di ko maiwasan na malungkot dahil baka magkalayo na tayo. Naka upo tayo sa ating tagpuan. Sa puno ng akasya. Di ko mapigilan ang bumuntung hininga ng malalim habang nakatingin sa malayo.
"Bakit malungkot ka?" tanong mo,
"Di naman. Naisip ko lang na huling taon na natin to."
"Di ka ba masaya nyan? Makamit na natin pangarap natin."
"Eeh magkahiwalay na tayo nyan . Baka kalimutan mon a ako." Di ko mapigilan mapaluha.
"SSssh tahan na. Hindi mangyayari yan. Maklimutan ko baa ng pinaka maganda at mabait kung kaibigan. My best friend and my princess. Don't cry na okay." Sabi mo sa akin at pinahid mo ang aking luha.
Dumating ang araw na nagtapos na tayo. Ang araw na pinakakhintay ng lahat. Masaya ako na malungkot pero nilabanan ko ang lungkot.
"You look beautiful tonight." You said during sa grad ball natin.
BINABASA MO ANG
Desire
RandomThis is the compilation of all prose and poetry that I've written. Either written in Filipino or Tagalog language. The content may be about love, heartaches, failures, romance, and disappointments. Read on your own risk.
