Hanapin

1.6K 25 5
                                    

Kanina pa ako nandito sa waiting shed at wala paring motor na dumadaan. Bakit ba ang malas ko ngayon kung kelan naman may laban pa ako.

"Uy miss maganda, san ka?" Tawag sakin ni manong driver.

"Sa may dalampasigan po"

"Nako miss, maganda ka sana kaso mukhang malayo kapa ah. Pasensya kana at inabot ako mg gutom. Masyado kasing mahirap humanap ng pasahero kanina kaya naman di ako nakakain."

"Ah ganon po ba? Sige salamat nalang po"

Nakakainis naman kung kelan pa may laban sala pa ganito. Lord isang tao naman please!!!

*BEEP* *BEEP*

"Hoy miss nagpapakamatay kaba?" Sigaw sakin nung kuyang driver. Hmm pogi ka sana Tall, Dark and Handsome with super sungit na ugali. pagkatapos ko syang pagmasdan tila isang bagay ang nakakuha ng attention ko.

"Wait, surfer ka din? May competition ka bang sasalihan?"
Natutuwa kong tanong.

"Oo, bakit ba? Tsaka bakit may surf board ka? At talagang nasa gitna kapa ng kalsada ng ganyan ang suot." Galit na pagkakabigkas nya.

Bago pa man ako makapagsalita ay inunahan nya ako habang nakataas ang kilay sakin.

"San ba yung dalampasigan? Kanina ko pa hinahanap yun." Tanong nya na nagpasaya sakin lalo.

Hulog ng langit tong handsomesungit na ito.

"Ituturo ko sayo, sa isang kundisyon"

"Dalian mo na at ano naman yun" sungit parin nya lord pero sige Instrumento ko naman sya papunta sa dalampasigan.

"Isasama mo ako duon dahil dun din ako pupunta, okay na?" Syempre kelangan maarte ako, bawal easy to get.

"Get in" yaya nya sakin na sumakay sa kanyang mamahaling sasakyan. Biruin mo dream kong makasakay sa isang ranger pero ngayon di lang ordinary na ranger yung parang monster truck.

"Stop staring at me, nakakabastos" wha-at? Kung di lang talaga ako may utang na loob sayo sisigawan na kita.

"I guess na hindi ka taga dito? Ngayon lang kita nakita pati yang maangas mong sasakyan" hindi ko na napigilan yung pagiging madaldal ko. Kahit kelan talaga nami.

"Yes, taga quezon city ako" marahang tugon nya sakin.

Natahimik na ako ng matapos iyon, I can't talk to him masyado syang intense. Mukhang mayaman + ang bango nya ha.

Nagmamasid ako sa kanyang sasakyan at nakakita ako ng damit ng pangbabae.

Mga taga maynila talaga, chickboi.

"Ganda nung damit ha, aywow kamiseta ba to? yaman mo naman brad. Siguro sa girlfriend mo to? Ganda brad" mausisa kong sabi at ang tugon nya lamang sakin ay isang titig na never ko pang naranasan.

Yung mga pang kdrama, webtoon, palabas at wattpad. Ganon bang level, yung feeling na papatay sya pero hindi eh siguro masungit lang talaga tong taong to.

Noon pa man ay magaling na ako makisama sa mga tao. Kahit mga taga maynila ay madali ko ring nakakasundo dahil una nagaral ako sa isang unibersidad sa maynila. Animo. Oops exposure.

Marami rin akong nakikilalang artista dahil sa business ko at hilig ko.

Bata palang mahilig na ako mag surf and bukod sa pagsusurf mahilig din akong kumanta. Tapos businesswoman din ako sa sarili kong restaurant sa dalampasigan. Thanks to my dearest father.

Ngunit ang isang to ay mahirap tantyahin kumbaga isang unsolve case sa criminal case na you have to earn star saka mo mauunlock yung evidence.

Mukha naman syang pinalaki ng maayos pero alam mo yun parang hiwalay yung mundo namin. He's introvert and well I'm an extrovert.

Masyado nyang kinukulong yung sarili nya sa box kung ikulong ko kaya to sa bisig ko. Lol maliit nga pala braso ko. HAHAHAHA sya nalang ikulong nya ako. Baka sakaling pumayag ako.

Pakipot dapat na parang isang dalagang pilipina + priorities first lalo na at pinasa na sakin ni dad yung pamamahala sa restaurant at sa dalampasigan.

It's priorities over lovies.

"I told you staring is rude and I thought na ituturo mo yung daan. I can't wait okay" uy si brad nagsasalita na. Nadala sa beauty ko.

"Tama naman tong dinadaanan mo, deretso kalang tapos mga after thirty minutes ay nandun na tayo" syempre pasimple lang ako kasi naman very intimidating ang kuya mo.

Napakaarte at feeling ko kuripot to. Kaya siguro damit lang ibibigay sa girlfriend. Pero baka hindi naman peraelistic ang ate mo at she values things din.

Parang ako, I really don't like expensive stuff and gusto ko lang yung pinageffortan. Yung nanggaling sa dugo at pawis nya.

And I really dont like to put makeup on my face unlike those other girls na nakikita ko sa beach, over sa blush on at tints eh magsusurf lang naman. Kaya naman yung mga staffs namin eh nadidistract pero i also value women so much na i always remind my staffs especially boys na huwag maging aggressive masyado kasi we are on business.

We should learn the word respect. Mapababae ka man o lalaki.

"Oh god, why are you still staring? Are you into me? Am I that handsome?" Mayabang at natatawang pagkakasabu nya.

"Yes you're handsome pero hindi parin yun makakapagpabago na mayabang at masungit ka. And lower your confidence please masyado kanang mahangin. Buti nalang talaga at hindi kita kaibigan kasi hindi ako matutuwa sa asal mo." Medyo offensive na pagkakasabi ko.

"Hoy below the belt na yun, what's with my confidence. Good thing na meron ako nun para naman may maiharap ako sa tulad mong judgemental. It's constructive criticism you know"

Buti nalang talaga at may utang na loob ako dito sa lalaki na to at kung hindi ay baka matagal ko na tong nadahas charot im not like that naman.

Pero realtalk guys gusto ko na syang sapakin kanina pa. Wait bakit anlayo na ng topic natin kanina lang naghahanap ako ng sasakyan na masasakyan papunta sa dalampasigan ngayon naman namomoblema ako kung paano ko to matatakasan HAHAHAAH char wala naman akong ginagawang masama.

"Hey eto na ba yun?" He ask and the snob me just nod my head

"It's weird ingay mo kanina tapos ngayon you're too quiet." Masyado na syang matanong!!!! Can he stop.

"I'm just nervous okay, may competition pa ako. And O My Ghad! My competition!!! Kelangan ko ng magparegister so sige goodbye and see you soonest. Goodluck sa girlfriend mo and nice choice ng clothes" yun ang sabi ko at iniwan na sya dun sa sasakyan at mukha naman okay na sya.

And nandito rin siguro yung girlfriend nya? Basta mamaya ko na yun iisipin may competition pa ako!

                          —DONE—

Thanm you guys! I'll update once again and comment lang kung gusto nyong ituloy ko or itigil ko na HAHAHAH charot goodmorning guys!

Sa mga gusto akong tulungan or bigyan ng pwedeng i cover sa book ko just message me. thank you! Love you all

My soft hearted bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon