Gino's Point of View
Planado lahat, ang pag amin ko kay kiara. Ngayon na sanang bonfire ko gagawin pero nasira iyon ng tuluyang bumagsak si kiara sa buhangin. Lasing na lasing sya ngayon dahil sa kakapass nya sa aming truth or truth. Gino you must've done better! Binuhat sya kagad ni argel at tumakbo kung saan sumigaw naman ako para sabihing.
"Sa cabin nalang namin, magpapatawag lang ako ng personal doctors and nurses" tumango sa akin si argel at agad na dinala ito sa aming cabin. Halatang nag aalala ang mga kaibigan nito. Pati si franki.
Nakita ko na syang nahihilo ng ako na ang sumasagot kanina. Maybe hindi pa ito ang oras para sabihin sakanya na matagal ko na syang gusto. Natatakot lamang akong ireject nya dahil hindi ako yung kwinento nyang soulmate.
Yep, freshman palang kaming dalawa ay sya na ang unang nakakuha ng pansin ko. Ang kanyang singkit na mata na nagniningning at mga labing nakangiti na nakakahimatay. Wait gino ano ba yang galawang yan. Cheesy. Eww.
So yun nung una ko syang nakita ay gusto ko na syang lapitan pero etong si argel at wealand ay hinila ako. Yes bestfriends kami ni argel noon. Super magkasundo. Buddies kami, tutal kami nga ang unang naging magkaibigan at pinaka close sa tropahan.
Araw araw kong pinagmamasdan si kiara dahil hindi ko sya malapitan. Wala eh torpe talaga ako eh.
She's alone. Hindi ko nga sya napapakilala sa mga bestfriends ko. Kaya naman ngayong araw ay ipapakilala ko na ito kina argel, sky, wealand, akie at diana.
Nandito kami sa the usual place namin. Syempre boss ako kaya May headquarters kami dito sa school. Marami daw nagkakagusto samin pero nalipat talaga yung atensyon ko kay kiara. She's really simple tapos super ganda pa. Mukha syang anghel.
Lahat kami ay nandito na sa lamesa. And kwinento ko yung babaeng gusto ko.
"Sino ba kasi yon, anong name nya?" Tanong sakin ni argel.
"Brad kita mo yun?" Tinuro ko si kiara. "Sya yung sinasabi kong gusto ko" Tumango naman sila wealand, akie at sky sakin. Si diana naman ay nandito dahil kay akie or sky. Ewan ko magulo sila.
"Si kiara takahashi? Bro, sorry hindi mo sya pwedeng pormahan. Parang little sister ko sya. Ipinagkatiwala sya ng kanyang daddy sa akin kasi first time sya magaaral dito sa manila. Ayokong magkaroon ng sabit sa inyong dalawa. Pero kung gusto mo ikaw na ang bahalang gumawa ng paraan kung paano mo sya mapapaibig." Tumango naman ako. Nakakagulat na magkababata pala sila.
Ang una kong plano ay gawin lahat ng katarantaduhan sa kanya, ipahiya sya then ako yung magliligtas sakanya. Ayokong ipaalam ito kay argel kasi magagalit yun sakin. Gusto lang naman mahulog sya sakin. Pero mahulog kaya sya sa akin kapag nalaman nyang ako ang gumagawa ng katarandtaduhan sakanya?
Ang una kong ginawa ay pinabuhusan sya ng mga harina at itlog sa mga boys. Naging succesful naman iyon.lahat ng tao ay tumawa sakanya. Lalapit na sana ako ng bigla syang tumakbo. Hindi ko nakita ang reaksyon nya pero nakakaawa yung nangyari sakanya.
Makalipas isang oras ay nakita ko syang nakangiti at halatang bagong ligo. Teka? Ang alam ko wala syang kahit anong damit sa locker bakit bigla syang nagkaroon ng damit.
Lumapit sakin si argel at agad naman akong kwinelyuhan.
"Gino i know it's you behind all of this. Ikaw mang naman ang may kapangyarihang utusan at gawing aso ang mga tao dito." Kwinelyuhan nya ako sa galit nya. Galit talaga sya ngayon sa akin
"Ano bang sinasabi mo argel?" Kwinelyuhan ko sya at sinuntok. Hindi ko namalayan na nanonood pala si kiara.
"Hoy kung sino ka man, bitawan mo yung kaibigan ko!" Agad ko namang binitawan si argel. At tumitig sakanya, Shems bakit ganon ganon nalang ako mapasunod ng anghel na ito?
BINABASA MO ANG
My soft hearted boss
FanfictionThis is a kiano fanfic story ❤️ Business man of steel ng quezon city {gino Roque IV} meets Singing Surfer ng la union {kiara takahashi} Support them on pbb otso!!!! TAKE NOTE: ITONG STORYANG ITO AY HINDI KO TALAGA IBINASE SA MGA NANGYAYARI SA LOOB N...