May the best man win

452 20 0
                                    

After ng lunch ay nagstay parin si jaime sa bahay namin. Ngayon nga ay nasa kwarto kami. Mamaya ko na kakausapin si gino. Surprise kung surprise sya.

"Gurl hindi mo naman sinabing ubod sa gwapo nun." kinikilig si jaime.

"Batuhin kita dyan jaime! Ano bang ka gwapo gwapo dun?" Tinatawanan pa rin ako ni jaime.

"Super yaman din pala nun. Alam mo sis tiba tiba ka dyan HAHAHAHA" tumawa nanaman sya ng tumawa.

"Alam mo ikaw jaime pera lang habol mo. Mayaman tapos gwapo? Iyo na. Attitude nya hindi mabait" sabay hampas sa kanya. Weh hindi ba talaga mabait kiara? HAHAHAH

"Hindi naman frenny sadyang pogi at mayaman ang nasaktuhan mo. Alam na ba to ni Argel? Nako knowing him kokontra nanaman sa mga love life natin" jaime is right.

Yun din ang problema ko kasi noong high school may nag tangkang manligaw sa akin. Pero pinabugbog nya sabi nya hindi ko daw deserve yung mga ganoong babaero. Dapat daw ang nagtatali sa akin ay yung ako ang makakapagtali sa kanya. Hindi naman sa under pero yung may karapatan ka paring mag desisyon sa inyong dalawa.

"Hindi pa eh baka maging problema ko rin sya. Nung una ngang naging boyfriend ni franki si wealand nagalit sya. Tapos nung nag break nagalit sya. Nung nagkabalikan sila franki at wealand nagalit sya. Siguro ay ayaw nyang ginaganon yung gusto nya." Pageexplain ko naman kay jaime.

"Bale kamusta pala siargao trip nyo?" Any kwento?" Tamaas bigla ang kilay ni jaime sa akin ng nakangisi.

"Ayon magkasama kami sa room." Bigla naman syang napaubo "huwag ka ngang magbigay ng malisya. Tapos minura nya ako kasi naka bathing suit ako. Hindi daw karespe-respeto." Agad na umiling si jaime sa akin.

"Friend feeling ko dun sya mali, if ever na maging boyfriend ka nya. Paano ka nyan pipugilan eh ang tigas ng ulo mo. Pero sana hayaan nya yung gusto ng babae kasi nasa lalaki naman kung iisipan nila yan ng malisya right?" Tanong sa akin ni jaime.

"Yes tama yon. Tapos may pa yate pa si gino. Masyado syang flashy at mayabang sa amin. Sya din nag libre ng buong trip namin. From hotel, plane tickets, allowance tsaka mga food para tuloy syang nag papa team building. HAHAHAHA" tumawa din si jaime sa sinabi ko.

"Really yate? Hindi ko alam na ganyan pala ka big time ng bossing mo. Magastos yun syempre. Tsaka galante ha." tumatawa parin si jaime ngayon.

"Alam mo ba lagi kong naabutang magkaaway sina gino at argel dati? Noong una gulong gulo ako kung bakit nag aaway sila. Nagalit pa nga sa akin si argel ng malaman nyang kay gino ako nag tratrabaho. Naabutan ko din silang halos mag patayan. 2 o 3 beses ko ata silang naabutang nag susuntukan." Kita ko ang gulat na reaksyon sa mata ni jaime.

"Really? Yang boss mong mukhang matino makikipag basag ulo sa tropapis natin? Lupit naman nyan! Baka mamaya member pala yan ng mafia."

"JAIME SALENGA" saway ko sakanya sabay hampas

"Malay mo diba" sinabayan nya ng makahulugang tingin tsaka tawa parin sya ng tawa.

"Dali kwento ka pa"

"Nalaman ko yung rason mung bakit lagi silang nagaaway. Diba sabi ko sayo nung may nangahas na manligaw sa akin. Pinabugbog nya"

"Eh anong konek dun? Loko loko lang talaga yang si argel. Insecure sa boss mo" aba! Friend namin ni jaime si argel ah. Bakit ba kumakampi sya kay gino hmmm?

"Nalaman ko na si gino pala yung rason kung bakit ako nabubully ni college sa school. Nung una sya mismo ang nambully sa akin. Tapos sumunod yung mga eatudyante na. Nakakairita talaga nun eh. Yung wala kang ginagawa kundi maging maganda pero sila yung galit na galit at inggit na inggit sa akin." Hindi naman ako nalulungkot ngayon kasi successful na ako. Yun ang ginawa kong inspiration para maka angat sa life diba.

My soft hearted bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon