Trip

576 18 0
                                    

Umagang umaga may kumikiliti sa aking mga paa. Tsk sinipa ko ng isang beses at napasigaw ang kung sino mang nasipa ko. Tsk kasi naman bat mangingiliti eh ang aga aga.

"Ate aray ha!" Sigaw sakin ni ck

"Ck naman unagang umaga mangingiliti ka!!" Sabay tingin ko sa aking orasan

"Kita mo ala sais pa lang. Mangigimbala ka eh umagang umaga palang" sabi ko sakanya.

"Ate may bisita ka" dun palang sa sinabi ni cl ay agad na akong napatayo at dumeretso sa aking cr.

Tumatawa naman si ck.

"Ate ha, kapag sinabing may bisita tayo agad tapos ligo. Bilisan mo asa labas si kuya gino" sigaw sakin ni ck

"Bat nasa labas? Papasukin nyo!" Sigaw ko at medyo pagalit iyon.

"Ate nasa labas ng kwarto mo,hindi sa labas ng bahay. Paranoid amp!" Sabay tawa. Bahala kayo dyan ka-badtrip kayong lahat.

Pagkatapos kong naligo ay nagmadali nako. Feel ko super hero ako sa sobrang bilis which is hindi normal! Super bagal ko maligo at magayos. Pero dahil netong si gino grabe sobrang bilis!

Pagkalabas ko sa aking kwarto ay nakikita kong seryoso ang mukha ni mommy. Which is very unusual. As in. She smiles a lot and sya rin yung pinaka positive saming lahat.

"Kiara halika dito" sabi sa akin ni mommy.

"Bakit po mommy" tanong ko sakanya.

"Pupunta kayong tokyo today? Bat di mo sinabi?" Tanong sakin ni mommy. Tumingin naman ako kay gino at nakangisi.

"Hindi ko alam mommy, sabi nya pupunta kami pero hindi nya sinabi na ngayong araw na yun"

"Kung alam ko lang sana nagleave ako para bantayan kayo" kumunot naman ang noo ko.

"Ma, pinayagan nga ako ni dad sumama dito nung nag siargao. Tsaka we know our limitations." Ngumuso naman si mom

"Hindi ka pa nya nun nililigawan" hala pano nalaman ni mommy?

"Pano nyo po nasabi?"

"Nagkwento sya" sabay turo kay gino. Sya naman ay nag kibit balikat lamang.

"Tita sana po ay okay lang kayo na isama ko sya. Promise po madali lang kami. Three days. Pinagpaalam ko rin po sya sa kanyang boss" nagulat ako sa sinabi ni gino. Pero mas nagulat si mommy

"Wh-what? Three days? Ano kayo mag ho-honey moon?" Lumaki ang mata ni gino sa gulat.

"Hindi po tita, papasyal lang kami. Sanay naman po kaming magkasama kasi sakim sya nagtratrabaho dati." Tumingin naman sakin si mommy ng nagtataka

"Ibinilin po kasi sa akin si kiara. Kasi trainee ko po sya para sa kanilang business. Magkasama po kaminsa condo. Tapos po nag siargao narin po kami" kita ko ang malalim na paghinga ng aking mommy

"Mukhang di ko na kayo mapipigilan. Sige you go na. Kiara mag impake kana" tumango naman ako agad at nagsimula ng magimpake.

"Mommy andyan pa ba si gino?"

"Wala na pinauwi ko muna. Sabi ko ay magready sya. Kiara ikaw umayos ka. Ayaw ko pa ng apo. Bente uno ka palang." Sigaw sakin ni mommy. Si ck naman ay walang pasok. Iba talaga kapag ka college na.

"Ck gusto mo bang sumama?" Tanong ko sakanya.

"May pasok ako bukas ate. Mag enjoy nalang kayo ni kuya gino. Pasalubong ah" sabi ni ck sakin tumango naman ako.

Naghanda ako ng gamit na for three days. Backpack lang dala ko. Tapos nagbihis narin.

Magtra-train kami ni gino kaya baka abutin kami ng 4 hours dito sa osaka to tokyo. Gusto man ni gino magdrive pero hindi sya sanay dito sa kalsada ng japan. Sabi ko naman sakanya magtrain nalang kami kasi mas mabilis unlike kapag car almost 7 hours.

My soft hearted bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon