Ng makakaalis na ako at di na nakapagpasalamat ay bigla naman akong tinawag ni ate hasna.
"Kia, kala ko may competition ka? Nagsisimula na ah?" Sabi sakin ni ate hasna pero ano daw yun nagsisimula so ibig sabihin di na ako abot? Hindi ako papayag.
Agad naman akong tumakbo sa registration booth upang ihabol ang aking sarili.
"Oh kiara, late kana ah? Pano ba yan hindi na ako pwede magparegister." Sabi sakin nung babaeng nakatayo sa may registration booth.
"Pwede bang iconsider nyo ako? Wala talagang masakyan eh. Puro mga kakain yung mga motor driver kung di pa ako nakakakita ng isang good samaritan ay di pa ako makakasakay." Medyo pasigaw ko sakanya. Kaya naman nakuha ko ang atensyon ng marami.
Wait siguro karma to sakin? Ugh lord ang malas naman, 6 month ko 'tong hinintay at pinaghandaan tapos nauwi lang sa wala dahil walang magpasakay sakin. Mabanga sana kayong lahat charot
"Anong kaguluhan ito" isang bruskong lalaki ang lumapit sakin at makahulugang tumitig. Teka nga? Si kuyang sungit to ah? Wait lord magpapasalamat ako baka sakaling mabawi ang sumpa.
"Uhm kuyang sungit, thank you sa pagpapasakay sakin. Sorry di na ako nakapagpaalam at nakapagpasalamat kelangang kelangan ko talagang umalis dahil sobrang importante ng competition na ito sakin pero di na pala ako abot kaya naman still thank you" almost paiyak na yun. And inaaman ko naman na sincere ako dun sa pagkakasabi kasi naman sis ang gwapo wait kiara suplado at masungit yan.
"Ahh kaya pala" he just nod and smile at me.
Ano ba yan kala ko makakatulog sya sa pag bawi ng sumpa sakin bakit parang malas parin ako?
Maya maya naman ay bigla akong tinawag ni ateng kausap ko kanina
"Miss kiara, pwede po pala kayong humabol. Pasensya na po kayo" sabi na ate. So lord ang bilis naman ng blessing mo! Talaga wish granted ka agad eh. Love mo talaga ako.
"Sige thank you, pang-ilan nga pala ako?" Syempre curios ako gusto ko kasi yung lucky number ko pero mgayon mukhang malas yung araw ko kaya baka malas na din ang number ko.
"Eleven po miss kiara" she— eleven? Yes HAHAHA kapag nga naman sineswerte oh. Lord thank you ah.
Favorite ko ang number eleven at swerte sya sa akin. At siguro naman swerte na ako ngayon.
Habang sumasalang na ang iba sa pagsusurf ay andito ako sa sea shore at hinihintay na dumating si daddy. Sya pa kasi ang namamahala ng restaurant ko habang di pa sya nakakauwi sa japan.
Palapit na ng palapit na ang pila ng dumating si daddy. Finally my lucky charm.
"Kiara, how are you? Balita ko muntik kanang hindi umabot sa pagjoin sa competition na ito? Kamusta din yung pakikipagusap mo sa anak ng investor na magiging business partner natin sa pagtayo ng panibagong branch ng restaurant natin sa isang hotel" sabi ni dad ay oo nga pala. Hanep na yan nakailang order na ako sa Starbucks wala parin yung mokong na yun. Naghintay ako ng dalawang oras at dala ko pa yung surf board ko tapos di sya sisipot. Kasalanan nya lahat ng ito. Pag talaga nakita ko yun. May sapak sya sakin.
"Here comes the singing surfer ng La Union, Kiara Takahashi. So she's been in the industry since 7 ngunit
Tumigil sya ng ilang taon dahil kinailangan nyang bumalik sa japan kasama ang kanyang mommy. Ngunit ngayon wala ng makakapigil sa ating singing surfer so this is kiara takahashi and she'll encounter the big waves" bongga ng announcer na yun ha, palibhasa kakilala ko kaya naman kwinento na yung buhay ko.I smiled at the people na nagchecheer sakin. Pampalakas ng loob.
As i go in the waves nararamdaman ko ang malamig na tubig ng dagat at binusog ko ang aking mga mata sa mga nakitang view sa harap ko.
Naghintay ako ng isang malakas at mataas na wave at saka tumayo para ibalanse ang aking katawan at pagkatapos niyon ay nagpakita na akong ng mga tricks at ang mga tao ay nagsisigawan dahil namangha sila sa galing.
Kiara Takahashi never kumukupas! Bullseye!
Pagkatapos ng malakas na sigawan at palapakpakan ay bumaba na ako sa aking surf board.
Sinalubong naman ako ng aking daddy na na may hawak ng bath robe.
"Kiara you never fail to amaze me. Mas magaling kana sakin ngayon! HAHAHA feel ko ikaw mananalo" nako si dad paasa dahil di pa ako kuntento sa sinabi ng tatay ko ay nagbilad na muna ako sa araw.
Hindi ko namalayan ang oras at ngayon ay nagaannounce ng winner.
"Thank you for joining this event, and i see naman na naging maganda ang laban ng bawat surfer ngunit sa desisyon ng board of judges ay naging patas ang paghatol namin sa mga nanalo at natutuwa naman ako na maraming sumali sa event na to, i hope to see you all next year again surfers" wait si kuyang pogi to ah? Aba biruin mo yun nakakapagsalita pala yun ng ganon kahaba at ganda pa ng accent mukhang mayaman talaga.
"So for this year's winner I call the attention of mister Gino Roque IV to give the certificate and medal of recognition." Wow ganda ng name ah, halatang mayaman.
"The second runner up for the girls division is none other than Miss Franki Russell Congratulations Miss"
Inawardan na si franki ni Gino. Gwapo parin kahit seryoso.
"For our first runner up for the girls division is none other than Miss Diana Mackey, Congratulations Miss"
Shocks bat hindi pa ako? Talo na ba ako! Ano ba kasi yan, dami kong nakain kanina! Kasalanan to nung lalaking dapat kameeting ko na! Im pissed hays.
"And for the Champion for this year's girls division is our back to back champion Miss Kiara Takashi" O My Ghad ako ba yon? Oo ako yun ay grabe! BACK TO BACK CHAMP IS ON
Umakyat na ako sa stage at sinalubong ako ng ngiti nitong gwapong to! Wow sakin lang to ngumiti to ah! HAHAHAA CHAROT feelingera ako HAHAHA pero ayun na nga at naghug kami at ang bango nya! My biggest turn on!
"Congratulations kiara" wait he knows my name, oh well halos naman ata lahat ng nandito napahanga ko. And wait it's my first time na nakitang ngumiti yan. And im proud kasi hindi na sya nakakunot at noo na tila ba mangangaim ng tao.
Well im kiara the champion! Palagay na kaya ako ng tarpaulin HAHAHA joke yung pera na napalunan ko ay ibibili ko ng sasakyan. May bahay kami, may business, may family car and i need a car as well masyado na akong nahihirapan sa pagmomotor eh ang bigat ng surf board ko.
Teka lang Lord thank you ha? Biggest owe ko sayo to! Love u lord mahal mo talaga ako! Hehe.
—DONE—
So ayun sa mga may puso i hope you message me and send yung cover na ginawa nyo. I badly need a book cover. Love u all ❤️
goodmorning! Enjoy your sunday send my love ❤️

BINABASA MO ANG
My soft hearted boss
FanficThis is a kiano fanfic story ❤️ Business man of steel ng quezon city {gino Roque IV} meets Singing Surfer ng la union {kiara takahashi} Support them on pbb otso!!!! TAKE NOTE: ITONG STORYANG ITO AY HINDI KO TALAGA IBINASE SA MGA NANGYAYARI SA LOOB N...