Thank you

697 23 0
                                    

Naging maayos naman ang ikadalawang linggo ko dito sa kompanya ni gino at na-enjoy ko naman ang pagiging secretary nya. Wala pa akong palya sa nakalipas na dalawang linggo at si gino ay hindi naman mahigpit sakin.

Nung isang araw nga sinurprise nya ako ng sasakyan. Hindi ko pa naman sinabi na bilhan nya ako ng sasakyan. Ayos lang naman ako na kasabay sya. At ngayon hindi pa ako nagpapaturo sa kanya. Nawalan ako bigla ng interes na bumili ng sasakyan. Kasi enjoy naman na kasama tuwing kasama ko sya. Marami din ako nalaman about gino. He loves cooking pero tamad sya so huwag nalang daw HAHAHAHA tapos trip nya ang roadtrips. May minsan ngang nabored sya sa bahay tapos umabot sya sa baguio dahil sa boredom nya. He's the kind of person na masarap kasama sa mga outdoor activities. And im so adventurous guys.

Ngayon ay nandito parin ako sa office habang hinihintay ko sya sa kanyang business meeting. This past few weeks kasi parang iba ang pakiramdam ko. I'm not okay! Nagvovomit din ako minsan. Nakakairita.

Nilasing kasi ako ng alak ni gino halo dalawang inom ko palang tumba na ako. At pagkagising  ko naman grabe yung hangover ko.

Medyo nagtaka nga ako kung bakit grabe yung hangover ko at umabot ng tatlong araw. Syempre praning ako. Nagpregnancy test ako! Negative naman.

So dahil nalaman ni gino na nagtest dinala nya ako sa hospital para mapacheck up ako. At ang result ko.

Super hard drink yung nainom ko and hindi sya kinaya ng katawan ko kaya nagvovomit ako palagi. Nagkaroon naman ako ng relief kasi akala ko pinagsamantalahan nya ako. Syempre hindi nya parin nakukuha ang tiwala ko. Harmful parin sya sa paningin ko kaya naman hindi ko sya ganoong mapagkatiwalaan. Hindi nyo ako masisisi dahil may trust issues ako sa mga tao.

Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayang andito na pala si gino.

"Kiara, anong ginagawa mo? Gusto mo ng pagkain. I'm on the mood na magluto" sabi nya. Aba nasa mood ang mokong na ito.

"Nako gino huwag na mapapagod ka lang. kumain naman ako habang nasa meeting ka. Kamusta ang meeting? Approve ba?" Alam ko namang successful yun eh. Galing nya kumuha ng investors. Hanga na ako sakanya ka agad.

"Ayos naman yung meeting namin, successful kaya nga gusto ko ipagluto kita. Ayaw mo ba?" Gino and his moves again. Ayoko namang maging marupok pero minsan lang tong opportunity ko. Mukhang masarap magluto si gino may business sila diba so sige i'll give him a chance.

"Sige gino, gusto ko ng kaldereta. Kaya mo ba yung lutuin? Sorry ha medyo demanding ako." Syempre kiara kapag ikaw inaalok ganyan lang. speed lang HAHAHAH charot.

Tumango naman si gino na parang walang pagkabahala sa mukha. Ano confident lang? HAHAHAHAA Sige nga gino pamanghain mo ako.

Habang nagluluto duon sa kusina m gino ay nagonline naman ako sa instagram para magcheck ng mga stories.

At may nakita akong message. Kanino kaya to?

Argel_Pogi: kiara san ang company nyo? Puntahan kita kapag may time ako.

KiaraTakahashi: hello gel nandito ako sa GRBC sa may BGC madali mo ng mahahanap yun kasi ito ang pinakamalaking company sa BGC

Argel_Pogi: kay gino ka? what the? Bat di mo agad sinabi sakin? Kiara umuwi kana mapapahak ka lang dyan.

Ano raw? Mapapahamak? Eh mukha namang okay si gino. Bakit kaya mapapahamak? Hindi kaya drug lord tong si gino? Kaya bigla bigla nalang nagpapalit ng mood? May ari ng sindikato? Haluh? I don't feel safe anymore.

"Kiara? Ano nanamang iniimagine mo? Ako drug lord? Hindi ako drug lord okay? Minsan kapag bubulong ka sa sarili mo nalang huwag yung naririnig ko. Tsaka sino ba yang kachat mo? Sabi ko naman sayo na dapat ako lang. ako lang kiara. Mas gwapo pa ako dun hanep humahanap ka pa ng iba." Si gino being madrama again. Kala ata ni gino nagbibiro ako. At akala nya nakakatuwa yung biro pero to be honest ang paasa nya sa mga punch lines nya. Kairita.

"Kiara, i told you staring is rude. Aminin mo na kasi na gwapo ako. Hindi masamang magsinungaling okay. Tsaka aaminin ko naman maganda ka." Luh si gino ang harot! Kahit kelan talaga paasa sya. Inaamin ko naman maganda talaga ako at di nya na kelangan ulitin pa pero sis sya pogi lul lang.

*ting*

Argel_Pogi Message you on instagram

Argel_Pogi: kiara mas maganda kung umalis kana lang dyan kay gino. Manggagamit yan. Ginagamit ka lang nyan sa business nya. Sasaktan ka lang nyan at iiwan. Paglalaruan ka na parang bola tapos ipapasa lang sa iba. Kilala ko yang si gino. Matapos nyan gamitin itatapon ka nalang nyan na para kang basura.

OA naman ni argel pero kasi di ko pa kilala ng todo si gino kaya ayokong ijudge. Wala naman ako o kahit sinong manapak ng tao lalo na kung di naman kilala kasi hindi natin alam ang hugot ng bawat isa.

KiaraTakahashi: argel, mabait naman si gino at mukha namang harmless sya. Hayaan mo muna akong kilalanin sya para masagot ko kung totoo yun. By the way pwede kang bumisita dito sa office ko medyo boring kasi dahil tahimik lang si gino dito sa opisina.

Argel_Pogi: ano? Iisang office kayo? Tingnan mo tinake advantage ka! Pumayag ka na ganon kiara? Kiara umalis ka na dyan o pupuntahan kita dyan at ako mismo ang magpapaalis sayo dyan.

Hay nako. Anong bang trip ni argel. Nakakairita naman. Kailangan ko munang magstay dito kay gino kasi yun ang gusto ng tatay ko. I need to prove myself and I need to be ready kapag ipinasa na talaga ni dad sakin ni dad ang restaurant.

KiaraTakahashi: argel, sorry dahil di muna ako makikinig sayo :) kasi it's for my future din. Gusto rin ni dad na ihandle ako ni gino tsaka i think he's effect sa pagtuturo naman sakin sa business kaya sorry again argel. I won't listen to you ngayon. Pero you can visit naman me dito sa office.

Argel_Pogi: kiara hindi naman kita pwedeng pigilan lalo na at kagustuhan yan ng daddy mo. Pero incase lang na kelangan mo ako andito lang ako. I'll visit you after two weeks. Pinapaasikaso na kasi sakin ni dad yung business nya dyan sa manila. Sige na kiara may gagawin pa ako. Sabihin mo dyan sa ginoo na yan ay ipapakulong ko sya kung may mangyaring masama sayo.

Eto yung gusto ko kay argel, masyadong protective kaso minsan may pagkaOA na kasi paano naman yung side ko. Paano kung ayaw kong protectahan ako? Hindi ako makakawala sakanya. Masyado syang nanali sa leeg.

KiaraTakahashi: ok noted bish, basta ingat ka lagi dyan and update me about franki. Hindi ko pa sya nakakausap. Gusto ko rin malaman yung side nya kasi nga ayaw ko syang husgaham sa nakita or nadinig ko lang gusto ko sa bibig nya na mismo yung manggagaling yung totoo. Sige argel salamat sa supporta bawi nalang ako kapag nandito ka! Swimming tayo sa condo mo?

Argel_Pogi: sige kia, busy ako. Next time tayo magswimming aayain ko rin si franki kahit awkward. Okay na siguro sila ni wealand. Sige bye muna kia!

Wait, si wealand? Diba barkada yun ni gino? Ano kayang koneksyon ni argel at gino? What ang gulo.

"Kiara, what are you thinking? Kanina pa kita tinatawag. Sino ba kasi yang kachat mo? Oh luto na tong kaldereta saluhan mo na ako" sabi sakin ni gino. Iniisip ko parin yung napagusapan namin ni argel. Basta bahala na ieenjoy ko tong niluto ni gino.

"Wow gino, ang sarap ng luto mo. Thank you nga pala this past few at marami na akong natutunan sayo. And thank you sa saksakyan ko hindi naman ako humingi sayo pero ibinigay mo. Pero sana huwag mong isipin na pineperahan kita. Pero thank you for letting me stay" anong stay yun kiara? HAHAHA baka naman maging feeling nanaman tong si gino. Pero alam mo super thankful ako sakanya dahil super dami ko talagang natutunan sakanya.

"Yuck kiara, never kapang naging ganyan kasweet HAHAHAH pero yeah thank you din, ayoko sabihin kung bakit pero thank you." Yun lang ang sinabi sakin ni gino at pagkatapos naming kumain ay naghugas na sya ng nga plato at back to work nanaman ako. Bawal relax relax dapat pag pinakain magwork after para di lugi.

Naiisip ko nanaman yung sinabi sakin ni argel feel ko tuloy may tinatago si gino sakin. Pero ano namang pake ni gino sa lovelife ni wealand? Lol bahala kana nga dyan argel. Basta ako thankful kay gino.

                        —DONE—

Thank you sa pagsuporta guys! Mahal na mahal ko kayong lahat!!!! Sana maging kiano fan din kayo and support them lagi! They deserve to be part of the Big 4 so yun luv u all!!!

Sa mga may puso at super support kay kiara and gino ay please do make a cover of my book. You can message me dito sa wattpad or you can comment para maimessage ko kayo. Thank you! Saranghae and Good afternoon <3

My soft hearted bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon