Question

640 15 0
                                    

"Mas maganda ka" tiningnan ko sya at nung makitang seryoso ay sya ay nginitian ko sya at bumalik sa pagtitig sa papalubog na araw.

Sobrang daming plot twist ngayon araw. Pero ayon buti nalang nagkaayos na kami ni gino. Ang hirap nga eh dahil parang ang rupok ko at nagpadala sa sorry nya. Pero ngayon dalawa kaming masaya.

Tinuruan ko din sya magsurfing. Madali naman syang natuto pero natawa ako nung part na tumayo sya kung kelan wala ng alon HAHAHAHA pero syempre kunwari galit ako kaya naman nakita ko syang nagseryoso. At ng makita ko ang improvements nya ay ngumiti na ako sakanya.

Basta ngayong araw ay nagenjoy ako. Told you all mahilig to sa adventures kaya naman okay na okay ako ngayon.

"Kiara, next time siargao tayo, diba di ka pa nakakapunta dun?" Aya sa akin ni gino.

"Sige Gino, parang ang ganda dun eh" umoo ako kasi i want to try siargao to. Nahihiya naman ako kay gino tumanggi.

"Kiara let's go home na, it's already six na tapos kakain lang ako then uuwi rin ako sa manila tonight para di ka maistorbo sa pag rerelax mo. Maybe you're right you need to rest as well. Ako nalang tatapos ng duty mo sa manila." He said well ayos nanaman ako for today, quotang quota na ako.

"Gino, bukas nalang tayo umuwi. Quota na ako sa pag rerelax dito. Nakakapagod mag drive kaya sabay nalang tayo bukas. Wala namang tao sa guest room namin. Ikaw nalang gumamit non para sabay na tayo bukas." Suggest ko naman sakanya.

Tumango lang sya at ngumiti. Maya maya ay tumayo at ini-abot ang kanyang kamay sinyales na dapat na akong tumayo.

Naglakad kami sa may parking ng dalampasigan at binuhay nya ang kanyang sasakyan. Yaman talaga nun iba iba ang sasakyan eh. Nung una kaming nagkita ranger tapos ngayon montero? Hanep talaga ito super yaman.

"Kiara ano nanaman ang iniisip mo? Baka mahulog ka na sakin ah. Ingat ka at baka di kita masalo. Joke HAHAHAHA ready naman akong saluhin ka anytime anywhere." Banat nya sa akin.

"Gino pwede ba? Anong mahulog ka dyan? Ayokong magkagusto sa kahit sino for now. Let my heart rest." Sabi ko sakanya.

"Bakit naman rest? May nakauna na ba sa puso mo?" He asked. Meron gino. Pero hindi ko pa sya kilala. Let me tell you kung sino sya kapag nahanap ko na yung guy na yun.

There was a guy nung college na lagi akong nililigtas. Kapag sumasabit ako dahil ng mga tropa ko that guy is my life saver. Tapos kapag naman may mangyayari sakin na hindi maganda ay lagi syang nakaalalay sakin. To the point na tinagusan ako sa school then biglang may nagiwan sa locker ko ng pants, panty and pads. Super sweet nung guy na yun. He's my soulmate eh. He has an instinct kung may mangyayari sakin na problema. Plus may nickname sa sakin, Cute nga ih kasi everytime na isasave nya ako then bibigyan ng letter he calls me rara.

"Yes may guy na nakakuha na ng puso ko nung college pero hindi ko pa sya kilala eh. Pero if we ever cross our paths again i'll make a move." Sinabi ko sakanya. Totoo yun. Sayang kasi hindi ko na nakita yung guy na yun kasi pumunta na ako ng japan.

So ayun natahimik nalang kaming dalawa and nung makarating na kami sa bahay ay nakahanda na ang hapunan.

Out dinner went smoothly and bago kaming dalawa natulog nagusap muna kami sa veranda.

"Kiara can i ask you something" sabi sakin ni gino so I nodded.

"Kiara, what if hindi pala kayo para sa isa't isa nung soulmate mo? Will you open your heart for the person na gusto kang ipursue?" Gino ask me in his serious face. Tbh habang nakikilala ko gino ay i like him as well pero hindi katulad nung sa soulmate ko. Gino is really nice to me kaya I appreciate it.

"What ever happens gino if it happens it will. And my fate will bring me to the right path. To the right man. If ever na hindi ko makilala si soulmate I would open my heart for the person who deserves me." Yan ang sabi ko sakanya. Totoo yun kapag di ko sya nakilala yung soulmate ko edi hindi.

"What if naman nakilala mo sya tapos iba pala ang ugali na hindi katulad nung college kayo? Will you still pursue him." He asked again medyo naiilang na ako sa mga tanong nya kasi seryoso sya about dun so sinagot ko din sya with all my heart.

"Edi kapag hindi pala kami compatible edi bubuksan ko yung puso ko sa deserving kasi i want to give my self a guy na deserve ako at deserve ko rin sya. Yung guy na dadalhin ako sa altar at itretreasure yun forever. Yung guy na hindi ko lang ipapakilala sa buong family ko kundi kay Lord din yun." Sabi ko sakanya. He looks happy when he heard it.

"I'll make my self na deserving para sayo." He said and again i freeze kasi naman gino why? Humihirit ka talaga ah.

"Don't wait for me, I'm still waiting for my soulmate and ayoko mainip ka"

"No kiara, i'll wait kahit tumanda pa tayo." Gino tigilan mo nga yan. Hindi ka pa nga nagcoconfess na gusto mo ako then you want me to believe you na you like ne and you're ready to wait no matter what.

After that awkward question and answer medyo nawala yung kaba ko nung nag goodnight sakin si gino.

"Kiara, Goodnight." Sabi nya sakin peacefully.

"Yeah gino Goodnight"

Ng makadating na ako sa kwarto ko hindi ako makatulog. Ang hirap i-sink in sa utak ko yung mga sinabi sakin ni gino di ko kinakaya eh.

Ng tuluyan na akong makatulog ay hindi ko napansing umaga na agad. Naligo na ako at nagbihis wala naman akong dalang anything ngayon kasi nga nasa condo ni gino lahat ng gamit ko. Napagtanto kong hindi pa umaalis si gino sa guest room.

Nakita ko naman syang may kausap sya sa telepono kaya tinanong ko.

"Gino sinong kausap mo dyan" medyo nafeel ko nagulat sya. Bakit kaya?

"Uh kiara, eh kausap ko si wealand. Kanina ka pa ba dyan?" Tanong nya sakin.

"Hindi naman, bakit sino ba yan? Gino mukhang ready ka nanaman kaya tara na sa baba para mag umagahan then diretso na tayong manila." Sabi ko sakanya.

"Sige kiara" at ayon tumayo na sya at sumabay sakin pagbaba. Well ang ganda ng vibes ko ngayon.

Guys may secret ako sainyo. Makikipagkita si argel sakin si argel next week sa office ko. Yehey!!! Ipapakilala ko sya kay gino kasi they are both business man.

"Oh what are you thinking again? Baka naman ako ang laman ng isip mo." Corny ni gino dun.

"Lol can u stop. Ang corny mo na gino." He just laughed at me. Anong nakakatawa dun?

Nag umagahan na ako at ng matapos na kaming at nagpaalam na kami kay daddy.

"Dad sige una na kami. Ingat ka dito ah, update me kung ankng status ng restaurant"

"Sige kiara, gino ingat kayo sa pagdridrive ha. At kiara ingat sa pagmamaneho dahil maulan ngayon."

"Tito una na po kami, punta nalang po kayong manila para makabisita samin" my dad just nodded and smile. Hari talaga ito ng pangiti ngiti at patango tango alam nyo ba yung laruan sa sasakyan? HAHAHAHAH jokeang dad.

Fast forward nalang katamad magkwento, okay naman ang byahe namin ni gino at mas nasanay na ako sa long driving. Tapos sabi sakin ni gino na no work muna daw kami ngayong Saturday at Sunday. Movie Marathon nalang muna.

                          —DONE—

Thank u sa support tumaas na yung ranking natin! 💛✊🏻 i love u my kiano fam 💛✊🏻 Good afternoon and looking for my another update today hmmm. Thank you sa mga nagmemessage sakin mahal na mahal ko rin kayo 😋💛

sino kaya si soulmate hmmmm? 🤔

My soft hearted bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon