Guys pwede maglabas ng sama ng loob? Unang araw palang ng panliligaw ng dalawang kumag ay wala na agad ginawa kundi ang mag bangayan sa harap ko.
Kaninang umaga papasok na sana ako ng office ng biglang nakita ko si argel naghihintay sa labas ng condo namin. Sinabi nya kay gino na sya na ang maghahatid tapos si gino hindi naman magpapatalo. Nag away sila ng nag away. Lumipas na ang 30 minutes at naramdaman ko na ang gutom ko kaya umalis na ako sa harap ng dalawang mag kaaway. Hindi nila napansin ang pagalis ko. Ngunit ng sumarado na ang elevator ay napansin na nila.
Bahala kayo dyan, hinding hindi ko kayo uunahin dahil nagwawala na ang tiyan ko sa gutom.
Buti nalang dala ko ang susi ng aking sasakyan at agad na pinaandar ito. Ayokong maabutan ako ng dalawang lalaking yon. Masyado na nila akong strinestress ngayon umaga.
Dumeretso ako sa isang fast food chain. Medyo mahaba ang pila pero okay lang. at least malalamanan ko na ang tiyan ko diba. Pake ko sa away nyo eh mas mahalaga yung tiyan ko.
Nang ako na ang mag ooder ay nagsalita na yung babae.
"Hello good morning! Is this Ms. kiara takahashi?" Tanong sa akin nung babaeng crew sa nasabi kong fast food chain.
"Uhm... yes why? How did you know?"
"Someone ordered something and he gave me your name. Don't worry ma'am it's already paid" luh bat ako? Tsk sino ba naman ang may pakana nito.
"O-okay" nauutal kong sabi sa hiya.
Pinapunta na nya ako sa window one para ibigay yong resibo sakin. Laking gulat ko ng nakita kong bayad na talaga iyon.
"Kanino galing yong pagkain?" Kumunoot ang noo ko sa inis.
"He told us po not to tell his name. Pero swerte nyo po sa suitor nyo." What how did—
"I know what you're thinking ma'am he told us na he's courting you" humagikhik sa kilig yung isang crew na para bang may nakakakilig. Uminit naman ang pisngi sa aking pagkakahiya.
He's spreading it everywhere. Well yeah mukha man syang hindi tsimoso pero may sa sirang plaka din yang bibig nun, tsk
"Okay thank you" pinakitahan ko nalang sya ng isang magandang ngiti.
Now i know kung kanino ito. Lagot ka sakin pag nakita kita.
Nagpark ako sa basement ng building nina gino daladala ang mcdonalds na ito. Hindi ko parin alam kung anon laman nito pero. Naiinis parin ako.
Pagbukas ko ng pintuan ng kanyang opisina ay makita ko syang busy sa pag gamit ng laptop nya.
"Good morning sir gino" ibinaling nya ang kanyang atensyon sa akin. Alam mo ikaw na loko ka alam kong ikaw ang bumili ng pagkaing ito sa akin kaya pwede huwag mo akong tingnan ng ganyan.
Sabi ng aking super stressed na utak. Sinong hindi mastrestress diba?
"Pwede ba? Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan na parang wala kang alam sa nangyari sa mcdo. Ano nanaman bang trip to gino? Alam kong ikaw ang nag bigay neto sakin. Thank u ah?"
Sarkastikong pagkakasabi ko sakanya.Siya naman ay nagkibit balikat lamang
"Huwag mo nga akong pagbintangan pwede? Tsaka wala akong alam noh" gusto nya ng tumawa dahil nakikita nya ang pikon kong mukha.
Alam nyo hindi ko talaga alam kung bakit ako napipikon. Siguro ay dala narin na mayroon ako at umaasa na kay argel nalang ako magkagusto.
Ito kasi yung pinag iisipan ko buong maghapon kahapon. Naguguluhan akong sya pala yung soulmate ko. Naiisip ko na kung sinabi nya na sya yun edi sana matagal ng kami. Pero parang ngayong naiisip ko palang yon parang may pumipigil sa aking utak na isipin yun.
Si gino kasi eh, ang korni bigyan ba naman ako ng love letter. Yun din kasi ang mga gusto ko. Lalo na kung handwritten pa yung love letter. It's sweet right? Pero naiinis ako kasi kinikilig ako. Yung mga paganto nyang moves.
"Sige tawagan ko nalang si argel at baka nga sya ang nag bigay sakin" tumango naman sya at hindi ako pinigilan.
Tsk kiara, you were expecting again na si gino ang nagbigay. Bigo talaga ako ng marinig kong si argel talaga ang nagbigay sakin nito.
Wala bang bahid na kasweetan tong si gino. Except dun sa love letter nya! Simula nung kahapon he wasn't that sweet. I feel it so awkward talaga.
Busangot akong kumakain ng pancakes.
"Luh bat byernes santo yang mukha mo. Feel ko talaga masama talaga ang taste nyang si argel at yan ang ibinigay nya" lol syempre yan ang ibibigay nya eh kasi nakapila naman ako sa mcdo. Alangan namang bigyan nya ako ng jollibee eh nasa mcdo nga ako. Hello bobo ba you?
"Dapat ganito" and then he moved the curtains. Grabe ang ganda ng view. Kaya pala nagtataka ako kanina na nalipat ang kanyang lamesa ng pwesto.
Well mas sweet nga ito. Sorry argel pero ayokong paasahin ka. Hindi pa nga lang ako ready na ireveal na ang gusto ko ay si gino.
Sumasakit ang ulo ko kasi hindi ko alam kung yung pipiliin ko ay yung soulmate ko ng matagal kong hinahanap o yung taong nambully sakin at sinaktan ako.
Minsan talaga ang buhay nakakasakit. Kung sino pa yung taong alam mong deserving sayo ay sya pa yung tao hindi napipili at yung taong naghayop sayo ay sya pa ang nanakit sayo. Diba ang unfair.
Bakit ba naman kasi nafall na ako kay gino. Alam nyo noon palang trip sa siargao. I felt something for gino. It's just may hindi pa nakakasagot sa tanong ko kung sino si soulmate. Pero nung nalaman ko bakit ganito? Ang akala kong makakabuo sa pag katao ko ay syang sumisira sa utak ko ngayon.
Hirap kapag masyadong mahaba ang hair diba? HAHAHAA ganda ka?
Ngayong lunch ay wala akong ginawa kundi magtype ng mga reports na naiwan ko. Ng may hindi kanais nais na dumating sa akin.
"Ma'am kiara, eto po yung pinapadala sa inyo ng dalawa nyong manliligaw" tiningnan ko naman si gino at ngumisi. Nahiya ako sa sekretaryang nasa labas.
Tsh ayokong tanggapin yung kay gino at argel. Kaya naman tinawagan ko si argel para mag pasalamat.
Kita ko kung gaano kumunot ang noo ni gino pagkababa ng tawag ko.
"Bakit kapag kay argel nagthank you ka? Bakit sakin hindi?" Sumibangot sya sa akin.
"Okay edi thank you! Ano ayos na?" Tumayo ako at dinala ang dalawang pagkain. Hindi ko isinara ang pinto para makita ni gino kung paano ko ibibigay iyon sa guard at sekretarya.
Hehe bahala kayo."Ate,kuya gusto nyo po ba ito?"
"Nako maam pasensya na pero masama ang tingin ni sir gino samin" dun ko na pagdesisyonan na isara ang pintuan.
"Kunin nyo na ito kesa itatapon ko to sa basurahan." Kinuha naman nila ngunit may hiya parin sa mga mukha nila.
Ng pumasok ako sa loob ay masama parin ang tingin sakin ni gino.
"Oh bakit ka ganyan makatitig? Maganda na ba ako masyado" tumatawa ako kasi ang awkward eh.
"Bakit mo binigay yung pagkain? Hay nako kiara namamayat kana sa ginagawa mo." Nagkibit balikat ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Ngayon ay pauwi na ako at nandito nanaman ang dalawa at nagbabangayan kung sino ang maghahatid sakin. Tsk etong dalawang to nakakairita. Nagsusuntukan na nga sila ngayon. Bahala kayong magalusan yang panget nyong mga mukha. Hindi naman kawalan.
Makaalis na nga lang at ng wala ng gulo itong dalawang ito. Nakakairita na eh. Tsk.
—DONE—
Hello kiano fam!! Grabe kayo magmahal huhu 💛😭 hindi nyo ako binibigo talaga!! Thank you at i love you mga peeeps!! Good Morning and aral ng mabuti sa iba dyang mga students!!! Love you all 💛
If you are an active reader and you want consistent updates. Vote, Comment and Follow me!!
My social media account on insta and twitter are @atengbayanjams you can follow me. HAHAHA
BINABASA MO ANG
My soft hearted boss
FanfictionThis is a kiano fanfic story ❤️ Business man of steel ng quezon city {gino Roque IV} meets Singing Surfer ng la union {kiara takahashi} Support them on pbb otso!!!! TAKE NOTE: ITONG STORYANG ITO AY HINDI KO TALAGA IBINASE SA MGA NANGYAYARI SA LOOB N...