Siargao

631 20 0
                                    

Naging awkward yung huling sinabi ni gino pero medyo na lighten yung mood ko ng magaya si gino na mag siargao.

"Guys tara mag siargao, tuturuan tayo ni kiara magsurf. Galing nya magsurf guys at madali kayong matututo" sugget ng boss gino. Okay naman makakapagexplore ako at matuturuan ko pa sila.

"Yeah, gusto ko rin kayo makilala and maging new set of friends ko" sabi ko sa kanila. I'm the type of person na gusto makipag interact lalo na ngayon kasi hindi ko ito nagawa nung college ako.

"Sige kiara gusto namin yan, kelan ba gino? Kaw na bahala sa ticket at place natin ha. Ikaw nagyaya" sabi samin ni wealand.

"Next week, kaya magfile na kayo ng leave nyo." Lahat naman sila ay natuwa sa mga sinabi ng boss gino nyo.

"Gino pati allowance namin ah. Aba ikaw ang nagyaya tapos kami magbabayad. Syempre ikaw na bahala samin HAHAHA alangan namang si kiara lang libre mo" sabi ni diana tapos pinakyuhan sya ni gino HAHAHAH iba talaga itong si diana. Hindi nakakahirit si gino eh.

"Fine, basta magleave kayo i'll book the tickets now. Kaya dapat ready na kayo. Yung passports nyo make sure na hindi expired ok?" Lahat sila ay natuwa sa anunsyo ni gino. Iba talaga kapag ka mayaman. Hindi problema ang pera. Parang pinamimigay lang ni gino pera nya.

"Sige ok na, si boss gino na bahala sa siargao natin. Ilang araw ba?" Tanong ni wealand

"5 days lang, sunday ng gabi ang flight natin so mga 1 or 2 ng umaga andon na tayo tapos swimming. Tapos alis tayo ng friday ng 10 pm tayo uuwi" pageexplain ni boss gino.

Mukhang okay na naman at planado. So tuloy yehey <3 ayain ko kaya si argel at franki. Oo magandang idea yun. Kahit hindi na sila ilibre ni argel ay okay lang dahil mayaman naman din si argel tsaka franki? She can afford that as well.

Natapos nanaman yung meeting nila at ngayon kami ni gino ay umalis na

"Una na kami ni kiara" sabi ni gino. Well ayos na yon nahihiya din akong makipagusap sa kanila. Pero mababait sila ah, hindi akala ng tulad ko. Akala ko kasi yung mga barkada ni gino ay, matapobre, mayabang, pacool, maarte pero mali pala ako hehe cool pala talaga silang lahat lalo na si diana! I stan her so much.

Lahat naman sila ay nagwave sakin so nagwave back nalang ako.

Ngayong nakauwi na kami ni gino sa bahay ay sinabi ko sa kanya na kelangan ko ng magshopping para sa mga dadalhin ko.

"Gino can you go with me? Sa may SM AURA lang" soooooo eto yung desisyon nya kung sasamahan nya ako o hindi.

"Ngayon na?" Uhm huwag muna siguro ngayon

"Nope maybe sa Wednesday nalang" mukhang okay naman sa kanya. Walang ekspresyon yung mukha nya pero halatang sasamahan ako. Rupok ng boss nyo.

Natapos yung araw namin ng mapayapa.

Dumaan ang mga araw ng si gino ay nag prepare na ng mga tickets and hotel. Nag bigay ako ng idea kay gino na isang house nalang pero ayaw nya. He wants hotel daw so what he wants what he gets. Ganon lang naman yun lalo na kapag ka inclined ka with business world. Kung anong gusto mo makukuha mo, and if you are a smart business man you can manipulate your game. If you want to be your investors to fail themselves he can easily manipulate it.

Pero ang itinuro sakin ni gino na nairita talaga ako. "No mercy, knock them dead" so ayon pinag sabihan ko sya na you can do business naman without killing tapos tumawa sya. Ang ibig sabihin raw nun ay kapag may kalaban ka knock their business down until they can't operate it.

Medyo late na ngayon and i remember na bukas pala kami mamimili ni gino and Hawak ko ngayon ang cellphone ko at nag message sa group chat naming tatlo.

My soft hearted bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon