Pwede ba?

834 26 0
                                    

Pagkatapos ng nakakapagod na araw ay natulog na ako.

"Maam kiara, may lakad pa raw ho kayo ni sir gino sabi ng daddy nyo"

Nakakapagod naman! Ang aga ha!!! Ako lang ba yung naiinis kapag ginigising hindi ko pa trip!

"Sige yaya, baba na ako" tamad na tamad kong tugon! Sinong di tatamadin kapag ginising ka ng alasais ng umaga! Gurl ganon ba talaga kaatat na pagsamahin kami ni gino sa iisang bubong. Well gwapo nga naman at mayaman pa, sinong aayaw?

Nagmadali na akong naligo tsaka nagbihis at ipapababa ko na yung inimpake kong gamit.

Iniisip ko parin yung paalala sakin ni dad! Ipapakasal nya ba ako kay gino? Lol hindi ako mahuhulog sakanya kasi ngayon palang hulog na hulog na ako! Ang harot ko! Pero syempre hindi ko pwedeng ipakita sakanya ang nararamdaman ko. Pigil pigil din pag may time kiara.

Sa kakaisip ko hindi ko namalayan na nakarating na pala ako dito sa baba. Ang weird noh, simula nung dumating si gino kahapon naging palaisip na ako. At sya yung laman! Ano ba yan?

"Kiara good morning" bati sakin ni dad at dahil syempre mabait ako bumati rin ako kay dad at nagkiss sakanya.

Tahimik kaming naguumagahan kasama si gino ngunit nabasag ang aming katahimikan ng nagsalita si dad.

"Gino bago kayo pumuntang manila idaan mo muna si kiara sa honda para makabili na sya ng sasakyan nya." Sabi ni dad kay gino.

"Marunong kana ba magdrive kiara?" Makahulugang tanong sakin ni gino.

"Hindi pa pero madali naman yun mapagaralan." Syempre ako heto i still defense my self

"Kiara pwede bang sa manila kanalang bumili ng sasakyan, I'll teach you first. Mahirap na magdrive ng ngayon lang makakaexperience magdrive. Sa weekend siguro pwede na kitang turuan." Concern na sabi nya sakin. Pero lol sa weekend pa? Anong gagamitin ko buong week? Ihahatid nya ako?

"Anong gagamitin ko buong week?" I ask kasi gusto ko mafeed Yung curiosity ko.

"I told you, I'm rich. I have extra drivers." Ang yabang talaga! Kahit kelan hindi ko matakastakasan.

"Well i guess na mabubuhay naman ako sa poder mo. Give me allowance, ginusto mo akong patirahin under your roof so i'll give you what you're looking for" pagbabanta ko sakanya ngunit mukhang di nasiyahan si dad sa mga nangyari.

"Kiara, hindi kita pinalaking bastos. Ako ang nakiusap kay gino na patirahin ka kasi wala pa yung condo mo. And get your atm and I'll give you your allowance." My dad is serious so talaga scary sya pag ganon. Well bilang mabuting anak. Sumunod naman ako.

"Sorry gino if I acted that way, I'm just pissed kasi naman ang aga kong nagising." I wasn't that sincere pero siguro alam nya na I mean it although hindi nga ako sincere.

"Sige kiara, let's go na ipapack ko lang to sa sasakyan" tumango nalang ako as a response kakalungkot kasi dahil mawawala nanaman ako sa piling ni daddy pero for the business naman ito. I know na maganda ang kakalabasan neto.

*BEEP* *BEEP*

Signal na iyon na aalis na kami, kaya naman si daddy ay ihinatid na ako sa gate upang makaalis na kami ni gino.

Sumakay na ako sa sasakyan at akala ko ay aalis na kami agad ngunit binabaan naman ni gino ng bintana ang aking daddy at nagpaalam na upang makaalis na kami.

"Sige tito, una na kami para maagang makapagpahinga tong si kiara" sabi nya sa aking daddy na halatang malungkot din.

"Oy gino, may tiwala ako sayo as business partner pero huwag mong sirain ang tiwala ko sayo. Ingat sa pagdadrive and sana makabisita ako sa inyo. At kiara anak, if you need anything dad is here" my dad is the sweetest person na nakasama ko. And maybe he likes gino for me. Pero sorry dad I can't, I don't want to get involve with him and people will blame me that I'm just into his business. I'm going to prove myself to all the people and I'm going to be so competitive.

My soft hearted bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon