Pilipinas

476 20 1
                                    

Makatapos ang trip na iyon ay wala ng sumunod. Naging busy na kasi si gino. Lalo na ngayon at nagkaroon ng aberya sa forza. Medyo bumaba ang sales kasi hindi napapagtuunan ng pansin ni sky.

Nagkagalit si tito gunn at gino dahil daw sa kapabayaan ng anak.

Pinipiliit kong umuwi sa pilipinas si gino pero yan talagang lalaking yan ayaw sumunod. Kung kelan daw ako uuwi ay saka sya uuwi.

Kaya ngayon naka 6 months na ako ay nagpaalam na ako kay mommy.

"Ma, uwi na akong pinas ah. Kelangan ko na siguro mag manage ng restaurant na pinatayo ni daddy para sa akin." Ang mukha ni mommy ngayon ay parang hindi pumapayag. Sino bang ina ang papayag na malayo sakanya ang kanyang anak diba?

"Anak, susupportahan kita pero kung kaya ka uuwi ka dahil susunod sayo si gino. Hays ayaw man kitang payagan pero siguro kelangan mong... sige na nga"sabi ni mommy sakin sabay akap.

"Kelan ka bibili ng ticket?" Tanong ni ck sakin

"Ngayon tapos sa isang araw ang alis namin." Sabi ko kay ck

"Ang bilis naman ate. Nakapamili ka na ba bg pasalubong?" Oo nga pa pala. Tsk.

"Baka mamaya ako mamili tapos lipat ko nalang date ng flight kinabukasan ng isang araw" haaaays uuwi na talaga ako. Una kong ginawa ay kumuha ng ticket at sumunod ay naligo na ako para makapamili ng mga pasalubong.

Pagkatapos kong maligo ay umalis na ako at pumunta sa coffee shop ni tita. Speaking of. Grabe lumago business nila! Galing magturo ni gino. Very Educational

Nagbike ako at eto yung mamimiss ko. Yung malayang pagsakay ng bike tapos walang takot.

Nagpaalam ako kay tita nung una hindi sya pumayag pero kinalaunan ay namaalam na sya sa akin

"Kiara, aalis ka na ba talaga? Bakit ngayon pa kung kelan lumago ang business namin? Pano na yan edi uuwi na si boss gino?" Sabi ni tita. Sabi na eh hindi naman ako ang mamimiss neto si gino.

"Tita ano po kasi, napapabayaan na po kasi ni gino ang kanyang trabaho. Hindi po kasi sya makapag concentrate. Nagalit na po yung daddy ni gino sakanya dahil ayaw nyang umuwi. Hindi naman po sya uuwi namg hindi ako kasama. Kung andito po ako matutulungan ko po kayo sa business nyo kaso po ay mag mamanage rin po ako ng business namin sa pilipinas" tumango sya at ang kanyang mukha ay parang wala ng magagawa.

"Hay sayang naman kasi kung kelan malakas na ang business namin saka kayo mawawala. Kayo ata lucky charm ko ih. Haays sige na kiara" sabay abot nya sa akin ng dalawang bag ng coffee bean.

"Tita marami ng ganyan sa pinas" sabi ko sakanya

"Dito lang yan makukuha kia, tsaka kunin mo na pasalubong sa parents mo at parents ni gino. Bale nga pala alam na ba ni gino na aalis kayo?" Umiling ako.

"Mamaya po ay pagkauwi ko ay sasabihin ko na sakanya dahil mamimili po kami ng pang pasalubong." Tumango naman si tita sa akin.

"Wala na akong magagawa pero sana bumalik kayo. Paano na ang business namin" pabulong na sabi ni tita.

"Tita andyan naman si jaime. I'm sure he can manage your coffee shop. Hindi palang siguro sya ready pero konting dasal nalang tita at papayag narin yan." Tumango si tita sa akin at nagpaalam na ako sa kanya.

"Ingat kayo kiara, balik kayo dito ni boss gino." Nag wave sa akin si tita.

Ng naglakad ako palabas ay nakita ko ang naglalakad na gino.

"Oh kiara why so early?" Tila naguguluhang tanong sakin ni gino.

Hinigit ko ang kaniyang braso.

My soft hearted bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon