Warning: This chapter contains violence.
"Edward." Parang nabuhayan siya nang pag-asa dahil sa binata.
"Let's go. Malakas na ang ulan. Magkakasakit tayo pareho pag nagtagal pa tayo dito."
Tinulungan siya nitong makatayo at inalalayan hanggang sa makarating sa sasakyan nito na nakaparada hindi kalayuan sa kanila.
Hindi ba ito umalis at sinundan siya? Iwinaksi na niyon sa isip. Mas makakaigi kung hindi siya mag-isip ng kung anu-ano dahil makakadagdag lang iyon sa suliranin niya ngayon.
Nang makasakay na siya sa sasakyan nito ay umikot naman ito sa driver's seat. Nilukob sila ng katahimikan sa buong biyahe.
"Walang towel dito sa loob ng sasakyan. Papatayin ko na lang ang aircon para hindi ka malamigan," sumulyap siya sa binata at marahang tumango-tango. Pagkatapos ay bumalik ang tingin niya sa labas ng bintana.
Humigpit ang hawak niya sa basa na din niyang bag nang kumudlit sa isip niya sina Nanay Selya at ang mga kapatid niya. Sana ay hindi ito lumabas ng bahay gaya ng sinabi niya. Hindi niya mapigilan makaramdam ng takot habang nasa isip niya ang mga ito.
Hanggang sa tumigil na ang sasakyan matapos ang hindi mabilang na mga minuto ay lumilipad pa din ang isip niya.
Nagbalik lang siya sa realidad nang marahan siyang kinalabit ng binata. "We're here."
Luminga siya sa labas ng bintana. Nasa labas sila ng bahay nito.
Muli siyang bumaling dito. "Hindi naman ito ang bahay ko."
Kumunot ang noo nito. "Do you plan to die? Didn't you see the raging face of your so-called mother earlier? Sigurado akong iitakin ka niya pag bumalik ka doon."
Napayuko siya sa sinabi nito. Nahihiya siya dahil nakita pala iyon ng binata. Hindi na niya alam kung ano ang iniisip nito sa kaniya. Paniguradong mukha siyang kaawa-awa.
Hindi niya namalayan na nakababa na pala ito at nakabukas na ang pinto sa gilid niya. Hindi niya maiwasang hindi mapatingin dito nang kunin nito ang bag niya at binitbit iyon. Pagkatapos ay inalalayan siya hanggang sa tapat ng malaking gate ng bahay nito.
"Mom!" sigaw nito mula sa labas pagkatapos pindutin ang doorbell. "The gate is locked!" Paulit-ulit nitong pinindot ang doorbell hanggang sa bumukas maliit na pinto sa gate.
Iniluwa niyon ang mama ni Edward. "Son! Don't break the doorbell--" natigilan ito nang makita ang mga hitsura nila. "Remi?"
Tipid siyang ngumiti. "Magandang gabi po, Mrs. Lai."
"What happened? And why are you two soaking wet?"
"Mom, can you let us in first? We're both hungry and freezing to death," iritadong sabi ng binata.
"Oh. I'm sorry. Come on in," niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok sila.
Hindi niya maiwasang humanga sa ganda ng bahay ng mga ito. Malaki iyon at aaliwalas. Makikita doon ang pagiging mataas na tao ng mga ito sa lipunan. At nanliliit siya. Pakiramdam niya ay kasing laki lamang siya ng langgam doon.
She was rooted on her place. Nahihiya siyang iapak ang madumi at sira na niyang sapatos sa malinis na sahig ng mga ito. Napatitig siya sa sirang sapatos. Gusto niya iyong itago.
Ang daya talaga ng tadhana. Palagi na lamang siyang pinagmumukhang kawawa sa harap ng ibang tao.
"Sweetie, are you okay?" Nag-angat siya ng tingin nang naramdaman ang paghawak ng mama ni Edward sa balikat niya. Walang awa sa mga mata nito, sa halip, punung-puno iyon ng simpatya.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)
General FictionDear Edward, Habang binabasa mo ang sulat na ito, malamang ay nasa himpapawid na ako sakay ng eroplano. Lalayo na ako kagaya ng gusto mo. Alam mo, magmula nang makilala kita noon, ako na yata ang pinaka naging makasariling tao. I want you all by my...