“Oh? Remi? Anong ginagawa mo dito? At bakit iisa lamang ang sapin mo sa paa?”
Imbes na sagutin si Sister Martha ay niyakap niya ito. Ibinuhos niya ang lahat ng luha niya. Naramdaman niya ang paghagod nito sa likod niya.
“Ayos ka lang ba anak? Halika, pasok ka muna,” nilakihan ng madre ang pagkakabukas ng berdeng gate na may nakasulat na malaking “Bahay Pag-asa” sa labas.
“Gabi na ang pagdalaw mo anak. Tulog na si Izza,” kapagkuwan ay sabi ng madre. Inabot nito sa kaniya ang isang baso ng kape. Kasalukuyang nasa kusina sila ng bahay ampunan na iyon.
Pagkatapos ng sagutan nila kanina ni Edward ay sa sementeryo siya dumiretso. Kinausap lamang niya ng kinausap ang puntod ni Angela hanggang sa gumaan ang loob niya.
“Salamat po,” inabot niya ang kape.
“Anak, ayos ka lamang ba?” nag-aalalang tanong ng madre. Napatitig siya dito. Kinupkop sila nito ni Izza noong araw na mamatay ang mama niya. Nagtuturo pala ito sa mga batang lansangan malapit sa eskinita nila. At nang araw na mangyari ang insidente sa bahay nila ay ito ang humingi ng tulong upang madala sa ospital si Angela at ang mama niya. Kaya nga lamang, dead on arrival ang kapatid niya.
Ang mama naman niya ay nalagak sa ospital. Habang naghahanap siya ng pambayad ay si Sister Martha muna ang nag-alaga sa mga kapatid niya sa bahay nila.
Ngunit isang araw, pagbalik niya mula sa paghahanap ng pera pambayad, nagulat na lamang siya nang bumalik siya sa ospital ay wala na doon ang mama niya.
Umuwi siya sa bahay nila at ang nadatnan niya doon ay ang umiiyak na si Sister Martha yakap ang bunso niyang kapatid na si Izza, na tatlong taong gulang lamang. Nagkukulay dugo ang hitang bahagi ng kulay puti nitong pang madreng kasuotan. Nanggaling daw doon ang mama niya, wala sa sarili. Sinaksak ang madre sa hita gamit ang screwdriver at pagkatapos ay umalis tangay si Jepoy, ang limang taong gulang naman niyang nag-iisang kapatid na lalaki.
“Ayos lang po ako, Sister. Pwede po bang, dito muna ako makitulog kasama si Izza?” humigpit ang hawak niya sa baso.
May simpatyang ngumiti sa kaniya ang madre. Inabot nito ang kamay niya. “Palagi kang welcome dito, anak. Alam mo naman iyon diba? Nagpapasalamat ako, dahil sa mga donasyon na ibinibigay mo dito sa ampunan, nakakakain ng maayos ang mga bata. Nagkakaroon ng maayos na damit at gamit. Saan mo ba kinukuha iyon, anak?”
Sa asawa ko po, Sister. Gusto sana niyang sabihin iyon, pero walang lumalabas na mga salita sa bibig niya. Tumulo lamang ang luha sa mata niya. Pakiramdam niya, ang sama sama niyang tao.
Tama ang asawa niya noon pa man. She is a gold digging dirty pig.
Nag-aalala namang humigpit ang hawak ng madre sa kamay niya. “Anak, sabihin mo sa akin ang problema. Baka matulungan kita. O para lamang sa ikakagaan ng loob mo.”
Tipid siyang ngumiti. “S-sorry po. S-sorry po, Sister. K-kasi baka hindi ko na kayo m-matulungan sa mga susunod na taon.” Ayoko na pong humingi ng pera kay Edward. Ayoko na pong mag-away kami dahil sa mga maling desisyon ko.
“Remi. Sapat na ang limang taon na tinutulungan mo kami. Kahit yung pambayad mo sana sa abogado, naiibigay mo na sa amin. Pagpasensiyahan mo na at nagiging dahilan kami para hindi umusad ang kaso ni Angela--”
“Huwag niyo pong sabihin yan. Wag po kayong humingi ng pasensiya. Salamat po sa pag-aaruga kay Izza. Dahil po sa inyo, nakapagsalita siyang muli. Pangako po, pag nahanap ko na si Jepoy, pag okay na ang lahat. Kukunin ko na siya. Magkakasama- sama uli kami.”
Punong-puno ng simpatya ang ngiting ibinigay sa kaniya ng madre.
“Huwag mo na kaming alalahanin. Tinutulungan na din kami ni Annina.”
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)
Ficción GeneralDear Edward, Habang binabasa mo ang sulat na ito, malamang ay nasa himpapawid na ako sakay ng eroplano. Lalayo na ako kagaya ng gusto mo. Alam mo, magmula nang makilala kita noon, ako na yata ang pinaka naging makasariling tao. I want you all by my...