A/N: Hello kay BernalynTiangco MichiruTanaka great-unkown sheilacmorales 💖 Maraming salamat po sa pagbabasa at pagbo-vote ng NO IDE, NO ENTRI. Sana po mabasa niyo din yung iba kong story. Sorry po kung dito ko kayo na-mention huhuhuz.
Kay JonalynMina1 JobyJoyJuarez CharmCompuesto pag-add ninyo ng No Ide, No Entri sa mga reading list niyo. Sana po suportahan niyo din ang iba ko pang naisulat at isusulat pa lang.
Salamat naman po kay MaryJaneHusain RyanAli2 bigbang_gd_wife sa pagfollow po sa akin. 😊😊😊😊
At syempre sayo girl, 2NE1_Blackjack ito na ang update yiieee. 💖💓😘 Happy 1st of July and happy reading.
Sana mapasaya kayo ng update na ito (or not kasi hindi naman ito masayang update huhuhuz. I so love you Remi. Sorry in advance kung pinapahirapan kita.) Typo ahead. 👇
Nanlalamig ang mga kamay niya habang mahigpit ang hawak sa sariling bag. Her heart is pounding with the mixture of joy and nervousness.
Paminsan-minsa ay napapasulyap siya kay Edward na katabi niya ngayon sa loob ng sasakyan. Ngunit tahimik lamang itong nakatingin sa labas ng bintana. Bahagyang nakakunot ang noo nito. At kahit walang kangiti-ngiti sa mga labi nito ay hindi pa din nabawasan ang kaguwapuhan nito.
Lihim siyang napangiti at mahigpit na nayakap ang bag na nakapatong sa mga hita. Kahit sa simpleng bagay lamang na ganito ay masaya na kaagad siya. Masasabi niyang mababaw talaga ang kasiyahan niya pagdating sa binata.
Para bang saglit niyang nakalimutan na mauubos na ang pera niya at baka sa susunod na araw ay wala na silang makain pare-pareho ng mga kapatid niya.
Pinilit niya iyong iwaksi sa isip. Alam niyang magagawan din agad niya iyon ng paraan. Pinapanatili niyang positive ang isipan dahil wala din namang mangyayari kung ida-down niya ang sarili at magiging nega. Lalo lamang niyong papalalain ang sitwasyon.
"Son, I'm going somewhere. So you need to drop off Remira on her house, okay?"
Kumunot ang noo ng binata. "Why?"
"Because I say so," iminaniobra ng mama ni Edward ang sasakyan at itinabi iyon sa gilid ng daan. Bumaling ito sa kaniya. "Bye, sweetie. Have a good ride. See you next time."
Muntik pa siyang matawa nang kumindat ang ginang sa kaniya. Itinago tuloy niya ang ngiti. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na sana ganito ka-supportive ang sarili niyang nanay.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)
قصص عامةDear Edward, Habang binabasa mo ang sulat na ito, malamang ay nasa himpapawid na ako sakay ng eroplano. Lalayo na ako kagaya ng gusto mo. Alam mo, magmula nang makilala kita noon, ako na yata ang pinaka naging makasariling tao. I want you all by my...