Recent EntryNo date
Dear Edward,
Masakit na masakit na ang puso ko. Parang palagi itong sinasaksak sa tuwing may kasama kang ibang babae.
Sa tuwing nililinis ko ang mga kalat ninyo pagkatapos ninyong magtalik, para mo na din akong pinapatay. Mahal kita, pero hindi ako bato. Hindi ako bato, Edward. Ramdam ko lahat ng sakit. Kahit ilang ulit kong hilingin na sana mamanhid na ang buong katawan ko, wala pa din e. Nandito pa din ang sakit.
Ito na ba ang parusa at kapalit ng ginawa ko sayo noon?
Pero kahit ganoon, kahit paulit- ulit pa akong magkapira- piraso, mahal pa din kita.
Tanggap ko na.
Na hindi mo na talaga ako matututuhang mahalin. Pasensya na at pinagsisiksikan ko pa din ang sarili ko sayo.
Indeed, ‘pain demands to be felt.’
Love,
Remi.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)
Narrativa generaleDear Edward, Habang binabasa mo ang sulat na ito, malamang ay nasa himpapawid na ako sakay ng eroplano. Lalayo na ako kagaya ng gusto mo. Alam mo, magmula nang makilala kita noon, ako na yata ang pinaka naging makasariling tao. I want you all by my...